13/03/2026
30TH NATIONAL AUTISM CONSCIOUSNESS WEEK 2026 🌟
Sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at Community Based Rehabilitation-Binangonan, ipinagdiwang ang National Autism Consciousness Week sa temang “Mula Kamalayan tungo sa Gawa: Pag-unlad ng Autism-OK Philippines.” Higit pa sa pagbibigay-kaalaman, layunin ng selebrasyon na isulong ang aksyon para sa isang inklusibong lipunan. Mithi rin nitong matiyak na ang bawat indibidwal sa autism spectrum ay suportado, pinahahalagahan, at nabibigyan ng pantay na pagkakataong lumahok nang may dignidad sa lahat ng aspeto ng komunidad.
Hango sa animated film na Zootopia, ang tema ng selebrasyon na pinamagatang “THERATOPIA: A Parent’s Guide to Building a Place Where Every Child Belongs.” Tampok sa guide ang masaya at makabuluhang play-based at routine-based activities, kabilang ang:
👣 Animal Walks – Nakakatulong sa pagpapabuti ng koordinasyon at balanse.
🎯 Obstacle Courses – Hinihasa ang kakayahan sa motor planning at problem-solving.
🏀 Ball Games – Pinapabuti ang koordinasyon ng mata at kamay.
🗓️ ADL (Activities of Daily Living) Routine – Pagsasanay sa paggalaw habang isinasagawa ang pang-araw-araw na gawain, tulad ng paglalakad, paglilinis ng ngipin, at paghuhugas ng pinggan.
💪 Exercise Schedule – Isama ang ehersisyo sa araw-araw na iskedyul upang maging regular at bahagi ng pang-araw-araw na gawain.
Makibahagi sa pagsusulong ng Autism-OK Philippines. Sa maliit man o malaking hakbang, sama-sama nating itaguyod ang isang lipunang nakikinig, nagmamalasakit, at tunay na nagbibigay halaga sa bawat indibidwal sa autism spectrum. 🌈
💙