Councilor Tess Ceralde

Councilor Tess Ceralde TESSted na Maaasahan, CERALDE'ng may puso para sa Caloocan.

PUBLIC HEARING PARA SA COMPREHENSIVE LAND USE PLAN (CLUP) 2026โ€“2035Naging matagumpay ang ginanap na Public Hearing hingg...
02/09/2026

PUBLIC HEARING PARA SA COMPREHENSIVE LAND USE PLAN (CLUP) 2026โ€“2035

Naging matagumpay ang ginanap na Public Hearing hinggil sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP) 2026โ€“2035 ng ating lungsod, kung saan nagtipon-tipon ang ibaโ€™t ibang sektor upang hubugin ang hinaharap ng ating komunidad, na ginanap sa Estrada Court, Phase 2, Barangay 176-B, Bagong Silang, Caloocan City.

Taus-pusong nagpapasalamat ang pamahalaang lungsod sa bawat pagninilay, ideya, at suhestiyong ibinahagi ng ating mga mamamayan. Ang inyong boses ang magiging gabay sa pagbuo ng isang sustenable at maunlad na lungsod para sa lahat.



Laging puno ng saya, kwentuhan, at tawanan tuwing nakakasama natin ang ating mga mahal na kapwa Senior Citizen mula sa B...
02/09/2026

Laging puno ng saya, kwentuhan, at tawanan tuwing nakakasama natin ang ating mga mahal na kapwa Senior Citizen mula sa Barangay 178 at Barangay 180! ๐Ÿ‘ต๐Ÿ‘ดโค๏ธ

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at sa inspirasyong ibinibigay ninyo sa ating komunidad. Asahan ninyong patuloy tayong maglilingkod nang may pagmamahal at malasakit para sa inyo at para sa ating mga apo.



Maligayang Kaarawan sa ating napakasipag at pinagkakatiwalaang Barangay 180 Secretary, Annabelle Manliclic! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰Mula noong...
02/09/2026

Maligayang Kaarawan sa ating napakasipag at pinagkakatiwalaang Barangay 180 Secretary, Annabelle Manliclic! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

Mula noong ako pa ay Kapitana hanggang ngayong ang aking anak na ang naglilingkod sa ating Barangay, ikaw ang naging matibay na katuwang at sandigan ng ating pamayanan. Ang iyong higit sa dalawang dekadang tapat at walang kapagurang serbisyo sa Barangay 180 ay tunay na hindi matatawaran at lubos na kahanga-hanga!

Maraming salamat sa iyong dedikasyon, tiyaga, at sa pagiging isang totoong kaibigan sa loob at labas ng pampublikong lingkod. Nawa'y biyayaan ka pa ng Panginoon ng masaganang kalusugan, kaligayahan, at mas marami pang taon ng tagumpay.

We appreciate you always! Happy, happy birthday, Sec. Annabelle ๐Ÿซถ๐Ÿป



Isang Maligayang Kaarawan sa ating masigasig at tunay na kahanga-hangang lingkod-bayan, Barangay 178 Sec Marvel Mendoza!...
31/08/2026

Isang Maligayang Kaarawan sa ating masigasig at tunay na kahanga-hangang lingkod-bayan, Barangay 178 Sec Marvel Mendoza! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

Ang iyong walang sawang dedikasyon, sipag, at busilak na kalooban sa paglilingkod ay tunay na inspirasyon at magandang ehemplo para sa bawat Batang Kankaloo. Maraming salamat sa puso at oras na iniaalay mo para sa ating komunidad!

Dalangin namin ang iyong patuloy na kalusugan, tagumpay, at mas marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod. Nawa'y maging masaya at puno ng pagmamahal ang iyong kaarawan!



Isang taos-pusong pagpupugay sa ating mga bayaning nag-alay ng tapang at sakripisyo para sa ating bansa. Ang inyong pama...
30/08/2026

Isang taos-pusong pagpupugay sa ating mga bayaning nag-alay ng tapang at sakripisyo para sa ating bansa. Ang inyong pamana ay patuloy na magsisilbing liwanag para sa mga susunod pang henerasyon.



Sa dinanas nating sama ng panahon, patuloy ang pag-agapay at pagpapadama ng malasakit! Mainit at masarap na Lomi ang ati...
30/08/2026

Sa dinanas nating sama ng panahon, patuloy ang pag-agapay at pagpapadama ng malasakit! Mainit at masarap na Lomi ang ating inihanda at ipinamahagi para sa ating mga evacuees na nanatili sa SMNI Multi Purpose Hall, Barangay 178.

Manatili po tayong ligtas at mag-ingat ang lahat!



AKSYON AT MALASAKIT SA PANAHON NG KALAMIDAD Muli po nating binuksan ang pintuan ng Villa Rogelia Family Resort upang mag...
30/08/2026

AKSYON AT MALASAKIT SA PANAHON NG KALAMIDAD

Muli po nating binuksan ang pintuan ng Villa Rogelia Family Resort upang magsilbing pansamantalang evacuation center at ligtas na silungan para sa ating mga kababayang naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha sa Barangay 180.

Bukod sa ligtas na tuluyan, naghandog din tayo ng mainit na lomi para sa ating mga evacuees upang kahit papano ay maibsan ang lamig at pagod na kanilang dinaranas.

Sa gitna ng pagsubok ng panahon, hindi po kayo nag-iisa. Magkakasama tayong babangon! ๐Ÿ™



28/08/2026

Para sa mga masisipag na may SATURDAY CLASSES....

Suspendido pa rin ang pasok (face-to-face) sa lahat ng antas ng mga pribado at pampublikong paaralan sa Caloocan, bukas, August 29.

Inaasahan ang mas malakas na pag-ulan sa Metro Manila, kayaโ€™t hinihikayat ang lahat na manatiling handa sa anumang epekto ng masamang panahon.

Manatili pong naka-alerto sa lagay ng panahon, at sakaling mangailangan ng tulong at pagresponde sa anumang insidente, tumawag po sa ating 24/7 Emergency Hotlines:

โ˜Ž๏ธ (02) 888-25664
๐Ÿ“ฑ 0908-81-25664
๐Ÿ“ฑ 0998-51-25664

Sa bahay na lang muna ha! Ingat kayo! ILY ๐Ÿซถ

Sa pangunguna ng Committee on Land Use and Urban Planning, dumalo at nakiisa po tayo bilang miyembro sa ginanap na Publi...
28/08/2026

Sa pangunguna ng Committee on Land Use and Urban Planning, dumalo at nakiisa po tayo bilang miyembro sa ginanap na Public Hearing upang mas maunawaan at mapag-usapan ang mga mahahalagang talakayin hinggil sa mga bagong plano at panukalang ordinansa.

Layunin nitong matiyak ang wasto, maayos, at mas epektibong paggamit sa mga lupain at espasyo ng ating minamahal na Lungsod ng Caloocan para sa mas maunlad na kinabukasan ng mga susunod na henerasyon ng Batang Kankaloo.



27/08/2026

Dahil gusto ko safe kaโ€ฆ ayan na.

SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Caloocan bukas, August 28. Alternative Delivery Mode muna tayo.

Ito ay bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga magulang, batay sa pinakahuling weather assessment at rekomendasyon ng NDRRMC.

Kaya stay home, stay dry, at makinig pa rin sa teachers ha. Mas importante sa akin na safe at tuyo kayo.

Ingat palagi. Love you! ๐Ÿซถ

Address

Barangay 180
Caloocan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Tess Ceralde posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share