Office of the Municipal Treasurer - LGU Calauag, Quezon

Office of the Municipal Treasurer - LGU Calauag, Quezon VISION:
To excel in sound revenue generation and spur financial resiliency to achieve sustainable growth for the constituents of LGU.

MISSION:
To collect revenues efficiently and effectively, safeguard the funds and remain receptive to the needs of LGU.

20/01/2026
20/01/2026
PABATID SA LAHAT NG MAMAMAYAN NG BAYAN NG CALAUAG!
16/01/2026

PABATID SA LAHAT NG MAMAMAYAN NG BAYAN NG CALAUAG!

09/01/2026

Ang Tanggapan ng Ingat Yaman ng Bayan ng Calauag ay BUKAS sa Enero 10, 2026 (SABADO) , mula ika 8 ng umaga hanggang sa ika 5 ng hapon para sa mga nagnanais magbayad ng kanilang bayarin sa Business Tax at Real Property Tax. Gayundin din kami ay bukas sa iba pang gawain at transaksiyon ng aming Tanggapan.

Maraming Salamat Po...

PABATID!Sa atas ng ating Punongbayan, Mayor Rosalina Orejola Visorde , Ang Pamahalaang Bayang ng Calauag sa pangunguna n...
09/01/2026

PABATID!

Sa atas ng ating Punongbayan, Mayor Rosalina Orejola Visorde , Ang Pamahalaang Bayang ng Calauag sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office, Municipal Treasurer's Office at iba pang tanggapan, ay kasalukuyang nagsasagawa ng BUSINESS ONE STOP SHOP sa ating Bayan, ito ay alinsunod sa Ease of Doing Business Act (RA No. 11032).

Hinihikayat po natin ang ating mga kababayan na magparehistro o magrenew ng inyong Business Permits upang maging tuloy-tuloy ang operasyon ng inyong negosyo at upang mapalakas pa ang ating lokal na ekonomiya.

Ang BOSS ay gaganapin hanggang sa ika 20 ng Enero, taong 2026..


Pagbati at pagpupugay sa bumubuo - mga kawani ng Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman sa pangunguna ng Pambayang Ingat Yam...
04/12/2025

Pagbati at pagpupugay sa bumubuo - mga kawani ng Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman sa pangunguna ng Pambayang Ingat Yaman Melinda L. Pedrezuela;

Maraming salamat po Gov. Angelina Doktora Helen D.L. Tan at Provincial Treasurer Rosario Marilou M. Uy sa mga parangal at pagkilala;

Espesyal na pasasalamat kay Mayor Rosalina O. Visorde, Sanguniang Bayan at sa bumubuo at namiminuno sa lokal na pamahalaan ng Calauag sa walang sawang pagsuporta sa patuloy na maayos na pagbibigay serbisyo sa mamamayan ng Calauag;

At higit sa lahat, sa lahat ng mamamayan ng bayan ng Calauag, sa inyong kontribusyon at buwis, isa kayo sa dahilan at may pinakamalaking ambag sa patuloy na pag-unlad ng ating Bayan.

🏆Top Ten Best Performing Municipal Treasurer
🏆Top Ten Best Performing Municipal Treasury Offices In Quezon Province for FY 2023
🏆Surpassing Target Collection For Real Property Tax FY 2024
🏆Surpassing Target Collection For Real Property Tax FY 2023

Nobyembre 7, 2025Inilahad ng Tanggapan ng Ingat Yaman ang kanilang panukalang laang gugulin sa bumubuo ng Sanguniang Bay...
15/11/2025

Nobyembre 7, 2025

Inilahad ng Tanggapan ng Ingat Yaman ang kanilang panukalang laang gugulin sa bumubuo ng Sanguniang Bayan para sa taong 2026. Ito ay pinangunahan ni Gng Melinda L. Pedrezuela, Municipal Treasurer, at Gng. Ma. Fe N. Ordiz, Assistant Municipal Treasurer.

Pasasalamat sa ating minamahal na Punongbayan, Mayor Rosalina O. Visorde at sa bumubuo ng Sanguniang Bayan sa isang matagumpay na talakayan at pagbabahagi ng kaalaman ng bawat isa.

Ang panukalang badyet na ito ay sumisimbolo at nagpapakita ng determinasyon sa paglalatag ng isang matibay na pundasyon para sa isang mas malaki at progresibong bayan.

Maligayang Kaarawan sa aming pinakamamahal na Punong-bayan Mayor Rosalina O. Visorde❤️Mabuhay po kayo!
11/06/2025

Maligayang Kaarawan sa aming pinakamamahal na Punong-bayan Mayor Rosalina O. Visorde❤️

Mabuhay po kayo!

JUST IN | The Civil Service Commission releases the list of successful examinees of the Basic Competency for Local Treas...
21/07/2023

JUST IN | The Civil Service Commission releases the list of successful examinees of the Basic Competency for Local Treasury Examination (BCLTE) conducted last June 11, 2023.

We would like to Congratulate Ms. Ma Fe N. Ordiz (Local Treasury Operation Officer III) for passing the BCLTE. Your accomplishment is very well-deserved. We at the MTO are very happy and proud of you.

Welcome to the roll of the Local Treasury Eligible and keep up the good work.

Again, Congratulations!🎉

Ang Tanggapan ng Ingat-Yaman ay may nakatalagang mga empleyado sa ating Municipal Public Cemetery mula ngayong araw hang...
30/10/2022

Ang Tanggapan ng Ingat-Yaman ay may nakatalagang mga empleyado sa ating Municipal Public Cemetery mula ngayong araw hanggang Nobyembre 1, 2022., simula ika 8:00 ng umaga hanggang ika 5:00 ng hapon. Sa mga nais magbayad ng upa o renta ng himlayan ng kanilang mga mahal sa buhay sa ating lumang sementeryo, maaari po kayong magbayad at makipag ugnayan sa kanila.

Hinihikayat po namin ang pagdadala ng dating resibo para sa mas mabilis na transaksiyon.
Maraming salamat po..



Address

New Municipal Building, Brgy. Pinagbayanan
Calauag
4318

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Municipal Treasurer - LGU Calauag, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Office of the Municipal Treasurer - LGU Calauag, Quezon:

Share