11/04/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
Isang karangalan para sa inyong lingkod, Konsehal Jun Cabailo, ang mapabilang sa mga kinilala bilang DWCC Distinguished Alumni Awardees sa ginanap na parangal ng Divine Word College of Calapan.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsusumikap at dedikasyon sa larangan ng serbisyong pampubliko. Higit pa rito, ito ay inspirasyon upang ipagpatuloy ang tapat at mahusay na paglilingkod para sa kapakanan ng mamamayan.
Malaki ang naging bahagi ng DWCC sa paghubog ng kaalaman at pagpapahalaga na nagsisilbing gabay sa bawat hakbang ng paglilingkod. Kaya naman taos-pusong pasasalamat sa parangal na ito, at pagbati sa patuloy na tagumpay ng institusyon.
Mabuhay ang mga natatanging alumni at ang diwa ng serbisyo para sa bayan! ๐