15/05/2026
๐ข SULONG KAPAYAPAAN
Sa layuning higit pang patatagin ang kapayapaan at kaunlaran sa mga komunidad, matagumpay na isinagawa ang serye ng aktibidad na pinamagatang โSULONG KAPAYAPAAN: Strengthening Peace and Development through Enhanced Barangay Development Planning (E-BDP)โ sa ibaโt ibang bahagi ng Oriental Mindoro.
Pinangunahan ng DILG Oriental Mindoro sa pamumuno ni Director Frederick C. Gumabol, MPA, CESO V, ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng Immersion Phase ng Retooled Community Support Program (RCSP) 2026, kasama sina Cluster Head Ariel R. Regino at OIC-Program Manager Marixie Kamille F. Prudencio, katuwang ang mga teknikal at administratibong kawani ng DILG Provincial Office.
Naging bahagi rin ng programa ang mga kinatawan mula sa NICA MIMAROPA bilang mga resource speaker, kabilang si Deputy Regional Director Felix Nelson I. Callos, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman hinggil sa Local Conflict Dynamics at mga Salik ng Insurgency.
Nagsimula ang programa noong May 07, 2026 sa Calapan City, kung saan nagtipon ang mga target barangay mula sa Naujan, Baco, San Teodoro, at Puerto Galera. Sinundan ito noong May 12, 2026 sa Bayan ng Roxas, kasama ang mga beneficiary barangay mula sa Bongabong, Mansalay, Bulalacao, at Roxas. At nagtapos noong May 14, 2026 sa Bayan ng Pinamalayan, na dinaluhan ng mga target barangay mula sa Pinamalayan, Victoria, Socorro, Gloria, at Bansud. Naging mahalaga rin ang paglahok ng mga kinatawan ng LGU, partikular ang mga Municipal Planning and Development Coordinators (MPDCs), sa pagpapadaloy ng mga workshop.
Sa bawat yugto ng programa, nagsimula ang mga aktibidad sa maayos na panimulang bahagi, na sinundan ng mga mensahe ng suporta mula sa DILG at NICA MIMAROPA. Ibinahagi rin ang mga updates sa RCSP at tinalakay ang mga ugat ng lokal na sigalot at insurgency upang higit na maunawaan ang kalagayan ng mga komunidad.
Sa gitna ng mga talakayan at workshop, naging sentro ang pagpapalalim ng kaalaman sa Barangay Development Planning, mula sa pagbuo ng Bisyon, pagtukoy ng Success Indicators, hanggang sa masusing Situational Analysis at paglatag ng mga Layunin at Programa. Aktibong nakilahok ang mga barangay sa pagbuo ng kanilang Barangay Development Plan.
Hindi lamang ito isang pagsasanay, kundi isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan ng pamahalaan at mamamayan. Sa huli, naging daan ito upang mapalakas ang kakayahan ng mga barangay na tumugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad at magtaguyod ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.
-EBDP