31/08/2023
"Paglalakbay tungo sa Tagumpay"
August 31, 2023
Pinamalayan Gymnasium
Matagumpay na naisagawa ang Graduation Ceremony ng 700 Exiting Households ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa munisipyo ng Pinamalayan, Socorro at Gloria na kabilang sa mga sumusunod:
A. Level 3 (Pamilyang nakaahon mula sa kahirapan o nasa estado nang Self-Sufficiency ang result nung Social Welfare Development Indicator Assessment Tool),
at;
B. Pamilyang na-tagged sa ilalim ng Natural Attrition (Ang pinakahuling minomonitor na anak o apo ay nakapagtapos ng ng Senior High School sa taong kasalukuyan o ang edad ng mga eto ay lumampas na sa age-limit na 18. )
Ang layunin ng aktibidad na ito ay pormal na maidulog ng Pantawid Pamilya ang mga magsisipagtapos na ito sa Local Government Unit ng Gloria sa mga posibleng interbensiyon na maibibigay sa kanila sa kabila nang pag graduate nila sa programa ng 4Ps..
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyales ng Pamahalaang Bayan ng Pinamalayan sa pangunguna ng Punong Bayan Kgg. Aristeo Baldos Jr. , Pangalawang Punong Bayan Kgg. Rodolfo Magsino, SB Member Edwin Hernandez, MSWDO Grace Eunice Fabella; Opisyales ng Pamahalaang bayan ng Socorro sa pangunguna ng Punong Bayan Kgg. Nemmen Perez, MSWDO Sharon Ylagan, Teresita Valentino (ARD for Administration) , Maria Consuelo Gonzales (PDO IV) , Provincial Link Maridel T. Rodriguez, SWO-III Rama Villacastin, Grievance Redress System Officer Marius Rio Aceremo at mga Staff ng Pantawid Pamilya mula sa Municipal Operations Office ng Pinamalayan, Socorro at Gloria.
Lubos ang pasasalamat ng mga kawani ng DSWD Pantawid sa lahat ng tumulong at nakiisa sa matagumpay na gawaing ito.