10/09/2026
BIR RDO 063, Pinalawak ang Kaalaman ng 300 Taxpayers sa One-Time Abatement Program
SOCORRO, ORIENTAL MINDORO โ Humigit-kumulang 300 taxpayers mula sa mga bayan ng Socorro, Pola at Pinamalayan ang dumalo sa seminar na isinagawa ng Bureau of Internal Revenue โ Revenue District Office No. 063, Oriental Mindoro sa Socorro Municipal Gymnasium upang talakayin ang mahahalagang probisyon ng Revenue Regulations (RR) No. 4-2026 at Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 84-2026.
Sa pangunguna ni Revenue District Officer Regina P. Reforma, binigyang-diin sa seminar ang One-Time Abatement Program para sa qualified Micro Taxpayers sa ilalim ng RR No. 4-2026โisang programa na nagbibigay ng pagkakataong ma-settle ang mga kwalipikadong pending tax liabilities sa pamamagitan ng abatement o pagpapababa ng kaukulang assessments, surcharges at interest alinsunod sa itinakdang terms and conditions ng BIR.
Kabilang sa mga maaaring makinabang sa programa ang mga kwalipikadong Micro Taxpayers na may delinquent accounts, pending tax assessments, at open stop-filer cases, subject sa mga kondisyon at limitations na itinakda ng regulasyon. Para sa mga kasong saklaw ng programa, maaaring mag-apply para sa abatement ang qualified Micro Taxpayers na may kabuuang tax liabilities na hindi hihigit sa โฑ80,000 kada taxable year.
Binigyang-linaw din sa mga dumalo na ang Micro Taxpayer ay tumutukoy sa taxpayer classification sa ilalim ng Revenue Regulations No. 8-2024 para sa mga indibidwal o negosyo na may gross sales na hindi lalampas sa โฑ3 milyon sa isang taxable year at nakatala bilang micro-taxpayer sa sistema ng BIR
Nagsilbing key speaker si Chief, Collection Section Jojo M. Barrientos, na nagpaliwanag sa coverage, qualifications, application procedures at mahahalagang kondisyon ng One-Time Abatement Program. Binigyang-diin din ang layunin nitong mabigyan ng fresh start ang micro businesses, mahikayat ang voluntary compliance, matulungan ang taxpayers na maisaayos ang kanilang tax records, at mapadali ang kanilang pagbabalik sa compliant status.
Ipinaliwanag din na ang application ay kailangang ihain sa concerned Revenue District Office gamit ang prescribed application form. Ang aplikante ay kinakailangang magbayad ng โฑ5,000 abatement fee gamit ang BIR Form No. 0605, bukod sa iba pang requirements at pagbabayad na naaayon sa kanyang kaso. Ang availment period ng programa ay hanggang December 31, 2026, maliban kung palawigin alinsunod sa umiiral na patakaran.
Kasama ring nagbigay ng mahahalagang talakayan sina Revenue Officers Ma. Rowena Goda, Ma. Cecilia Viaรฑa, at Jeffrey Cieton, kabilang ang pagpapaliwanag sa RMC No. 84-2026 at iba pang kaugnay na proseso at obligasyon ng taxpayers.
Sa pamamagitan ng seminar, layunin ng BIR RDO 063 โ Oriental Mindoro, Revenue Region No. 9A โ CaBaMiRo na hindi lamang ipabatid ang mga bagong regulasyon kundi tulungan ang taxpayers na aktuwal na mapakinabangan ang mga remedyo at pagkakataong ibinibigay ng batas upang maisaayos ang kanilang tax obligations at mapanatili ang voluntary compliance.
Inaasahan ang mas malawakan pang pagbibigay kaalaman sa buong probinsya sa mga susunod na araw.
Ang pagdalo ng halos 300 taxpayers mula sa tatlong bayan ay sumasalamin sa patuloy na pakikipagtulungan ng BIR at ng taxpaying public tungo sa mas mahusay, malinaw at taxpayer-friendly na tax administration.