24/04/2026
Bawat Barangay sa Lungsod ng Tanauan tiyak na makikinabang sa 𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀! 🇵🇭
Sa ilalim ng programang “Bawat Bayan, Makikinabang” ng Pambansang Pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos, kabilang po ang lahat ng 48 barangay ng Tanauan sa mga benepisyaryo ng Local Government Support Fund.
Ito po ay isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang kakayahan ng ating mga barangay sa pagpapatupad ng mga programang direktang tumutugon sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan.
Ang pondong ito ay nagsisilbing puhunan para sa mas pinalawak na serbisyong panlipunan, suporta sa edukasyon, at pagpapatupad ng mga proyektong magpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng bawat Tanaueño.
Kalakip din po nito ang mga programang tulad ng Presidential Scholarship at Bagong Pilipinas Rice Subsidy.
Sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, sinisiguro natin ang maayos at episyenteng implementasyon ng mga programang ito upang ang bawat barangay ay tunay na makinabang at walang maiiwan sa pag-unlad ng ating lungsod.
Bilang Punong Lungsod ng Tanauan, patuloy nating pinagtitibay ang ugnayan ng lokal at pambansang pamahalaan upang matiyak na ang kaunlaran ay nararamdaman hanggang sa antas ng bawat barangay — direktang tulong at direkta sa tao.
Taos-puso akong nagpapasalamat sa Pamahalaang Nasyunal sa pangunguna ng ating Pangulong Bongbong Marcos, Executive Secretary Ralph Recto at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamumuno ng ating Gov. Vilma Santos-Recto!
Mabuhay ang bawat Batangueño!
Mabuhay ang Lalawigan ng Batangas!
Mabuhay ang Bagong Tanauan!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas!