22/05/2025
Sa darating na pambansang halalan, isang bagong pwersa ang handang tumindig para sa bayanโang ALPAS, isang partidong isinilang mula sa hangaring palayain ang sambayanan mula sa lumang sistemang hindi na nagsisilbi sa nakararami. Ang aming pangalan ay sumasalamin sa aming layunin: ang makalaya at makapaghatid ng tunay na pagbabago.
Ang ALPAS ay hindi lamang isang pangalan, ito ay panawagan. Panawagan para sa isang gobyernong may malasakit, may pananagutan, at may konkretong hakbang para sa kapakanan ng bawat Pilipino. Nais naming wakasan ang katiwalian, palitan ang lumang pulitika, at itaguyod ang pamumunong makatao at makabayan.
Hindi kami para sa iilan, kami ay para sa lahat. Aming pinahahalagahan ang bawat sektor ng lipunan, lalo na ang mga matagal nang nasa laylayan at hindi nabibigyan ng boses: ang mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataan, katutubo, LGBTQIA+, at iba pa. Panahon na para marinig at mapakinggan sila sa paggawa ng mga polisiyang tunay na makakabuti sa buong bayan.
Kamiโy hindi lang tumatakbo para sa pwesto at kami ay kumikilos para sa kinabukasan. Sama-sama nating palayain ang bayan mula sa pagkakagapos sa lumang sistema. Panahon na para makiisa, manindigan, at kumilos tungo sa isang lipunang makatarungan at pantay para sa lahat.
Singers: Joanne Marie Bolando and Calvin Hendrix Pasaraba
Lyrics by: Joanne Marie Bolando
Instrumental: Intro to I-LAND by I-LANDers
Special thanks to Venz Acojedo, Jan Iris Bacuyag and to the people who are involved in this video.
๐จ Disclaimer:
This video is solely for academic purposes. This is our application activity for our performance on Thursday under our course Political Dynamics.