15/05/2026
Matagumpay pong na-retrieve ng Philippine Coast Guard ang katawan ng 12-anyos na batang nasangkot sa insidente ng pagkalunod na nangyari noong May 13, 2026 sa Brgy. Pata. Natagpuan ang biktima noong gabi ng May 14, 2026 sa bahagi ng Sto. Domingo, Piat.
Lubos po ang aming pasasalamat sa Philippine Coast Guard, BFP Tuao, PNP Tuao, Task Force Lingkod Bayan (TFLB), Task Force Lingkod Cagayan (TFLC), MDRRMO Piat, mga opisyal ng barangay, volunteers at mga residenteng nakiisa at tumulong sa buong operasyon.
Sa ngalan ng Pamahalaang Barangay ng Pata, taos-puso po kaming nakikiramay sa naulilang pamilya at mga mahal sa buhay ni Errosh J. Cabasag. Nawa’y bigyan kayo ng lakas at kapanatagan sa gitna ng matinding pagdadalamhati.
Patuloy po nating ipagdasal ang kapayapaan ng kanyang kaluluwa.🕊️