31/01/2026
Isinasagawa ng Buenavista National High School ang Early Registration at Child Mapping para sa School Year 2026–2027 mula January 31 hanggang February 27, 2026, bilang mahalagang bahagi ng maagang paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase at bilang pagtugon sa adbokasiya ng Kagawaran ng Edukasyon na “Walang Batang Maiiwan.”
Ang gawaing ito ay pinangunahan ni Sir Rogelio P. Villapando Principal II ng BNHS, katuwang ang mga Head Teachers na sina Ma’am Marita Pentinio, Ma’am Cristina Barretto, at Sir Edgardo Valledor, kasama ang Chief Adviser ng Grade 7 na si Ma’am Jobelle H. Ricamata at ang buong hanay ng mga kaguruan ng BNHS, na sama-samang nagsagawa at nagpatupad ng Early Registration at Child Mapping sa iba’t ibang barangay ng Bayan ng Buenavista.
Ang mga impormasyong nakalap mula sa Early Registration at Child Mapping ay magsisilbing pangunahing batayan sa pagtukoy ng inaasahang bilang ng mag-aaral, gayundin sa maayos na pagpaplano ng kinakailangang bilang ng g**o, silid-aralan, at iba pang pasilidad, upang matiyak ang isang maayos, organisado, at epektibong pagbubukas ng School Year 2026–2027.