02/07/2026
ANNOUNCEMENT:
Pinapaalalahanan ng DepEd ang lahat ng mag-aaral, magulang, at school personnel na may umiiral nang polisiya na nagbabawal sa paggamit ng gadgets ng mga mag-aaral at school personnel habang may klase o sa panahon ng instructional hours.
Pinapayagan lamang ang paggamit ng mga ito kung para sa layuning pang-edukasyon o sa oras ng emergency, alinsunod sa DepEd Order No. 006, s. 2026 o ang Guidelines on Ensuring Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE).
Hinihikayat ang mga paaralan na palakasin ang information at advocacy campaigns upang matiyak ang tamang pagsunod sa polisiya at maisulong ang ligtas at responsableng paggamit ng internet at gadgets.
Basahin ang buong memorandum dito: https://www.deped.gov.ph/2026/07/01/reiteration-of-policies-on-the-safe-and-responsible-use-of-the-internet-and-related-devices/