05/04/2016
“YOUTH EMPOWERMENT” – Handog ng Administrasyong UMALI sa KABATAANG NOVO ECIJANO.
Si GOV. OYIE M. UMALI, ang NAGBIGAY BOSES sa KABATAAN ng NUEVA ECIJA.
Sino pa ba ang higit na makauunawa sa mga Kabataan, kung ‘di ang isang AMA at isa ring dating lider-kabataan. Bilang isang dating student-leader sa CIC, UST at SAN BEDA, batid ni GOV. OYIE ang natural na IDEALISMO at ENERHIYA ng mga Kabataan.
Tayo’y mayroon palaging gustong patunayan sa lipunang ating ginagalawan, at sa paghahanap ng marami sa atin ng ating lugar o kabibilangan sa pamayanan minsan tayo ay napaririwara o natutuksong gumawa ng hindi magandang bagay. Kaya sapat na pag-gabay at oportunidad ay ipinagkaloob ng Administrasyong UMALI sa bawat Kabataang Novo Ecijano upang tayo’y hubugin na maging mabuti at responsableng mamamayan katuwang ng Pamahalaan sa pagpapaunlad ng Nueva Ecija.
Batid ni Gov. OYIE na bukod sa SANGGUNIANG KABATAAN, nararapat na magkaroon ng isa pang ahensya ang Pamahalaang Panlalawigan na direktang tutugon sa pangangailangan ng mga Kabataan, gayundin ang isang opisinang magsisilbing direktang tulay ng Kabataan sa Pamahalaang Panlalawigan. Sa gantong kadahilanan, ang Pydc Nueva Ecija ay isinilang.
Bago pa man maitatag ang PYDC, ang Kapitolyo ay mayroon ng Tanggapang humahawak sa sektor ng Kabataan, ito ay ang SPORTS & YOUTH SERVICES DIVISION. Ngunit, alam ng ating Gobernador na malawak ang pangangailangan ng mga KABATAAN at mas MABUTI kung mas maraming ahensya ng pamahalaan ang nagtutulungan para tugunan ang kanilang pangangailangan, kaya noong Abril 20, 2009 ay kanyang itinatag ang PROVINCIAL YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL o PYDC.
Dalawang opisina ng Kapitolyo, ang nakatutok sa sektor ng Kabataan. Magkatuwang na naglilingkod sa kabataang Novo Ecijano. Pagpapatunay lamang, na PRAYORIDAD ang KABATAAN sa Administrayong UMALI.
Mapalad ang Kabataan ng Nueva Ecija sapagkat ang Nueva Ecija ay isa mga KAUNA-UNAHANG LGU sa BUONG PILIPINAS na nagtatag isang LOCAL YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL. Bago paman, isabatas ang S.K. Reform Law of 2015 ay mayroon ng PYDC ang Lalawigan ng Nueva Ecija sa ilalim ng Tanggapan ng Punong-Lalawigan. Anim (6) na TAON po tayong nauna o “advance” kumpara sa’ting mga karatig probinsya.
Kaugnay nito, naging ihemplo o modelo pa nga ang Pydc Nueva Ecija para sa ilang mga lalawigan at lungsod sa Pilipinas upang sila ay makapagtatag ng kanilang sariling Local Youth Development Council. ‘Yan po ay bunga ng “VISIONARY LEADERSHIP” ni GOV. OYIE.
Ang pagbuo sa PYDC, ay pagpapatunay sa PAGPAPAHALAGA ng ama ng Lalawigan sa sektor ng Kabataan. Naging aktibong kabahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga Kabataan sa pagbuo ng mga programa, proyekto at mga polisiya para sa kapakanan ng mga Kabataang Novo Ecijano.
Kinikilala ni Gov. OYIE UMALI ang kahalagahan ng mga KABATAAN. Sa loob ng S’yam (9) na taon n’yang panunungkulan bilang Goberndor ay naglatag s’ya ng mga proyekto at programang tumutugon sa pangangailangan ng Kabataan tulad ng SCHOLARSHIP, SPORTS at LEADERSHIP PROGRAM.
Nagbigay si Gov. OYIE ng oportunidad upang magkaroon ng SAPAT na SUPORTA ang KABATAAN upang mahubog ang kanilang kakayahan sa aspeto ng Palakasan (Sports) at Pamumuno (Leadership).
Ipagpatuloy po natin ang programa ng Administrasyong UMALI para sa mga KABATAANG NOVO ECIJANO. Ang kailangan po ng Nueva Ecija ay ang magpapatuloy sa SERBISYONG MATAPAT PARA SA LAHAT.