PNP Buruanga Municipal Police Station

PNP Buruanga Municipal Police Station To serve and protect.

02/06/2026

๐“๐จ๐ฉ ๐Œ๐จ๐ฌ๐ญ ๐–๐š๐ง๐ญ๐ž๐ ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐‘๐Ž๐Ÿ”, ๐€๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐๐จ ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ‘๐Ÿ– ๐“๐š๐จ๐ง ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ ๐จ

Antique โ€” Inaresto ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang No. 1 Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation sa Sitio Barrio Site, Barangay San Agustin, San Jose, Occidental Mindoro noong Hunyo 1, 2026.

Ang naarestong suspek na kinilala sa alyas na โ€œElly,โ€ 63 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabing barangay, ay may kinahaharap na kasong Arson, Multiple Murder, at dalawang bilang ng Frustrated Murder.

Sa isinagawang imbestigasyon, lumabas na ang mga krimen ay umanoโ€™y ginawa sa bayan ng Caluya, Antique noong 1988. Matapos nito, tumakas umano ang akusado patungong San Jose, Occidental Mindoro at nagtago sa loob ng 38 taon upang makaiwas sa pag-aresto.

Sa pamamagitan ng impormasyong ibinigay ng concerned citizens, matagumpay na naaresto ng tracker team ng Caluya Municipal Police Station ang akusado sa tulong ng San Jose Municipal Police Station ng Occidental Mindoro at 2nd Antique Provincial Mobile Force Company.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 13, Culasi, Antique, na may petsang Abril 3, 2025. Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kasong Arson at Multiple Murder, habang itinakda naman sa PhP200,000.00 ang piyansa sa bawat bilang ng Frustrated Murder.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Caluya MPS ang naarestong indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa hukuman na naglabas ng warrant of arrest.

โ€œAting ipinapakita sa pagkakaarestong ito ang matatag na determinasyon ng PRO6 na iharap sa hukuman ang mga wanted persons upang panagutan ang mga kasong isinampa laban sa kanila. Ang pagkakaaresto sa Top 1 Most Wanted Person ng rehiyon, na nagtago sa loob ng 38 taon, ay malinaw na mensahe na walang sinumang makakapagtago habambuhay sa batas,โ€ ayon kay PBGen Randulf T. Tuaรฑo, Acting Regional Director ng PRO6.

Binigyang-diin din ni PBGen Tuaรฑo ang kahalagahan ng koordinasyon, intelligence-driven operations, at suporta ng komunidad sa pagtunton at pag-aresto sa mga wanted persons.

โ€œSa pamamagitan ng tuloy-tuloy na koordinasyon at dedikasyon ng ating mga tauhan, lalo pa nating paiigtingin ang ating manhunt operations upang matiyak na mananagot sa ilalim ng due process ang mga taong may kinahaharap na warrant of arrest,โ€ dagdag niya.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Tuaรฑo, nananatiling matatag ang kampanya ng PRO6 laban sa mga wanted persons at iba pang uri ng kriminalidad, na nakasandig sa Responsive, Trusted, and Transformative Policing para sa mas ligtas na Western Visayas.

Ang inisyatibong ito ay kaakibat ng bisyon ng Philippine National Police na โ€œBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,โ€ sa ilalim ng pamumuno ni Chief, PNP, PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr.

(PNP-RPIO6)

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

02/06/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง ๐ง๐  ๐†๐ฎ๐š๐๐š๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐ž ๐ฌ๐š ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ

Mula Hunyo hanggang Disyembre 2026, darating sa Pilipinas ang Pilgrim Image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe mula Mexico, dala ang mensahe ng pananampalataya, pag-asa, pagmamahal, at pagkakaisa.

Inaanyayahan ang lahat ng nais makiisa sa makasaysayang pagdalaw na ito upang salubungin ang Mahal na Birhen, humingi ng kanyang panalangin, at palalimin pa ang pananampalataya at debosyon sa Diyos.

Ang paanyayang ito ay bukas sa lahat ng nagnanais makibahagi, anuman ang kanilang paniniwala, na may paggalang sa ibaโ€™t ibang pananampalataya.

Isang natatanging pagkakataon ito upang maranasan ang debosyon sa isa sa pinakakilalang sagisag ng habag at pagmamahal ng Diyos, na nagbigay-inspirasyon sa milyun-milyong tao sa buong mundo.

Abangan ang mga iskedyul, lugar, at mga gawain sa inyong mga komunidad. Ibahagi ito sa pamilya at mga kaibigan, at maging bahagi ng makasaysayang paglalakbay na espirituwal na ito.

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

02/06/2026
02/06/2026

ILOILO City โ€“ Police Regional Office 6 (PRO-6) director General Randulf Tuaรฑo has placed all provincial and city police directors, and municipal police chiefs in Western Visayas under performance review. No police official is guaranteed to keep his or her post, Tuaรฑo warned as he announced adopt...

02/06/2026

๐๐š๐š๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐๐‘๐Ž๐Ÿ” ๐š๐ง๐  ๐Ÿ ๐‘๐ž๐ก๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐จ๐ฌ๐ญ ๐–๐š๐ง๐ญ๐ž๐ ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ฌ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ค๐š๐ก๐ข๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐Ž๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

ILOILO โ€” Dalawang regional-level most wanted persons ang naaresto sa magkahiwalay na manhunt operations na isinagawa ng mga yunit ng Police Regional Office 6 (PRO6) noong Hunyo 1, 2026.

Si alias โ€œEddie,โ€ 66 anyos, may asawa, at residente ng Primitivo Ledesma Ward, Pototan, Iloilo, ay kusang-loob na sumuko sa mga tauhan ng Barotac Nuevo Municipal Police Station.

Siya ay nakatala bilang Top 5 Regional Most Wanted Person para sa kasong Statutory R**e sa ilalim ng Article 266-A (1)(D) ng Revised Penal Code, na inamyendahan kaugnay ng Republic Act No. 7610.

Sa hiwalay namang operasyon, inaresto ng Tracker Team ng Pototan Municipal Police Station, katuwang ang Kabankalan Component City Police Station ng PRO NIR, si alias โ€œGerry,โ€ 18 anyos at binata, sa Sitio Kalubihan, Barangay Inapoy, Kabankalan City, Negros Occidental.

Lumitaw sa imbestigasyon na pansamantalang naninirahan si alias โ€œGerryโ€ sa Pototan, Iloilo nang maganap umano ang krimen noong 2024. Siya ay nakatala bilang Top 6 Regional Most Wanted Person at may warrant of arrest para sa kasong R**e by Carnal Knowledge sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1 ng Revised Penal Code, na inamyendahan kaugnay ng Republic Act No. 7610.

Ang mga warrant of arrest laban kina alias โ€œEddieโ€ at alias โ€œGerryโ€ ay inilabas ng Family Court, Sixth Judicial Region, Branch 6, Dumangas, Iloilo noong Disyembre 2, 2025, na walang inirekomendang piyansa.

Ipinaalam sa dalawang naarestong indibidwal ang kanilang mga karapatang konstitusyonal sa ilalim ng Miranda Doctrine at Anti-Torture Warning sa wikang kanilang nauunawaan. Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay PBGEN Randulf T. Tuaรฑo, Acting Regional Director ng PRO6, ipinapakita ng pagkakaaresto sa mga regional most wanted persons ang walang humpay na kampanya ng PRO6 laban sa mga taong may kinakaharap na warrant of arrest.

โ€œHindi hadlang ang pagtatago upang makaiwas sa batas. Patuloy nating tutugisin ang mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest at sisiguraduhing haharap sila sa hustisya sa pamamagitan ng tamang proseso ng batas,โ€ ani PBGen Tuaรฑo.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng koordinasyon ng mga yunit ng pulisya, mga katuwang na ahensya, at publiko sa pagtunton sa mga wanted persons, kabilang ang mga nagtatago sa labas ng kanilang lugar na pinaninirahan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Tuaรฑo, nananatiling matatag ang PRO6 sa pagsusulong ng RESPONSIVE, TRUSTED, AND TRANSFORMATIVE POLICING para sa mas ligtas na Western Visayas, bilang suporta sa bisyon ng PNP na โ€œBAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMANโ€ sa ilalim ng pamumuno ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP.

(PNP-RPIO6)

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

02/06/2026

๐๐š๐ฌ๐š๐›๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐๐ก๐ฉ๐Ÿ‘.๐Ÿ‘๐Ÿ“-๐Œ ๐’๐ก๐š๐›๐ฎ ๐š๐ญ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฒ-๐๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ž๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ง; ๐‡๐•๐ˆ ๐š๐ญ ๐Ÿ ๐ฉ๐š ๐€๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐๐จ, ๐Œ๐ž๐ง๐จ๐ซ ๐ƒ๐ž ๐„๐๐š๐ ๐ˆ๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ง-๐จ๐ฏ๐ž๐ซ

ILOILO โ€” Isang high-value individual at dalawa nitong kasamahan ang naaresto, habang isang 14-anyos na menor de edad ang itinurn-over sa social welfare authorities matapos ang buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Balanti-an, Balasan, Iloilo noong Hunyo 1, 2026.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakasabat ng humigit-kumulang 493 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na PhP3,352,400.00, kasama ang isang baril at mga bala.

Naaresto sina alias โ€œDodoy,โ€ 46 anyos, isang High-Value Individual at pangunahing target ng operasyon na residente ng Estancia, Iloilo; alias โ€œJuv,โ€ 25 anyos, isang Street-Level Individual at live-in partner ni alias โ€œDodoy,โ€ mula sa Dagupan City, Pangasinan; at alias โ€œBerna,โ€ 18 anyos, isang Street-Level Individual mula sa Carles, Iloilo. Sangkot din sa insidente ang isang 14-anyos na menor de edad na iniulat na apo ng pangunahing target, na itinurn-over sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Balasan para sa kaukulang disposisyon at interbensyon.

Nakumpiska sa operasyon ang 13 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang improvised 12-gauge shotgun na may magazine na kargado ng limang live ammunition, buy-bust money, at iba pang non-drug evidence.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na operatiba ng Balasan Municipal Police Station, 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company, at Carles Special Boat Crew, Special Operations Unit 4 ng Maritime Group, matapos ang mahigit isang buwang surveillance at case build-up.

Lumitaw sa imbestigasyon na si alias โ€œDodoyโ€ ay may naunang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga sa Estancia, Iloilo noong Marso 2015. Nagsilbi siya ng sentensiya at nakalaya noong 2025.

Pinuri ni PBGen Randulf T. Tuaรฑo, Acting Regional Director ng Police Regional Office 6, ang operating units para sa matagumpay na operasyon.

โ€œIpinapakita ng accomplishment na ito ang ating matatag na paninindigan na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa Western Visayas. Ang pagkakaaresto sa isang high-value individual at pagkakasabat ng malaking halaga ng ilegal na droga ay nakapigil sa pagkalat ng mga mapanganib na substansyang ito sa ating mga komunidad. Pinupuri natin ang operating units sa kanilang dedikasyon, propesyonalismo, at mahusay na pagtutulungan,โ€ ani PBGen Tuaรฑo.

โ€œNanawagan din tayo sa publiko na manatiling mapagmatyag at agad ireport ang mga ilegal na aktibidad sa kanilang lugar. Hinihikayat ko rin ang mga magulang at guardian na mas tutukan at gabayan ang kanilang mga anak. Nakakalungkot makita na may mga kabataang naaakit sa ilegal na droga sa halip na nasa paaralan at nakikibahagi sa mga produktibong gawain. Sama-sama nating protektahan ang kabataan at panatilihin ang ligtas at drug-free na mga komunidad,โ€ dagdag niya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Balasan Municipal Police Station ang mga naarestong suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Tuaรฑo, nananatiling matatag ang PRO6 sa pagsusulong ng RESPONSIVE, TRUSTED, AND TRANSFORMATIVE POLICING para sa mas ligtas na Western Visayas bilang suporta sa bisyon ng PNP na โ€œBAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMANโ€ sa ilalim ng pamumuno ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP.

(PNP-RPIO6)

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

02/06/2026

๐๐ก๐๐Ÿ‘.๐Ÿ‘๐Ÿ“-๐Œ ๐’๐ก๐š๐›๐ฎ, ๐…๐ข๐ซ๐ž๐š๐ซ๐ฆ ๐’๐ž๐ข๐ณ๐ž๐ ๐ข๐ง ๐๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ง ๐๐ฎ๐ฒ-๐๐ฎ๐ฌ๐ญ; ๐‡๐•๐ˆ, ๐Ÿ ๐Ž๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ ๐€๐ซ๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ๐ž๐

ILOILO โ€” A high-value individual and two cohorts were arrested, while a 14-year-old minor was turned over to social welfare authorities following a buy-bust operation conducted in Barangay Balanti-an, Balasan, Iloilo, on June 1, 2026.

The operation resulted in the seizure of approximately 493 grams of suspected shabu with a Standard Drug Price of PhP3,352,400.00, along with a firearm and ammunition.

Arrested were alias โ€œDodoy,โ€ 46 years old, a High-Value Individual and primary target of the operation residing in Estancia, Iloilo; alias โ€œJuv,โ€ 25 years old, a Street-Level Individual and live-in partner of alias โ€œDodoy,โ€ from Dagupan City, Pangasinan; and alias โ€œBerna,โ€ 18 years old, a Street-Level Individual from Carles, Iloilo. Also involved was a 14-year-old minor, reportedly a granddaughter of the main target, who was turned over to the Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) of Balasan for proper disposition and intervention.

Recovered during the operation were 13 heat-sealed transparent plastic sachets containing suspected shabu, a homemade 12-gauge shotgun with a magazine loaded with five rounds of live ammunition, buy-bust money, and other non-drug evidence.

The operation was carried out by joint operatives of Balasan Municipal Police Station, 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company, and the Carles Special Boat Crew, Special Operations Unit 4 of the Maritime Group, following more than a month of surveillance and case build-up.

Investigation revealed that alias โ€œDodoyโ€ had a previous drug-related case in Estancia, Iloilo, in March 2015. He served his sentence and was released from jail in 2025.

PBGen Randulf T. Tuaรฑo, Acting Regional Director of Police Regional Office 6, commended the operating units for the successful operation.

โ€œThis accomplishment reflects our unwavering commitment to intensify the campaign against illegal drugs and criminality in Western Visayas. The arrest of a high-value individual and the seizure of a substantial volume of illegal drugs prevented these dangerous substances from reaching our communities. We commend the operating units for their dedication, professionalism, and teamwork,โ€ said PRO6 Acting Regional Director PBGen Randulf T. Tuaรฑo.

โ€œWe also urge the public to remain vigilant and report illegal activities in their areas. I likewise appeal to parents and guardians to closely monitor and guide their children. It is disheartening to see young individuals being drawn into illegal drug activities when they should be in school and engaged in productive endeavors. Together, let us protect our youth and sustain safer, drug-free communities,โ€ he added.

The arrested suspects are currently under the custody of Balasan Municipal Police Station for the filing of appropriate charges for violation of Republic Act No. 9165, otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Republic Act No. 10591, otherwise known as the Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act.

Under the stewardship of PBGen Tuaรฑo, PRO6 remains steadfast in its commitment to RESPONSIVE, TRUSTED, AND TRANSFORMATIVE POLICING for a safer Western Visayas, in support of the PNPโ€™s vision of โ€œBAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMANโ€ under the leadership of PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP.

(PNP-RPIO6)

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

02/06/2026

Address

Buruanga

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639985986114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Buruanga Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Buruanga Municipal Police Station:

Share