02/11/2024
ATAKE AT KANSER, BUHAY NA NAPAAGA 🪦
Sa mga ganitong panahon ng paggunita, we pause, we remember, and we honor loved ones. We cannot escape our genes. But we can create our own path.
Maagang pumanaw ang tatay ko. Fourth year ako sa seminary at 17 years old pa lang nang inatake sa puso na may diabetic complications si daddy. Iniwan kami ni Vicente “Enteng” Parin Pascua nung 54 years old pa lamang siya.
Working student si daddy. High school pa lang sya sa Maynila, nagsimula na siyang magtrabaho kina Manuel Pangan, ama ng komedyanteng si Chiquito na naging politiko. Habang nagtuturo at nag-aaral ng edukasyon sa Tarlac, namasukan siya sa tahanan ni Sebastian Lagade.
Naging g**o siya sa public school hanggang nagretire sya. Lagi kong naaalala ang pagpunta namin sa bukid tuwing anihan ng tubo. Kumukuha siya ng inuyat—ang puting bula habang niluluto ang katas ng tubo para gawing tinaklob. Ito ang kanyang panghimagas at naisip ko, naku, baka dito nya nakuha ang diabetes nya.
Ang aking pangalawang Ate, si Maria Lourdes “Marilou” Bustamante Pascua, ay pumanaw din sa sakit nung sya ay 41 years old pa lang. Noong 1996, natapos ang laban ni Manang sa nasopharyngeal cancer.
Minsan binuhat ko siya mula sa ground floor patungo sa second floor ng aming bahay. Magaan na siya noon at ibinilin na huwag kong pababayaan ang kanyang mga anak. Ako ay 32 years old nun. May tatlo siyang naiwan: ang panganay ay naging arkitekto, ang pangalawa ay multi-awarded director ng sine, at ang bunso ay nasa Australia.
Inaalala ko rin ngayon ang isang tiyo, isang tiyahin, at dalawang pinsan: si Wenceslao Boniol Bustamante, Jr. o Uncle Junior, ika-10 anak ni Lolo Islao; si Auntie Rose Bustamante, ika-11 anak ni Lolo Islao; at mga pinsan kong sina Edwin at Reynaldo Bustamante.
Si Uncle Junior ay pumanaw noong 2001 na 43 years old lang, at si pinsan Edwin naman ay noong 2021 nang sya at 51 years old—parehong dahil sa nasopharyngeal cancer katulad ng ikinamatay ni Manang Marilou. Itong Hunyo lang, ang panganay ni Uncle Junior na si pinsan Rey o Kalds ay inatake sa puso—tulad ng aking ama. Kagaya ni Uncle Junior, 43 years old lang din sya.
Si Uncle Junior ay naging Municipal Assessor ng Burgos. Si pinsan Edwin ay panganay ni Uncle Enoy, na ika-limang anak ni Lolo Islao. Siya ay karpentero, at siya ang nagbantay at tumulong sa pag-develop ng Don Islao Farm sa Cabicalan sa Papallasen. Nagtayo rin sya run ng ilang kubo kasama ang kanyang anak na si Alain, na inaanak ko at kapangalan pa. Si Insan Kalds naman ay isang Civil Engineer. Nagtapos dun ako ng BS Civil Engineering.
Si Auntie Rose ay pumanaw noong 2015 dahil sa kanser sa dibdib. Siya ay nagsilbing Kabataang Barangay (KB) municipal federation president at nagsilbi rin na Konsehal sa bayan. Pumanaw sya sa edad na 55.
May namamatay sa digma, may namamatay sa sakit. Kanser at atake sa puso. Biglaan ang isa, walang babala o paghahanda. Habang ang kanser, dahan-dahan. Parehong masakit sa mga naiwan. Inisip ko, wala tayong kawala sa genes pero meron tayong magagawa na mabuhay ng mas ligtas at buo.
Kayo po, sino ang ginugunita nyong mahal sa buhay na namayapa na sa sakit?
ATAKE AT KANSER, BUHAY NA NAPAAGA 🪦
Sa mga ganitong panahon ng paggunita, we pause, we remember, and we honor loved ones. We cannot escape our genes. But we can create our own path.
Maagang pumanaw ang tatay ko. Fourth year ako sa seminary at 17 years old pa lang nang inatake sa puso na may diabetic complications si daddy. Iniwan kami ni Vicente “Enteng” Parin Pascua nung 54 years old pa lamang siya.
Working student si daddy. High school pa lang sya sa Maynila, nagsimula na siyang magtrabaho kina Manuel Pangan, ama ng komedyanteng si Chiquito na naging politiko. Habang nagtuturo at nag-aaral ng edukasyon sa Tarlac, namasukan siya sa tahanan ni Sebastian Lagade.
Naging g**o siya sa public school hanggang nagretire sya. Lagi kong naaalala ang pagpunta namin sa bukid tuwing anihan ng tubo. Kumukuha siya ng inuyat—ang puting bula habang niluluto ang katas ng tubo para gawing tinaklob. Ito ang kanyang panghimagas at naisip ko, naku, baka dito nya nakuha ang diabetes nya.
Ang aking pangalawang Ate, si Maria Lourdes “Marilou” Bustamante Pascua, ay pumanaw din sa sakit nung sya ay 41 years old pa lang. Noong 1996, natapos ang laban ni Manang sa nasopharyngeal cancer.
Minsan binuhat ko siya mula sa ground floor patungo sa second floor ng aming bahay. Magaan na siya noon at ibinilin na huwag kong pababayaan ang kanyang mga anak. Ako ay 32 years old nun. May tatlo siyang naiwan: ang panganay ay naging arkitekto, ang pangalawa ay multi-awarded director ng sine, at ang bunso ay nasa Australia.
Inaalala ko rin ngayon ang isang tiyo, isang tiyahin, at dalawang pinsan: si Wenceslao Boniol Bustamante, Jr. o Uncle Junior, ika-11 anak ni Lolo Islao; si Auntie Rose Bustamante, ika-12 anak ni Lolo Islao; at mga pinsan kong sina Edwin at Reynaldo Bustamante.
Si Uncle Junior ay pumanaw noong 2001 na 43 years old lang, at si pinsan Edwin naman ay noong 2021 nang sya at 51 years old—parehong dahil sa nasopharyngeal cancer katulad ng ikinamatay ni Manang Marilou. Itong Hunyo lang, ang panganay ni Uncle Junior na si pinsan Rey o Kalds ay inatake sa puso—tulad ng aking ama. Kagaya ni Uncle Junior, 43 years old lang din sya.
Si Uncle Junior ay naging Municipal Assessor ng Burgos. Si pinsan Edwin ay panganay ni Uncle Enoy, na ika-limang anak ni Lolo Islao. Siya ay karpentero, at siya ang nagbantay at tumulong sa pag-develop ng Don Islao Farm sa Cabicalan sa Papallasen. Nagtayo rin sya run ng ilang kubo kasama ang kanyang anak na si Alain, na inaanak ko at kapangalan pa. Si Insan Kalds naman ay isang Civil Engineer. Nagtapos dun ako ng BS Civil Engineering.
Si Auntie Rose ay pumanaw noong 2015 dahil sa kanser sa dibdib. Siya ay nagsilbing Kabataang Barangay (KB) municipal federation president at nagsilbi rin na Konsehal sa bayan. Pumanaw sya sa edad na 55.
May namamatay sa digma, may namamatay sa sakit. Kanser at atake sa puso. Biglaan ang isa, walang babala o paghahanda. Habang ang kanser, dahan-dahan. Parehong masakit sa mga naiwan. Inisip ko, wala tayong kawala sa genes pero meron tayong magagawa na mabuhay ng mas ligtas at buo.
Kayo po, sino ang ginugunita nyong mahal sa buhay na namayapa na sa sakit?`