Sangguniang Barangay ng Tabon

Sangguniang Barangay ng Tabon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay ng Tabon, Government Organization, Tabon, Pulilan, Bulacan.

17/08/2026

PAUNAWA:

πŸ“’ Pansamantalang Ipinagpaliban ang Isinasagawang Drainage Project

Ipinababatid po sa ating mga kabarangay na pansamantalang ipinagpaliban ang pagsasagawa ng drainage project dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.

Sa sandaling bumuti at maging ligtas na ang panahon, agad pong itutuloy ang nasabing paggawa.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at pakikiisa. πŸ™

Muli, maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

Matagumpay na MR SIA at Vitamin A Supplementation! Matagumpay na naisagawa sa Barangay Tabon ang Measles-Rubella Supplem...
13/08/2026

Matagumpay na MR SIA at Vitamin A Supplementation!

Matagumpay na naisagawa sa Barangay Tabon ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at Vitamin A Supplementation isang mahalagang hakbang para mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga kabarangay. πŸ’‰β€οΈ

Maraming salamat sa ating mga health workers, barangay officials, volunteers, mga magulang, at lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Sama-sama para sa mas ligtas, mas malusog, at mas protektadong Barangay Tabon! πŸ’ͺ🏽🏘️





13/08/2026

πŸ“’ PAALALA SA MGA KABARANGAY

Magkakaroon ng pagsasaayos ng drainage canal sa Manalad St., Purok 4, Barangay Tabon, na nakatakdang simulan sa Agosto 17, 2026.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang lahat ng may mga sasakyan na nakaparada o dumaraan sa nasabing lugar na kung maaari ay ilabas o ilipat muna ang kanilang mga sasakyan bago magsimula ang gawain.

Ito ay upang maiwasan ang pagkaipit ng mga sasakyan at ang posibleng abala sa paglabas o paggamit nito habang isinasagawa ang pagkukumpuni ng drainage canal.

Hinihiling po ang inyong pang-unawa, pakikiisa, at kooperasyon upang maging maayos at ligtas ang pagsasagawa ng proyekto.

Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan! πŸ™

Barangay Tabon β€” Sama-sama para sa mas maayos, malinis at ligtas na pamayanan. πŸ˜οΈπŸ’™






πŸŽ“βœ¨ 5 SCHOLARSHIP GRANTS PARA SA KABATAAN NG BARANGAY TABON! βœ¨πŸŽ“Isang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan! πŸ’™Ipinama...
10/08/2026

πŸŽ“βœ¨ 5 SCHOLARSHIP GRANTS PARA SA KABATAAN NG BARANGAY TABON! βœ¨πŸŽ“

Isang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan! πŸ’™

Ipinamahagi ng Barangay Tabon ang limang (5) Scholarship Grants sa mga kwalipikadong kabataang benepisyaryo sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang Program.

Ang programang ito ay naglalayong makatulong sa ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at mabigyan sila ng karagdagang suporta upang maabot ang kanilang mga pangarap. πŸ“šπŸŽ“

Taos-pusong pagbati sa ating mga bagong scholar! Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo kayong magsikap, mag-aral nang mabuti, at balang araw ay maibalik ang inyong tagumpay sa ating komunidad. ❀️

Edukasyon ang susi sa pag-unlad. Sama-sama nating suportahan ang kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan!






09/08/2026

MAHALAGANG PABATID MULA SA AMA NG LALAWIGAN

"Batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), para sa kaligtasan at upang makapaghanda ang ating mga kalalawigan laban sa anumang panganib na maaaring idulot ng pag-ulan o pagbaha bunsod ng pinalakas na hanging habagat, idinedeklara ng inyong lingkod ang SUSPENSYON NG KLASE SA LAHAT NG ANTAS, PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN, sa Lunes, ika-10 ng Agosto 2026.

Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling ligtas, mag-ingat at maging handa sa anumang maaaring idulot ng masamang panahon.

Patuloy tayong manalangin sa Panginoon para sa kaligtasan ng bawat Bulakenyo."

-Gobernador Daniel R. Fernando

08/08/2026
08/08/2026
05/08/2026

π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—£π—”π—¦π—’π—ž | Alinsunod sa Memorandum Sirkular Blg. 122, s. of 2026 mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, suspendido ang pasok sa mga paaralan at maging sa mga pampublikong tanggapan sa Lalawigan ng Bulacan, bukas, ika-6 ng Agosto, 2026, dulot ng patuloy na pag-ulan hatid ng Bagyong Maymay at Southwest Monsoon o hanging habagat.

Mag-ingat ang lahat at manatiling ligtas, mga Bulakenyo! β˜”οΈ




BARCO (July 06, 2026)
29/07/2026

BARCO (July 06, 2026)

Weekly Clean Up Drive (June 20, 2026)
29/07/2026

Weekly Clean Up Drive (June 20, 2026)

Address

Tabon, Pulilan
Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Tabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share