Municipal Population and Development Unit - Santa Maria, Bulacan

Municipal Population and Development Unit - Santa Maria, Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Population and Development Unit - Santa Maria, Bulacan, Public & Government Service, MPDU, Physical Therapy Bldg. , New Bypass rd. Brgy. San Gabriel, Santa Maria, Bulacan.

๐Ÿ“ข KASALANG BAYAN 2026 2ND BATCHโ€” PAANYAYA SA MGA INTERESADONG MAGKAPAREHA ๐Ÿ’Sa pangunguna ni Mayor Omeng Ramos, ang Pamah...
18/08/2026

๐Ÿ“ข KASALANG BAYAN 2026 2ND BATCHโ€” PAANYAYA SA MGA INTERESADONG MAGKAPAREHA ๐Ÿ’

Sa pangunguna ni Mayor Omeng Ramos, ang Pamahalaang Bayan ng Santa Maria, Bulacan, sa pamamagitan ng Municipal Population and Development Unit (MPDU), ay magsasagawa ng Kasalang Bayan sa Nobyembre 2026. ๐Ÿ’๐Ÿ’

Para sa mga nais makilahok, maaaring magparehistro sa aming tanggapan sa:

๐Ÿ“ Municipal Population and Development Unit (MPDU)
Physical Therapy Building, San Gabriel New Bypass Road, Santa Maria, Bulacan

๐Ÿ•— Oras ng Tanggapan:
๐Ÿ“Œ Lunes hanggang Huwebes: 8:00 AM โ€“ 5:00 PM
๐Ÿ“Œ Biyernes: 8:00 AM โ€“ 12:00 NN

โš ๏ธ FIRST COME, FIRST SERVED BASIS

โค๏ธ MGA KUWALIPIKASYON:
โ€ข Residente ng Bayan ng Santa Maria
โ€ข Nasa legal na edad
โ€ข Kasalukuyang nagsasama bilang magkapareha
โ€ข Walang legal na hadlang sa pagpapakasal
โ€ข Walang kakayahang pinansyal para sa pagpapakasal

๐Ÿ“ž Para sa karagdagang impormasyon:
Hotline: 0962 621 1890

๐Ÿ’™ Samantalahin ang pagkakataong ito at makiisa sa Kasalang Bayan 2026! ๐Ÿ’



SANTA MARIA YOUTH DEVELOPMENT CENTER | GROUND-BREAKING CEREMONYNakikiisa ang tanggapan ng Municipal Population and Devel...
12/08/2026

SANTA MARIA YOUTH DEVELOPMENT CENTER | GROUND-BREAKING CEREMONY

Nakikiisa ang tanggapan ng Municipal Population and Development Unit (MPDU) sa mahalagang okasyon ng Ground-Breaking Ceremony para sa Youth Development Center of Santa Maria, Bulacan, kasama sina Ms. Glendah DJ Reyes, Unit Head ng Municipal Population and Development Unit at Dr. Jose Laureano De Jesus, Municipal Health Officer, bilang pagpapakita ng suporta sa mga programang naglalayong paunlarin at palakasin ang kabataan ng Santa Maria.

Ang pagtatayo ng Youth Development Center ay isang mahalagang investment para sa ating mga kabataanโ€”isang lugar na maaaring magsilbing tahanan ng mga programa, serbisyo, learning opportunities, at mga aktibidad na makatutulong sa kanilang pag-unlad, kalusugan, empowerment, at aktibong pakikilahok sa komunidad.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng iba't ibang tanggapan at sektor, patuloy nating binibigyang-halaga ang kabataan bilang mahalagang katuwang sa pagbuo ng isang mas malusog, mas inklusibo, at mas maunlad na Santa Maria.

Para sa kabataan. Para sa kinabukasan. Para sa isang mas progresibong Santa Maria!

Patuloy na Pagsusulong ng Responsableng Pagiging Magulang at Maayos na Pagpaplano ng Pamilya Matagumpay na naisagawa ang...
07/08/2026

Patuloy na Pagsusulong ng Responsableng Pagiging Magulang at Maayos na Pagpaplano ng Pamilya

Matagumpay na naisagawa ang Family Development Session (FDS) na may paksang "Responsible Parenthood and Family Planning" para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong Agosto 5, 2026, na ginanap sa MDRRMO Training Room, San Gabriel, Santa Maria, Bulacan.

Layunin ng sesyon na mabigyang-kaalaman ang mga kalahok tungkol sa kahalagahan ng responsableng pagiging magulang at tamang pagpaplano ng pamilya bilang pundasyon ng isang ligtas, malusog, at maunlad na sambahayan. Sa pamamagitan ng talakayan, naipaliwanag ang mga mahahalagang impormasyon upang matulungan ang bawat pamilya sa paggawa ng mga makabuluhang desisyon para sa kanilang kinabukasan.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng Municipality of Santa Maria, Bulacan โ€“ Municipal Population and Development Unit, sa patnubay ni Mayor Omeng Ramos, kasama ang Head ng Municipal Health Office, Dr. Jose Laureano De Jesus, Unit Head ng Municipal Population and Development Unit, Ms. Glendah DJ Reyes at mga Municipal Link.

Sama-sama para sa pamilyang may malasakit, may plano, at may magandang kinabukasan!

14/07/2026

๐Ÿ“ข ANUNSYO | MARRIAGE CERTIFICATE RELEASE

Magandang araw po!

Sa lahat po ng mga nag-participate sa Kasalang Bayan noong June 18, 2026 na ginanap sa Santa Maria Municipal Gymnasium, maaari na po ninyong kunin ang inyong Marriage Certificate sa aming tanggapan simula July 15, 2026 (Miyerkules).

๐Ÿ“Claiming Venue:
Office of Municipal Population and Development Unit (MPDU), Physical Therapy Building, San Gabriel New Bypass Road, Santa Maria, Bulacan
(Malapit sa San Gabriel National High School)

๐Ÿ•’ Office Hours:

Monday โ€“ Thursday
8:00 AM โ€“ 5:00 PM

Friday
8:00 AM โ€“ 12:00 NN

Maraming salamat po at muli, binabati namin kayo sa inyong kasal! ๐Ÿ’โค๏ธ

**๐Ÿ“ข BINYAGANG BAYAN 2026 | 2nd Batch** ๐Ÿ‘ถโ›ชMagandang balita, mga magulang! ๐Ÿ’™ Bukas na ang **pagpapalista para sa Binyagang...
11/07/2026

**๐Ÿ“ข BINYAGANG BAYAN 2026 | 2nd Batch** ๐Ÿ‘ถโ›ช

Magandang balita, mga magulang! ๐Ÿ’™ Bukas na ang **pagpapalista para sa Binyagang Bayan 2026 โ€“ 2nd Batch!**

Kung nais ninyong mabinyagan ang inyong anak, maaari na kayong magpalista sa aming tanggapan.

๐Ÿ“ **Municipal Population and Development Unit**
Physical Therapy Building
San Gabriel New Bypass Road, Santa Maria, Bulacan
๐Ÿ“Œ *Malapit sa San Gabriel National High School*

๐Ÿ•— **Oras ng Pagpapalista:**
**Lunes hanggang Huwebes:** 8:00 AM โ€“ 5:00 PM
**Biyernes:** 8:00 AM โ€“ 12:00 NN

๐Ÿ“Œ **Paalala:**
โœ… *First Come, First Serve*
โœ… Para lamang sa mga batang **6 taong gulang pababa**.

๐Ÿ“‹ **Mga Kinakailangan:**
โ€ข Bonafide Resident ng Santa Maria, Bulacan
โ€ข Rehistradong Birth Certificate ng bata
โ€ข Buong pangalan ng **1 pares ng Ninong at Ninang**

๐Ÿ“ž Para sa iba pang katanungan, maaari kayong makipag-ugnayan sa **0962-621-1890**.

**Magpalista na at maging bahagi ng Binyagang Bayan 2026!** Sama-sama nating ipagdiwang ang isang mahalagang yugto sa pananampalataya ng inyong mga anak. ๐Ÿ’™

The Municipal Population and Development Unit of Santa Maria, Bulacan joins the global community in celebrating World Po...
11/07/2026

The Municipal Population and Development Unit of Santa Maria, Bulacan joins the global community in celebrating World Population Day 2026 with the theme:

"Realizing the Hopes and Aspirations of Young People for Their Futures."

This year's celebration highlights the importance of empowering young people by ensuring they have access to quality education, healthcare, equal opportunities, and meaningful participation in nation-building. By investing in our youth today, we help build a healthier, more resilient, and more progressive community for tomorrow.

The Municipal Population and Development Unit, under the leadership of our Honorable Mayor Bartolome "Omeng" Ramos, OIC-Municipal Health Officer, Dr. Jose Laureano De Jesus, and Unit Head, Ms. Glendah DJ Reyes, Population Program Officer III, stands in solidarity with the Commission on Population and Development (CPD) in promoting programs that uphold the rights, health, and well-being of every individualโ€”especially the youthโ€”as partners in sustainable development.

Together, let us continue working toward a future where every young person is empowered to realize their dreams and contribute meaningfully to society.

Kasalang Bayan 2026๐Ÿฅณ๐Ÿฅฐ๐Ÿ’š
19/06/2026

Kasalang Bayan 2026๐Ÿฅณ๐Ÿฅฐ๐Ÿ’š

18/06/2026
Kasalang Bayan na pinakahihintay ng lahat! ๐Ÿฅฐ๐Ÿ˜˜๐Ÿ’š
18/06/2026

Kasalang Bayan na pinakahihintay ng lahat! ๐Ÿฅฐ๐Ÿ˜˜๐Ÿ’š

Naisagawa ang Responsible Parenthood and Family Planning Seminar para sa mga kabataan na maaga naging Ama at Ina ngayong...
03/06/2026

Naisagawa ang Responsible Parenthood and Family Planning Seminar para sa mga kabataan na maaga naging Ama at Ina ngayong araw, Hunyo 3, 2026, sa pakikipagtulungan ng 4Ps facilitator.

Ang pangunahing dahilan at layunin ng programa ay ang mga sumusunod:

Kalusugan ng Ina at Anak: Nakatutulong ito na maiwasan ang mga komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak sa pamamagitan ng tamang agwat ng pagitan ng mga anak.

Kaalaman sa Pag-aanak: Binibigyan ang mga mag-asawa ng access sa iba't ibang modernong pamamaraan ng family planning (contraceptives).

Pag-iwas sa Maagang Pagbubuntis: Isa sa mga pokus nito ang edukasyon para sa mga kabataan upang maiwasan ang maagang pagbubuntis at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

Ito ay pinangunahan ng Municipal Population and Development Unit - Santa Maria, Bulacan, sa pangunguna ng kanilang Population Program Officer III na si Mrs. Glendah DJ. Reyes at ng kanyang mga tauhan.



Address

MPDU, Physical Therapy Bldg. , New Bypass Rd. Brgy. San Gabriel, Santa Maria
Bulacan
3022

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Population and Development Unit - Santa Maria, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share