04/04/2026
Pabatid at Paglilinaw ukol sa mga Ulat ng SK Pugad
Sa mga kumalat/kumakalat o maaaring lumabas na impormasyon sa social media, nais naming linawin ang katotohanan ukol sa pagtupad ng Sangguniang Kabataan ng Pugad sa aming mga tungkulin.
β
Nakapagsumite na po kami ng kumpletong ABYIP at Annual Budget para sa taong 2024 hanggang 2025 sa mga nakaraang LYDO, para sa taong 2026 ay naipasa na rin po sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong March 23,2026. Sa Tangganapan ng LYDO noong March 25, 2026.
β
Kalakip nito ang CBYDP para sa 2024β2025 sa mga nakaraang LYDO at ang CBYDP 2026β2028
naipasa na rin po sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong March 23,2026. Sa Tangganapan ng LYDO noong March 25, 2026.
β
Naipasa rin ang aming Accomplishment Reports para sa taong 2024 sa nakaraang LYDO, at ang Accomplishment Reports 2025 ay naipasa narin noong March 25, 2026.
β
nakapagpasa ng KK Assembly noong 2024 at 2025 na inyong makokompirma sa ating FB page.
β
Tuloy-tuloy ang aming buwanang sesyon bilang bahagi ng aming mandato.
Maliwanag po na ang Sangguniang Kabataan ng Pugad ay kumikilos at tumutupad sa aming responsibilidad.
Sa katunayan ay hindi maaprubahan ang ating budget 2024-2025 kung kami ay walang dokumentong naipasa.
Upang inyong makumpirma, makikita niyo po na ang Sangguniang Kabataan ng Pugad ay kumikilos at may nagawa at ginagawa pa, tignan po ninyo ang ating FB page: Sangguniang Kabataan ng Pugad (https://www.facebook.com/profile.php?id=61553474587446&mibextid=wwXIfr&mibextid=wwXIfr)
Hindi kami mananahimik. Kami ay maninindigan at magsasalita para sa katotohanan. Nararapat lamang na ipagtanggol namin ang aming sarili laban sa kumakalat na maling impormasyon na naglalarawan na tila wala kaming nagagawang serbisyo mula nang kami ay mahalal. Kami ay patuloy na nagseserbisyo nang may malasakit at dedikasyon, at may mga konkretong hakbang at programang naipatupad para sa kapakanan ng aming nasasakupan.
Aminado po kami na nagkaroon ng kakulangan sa aming tanggapan sa hindi agarang pagsusumite ng mga kopya ng ulat sa LYDO sa itinakdang panahon. Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin ukol dito.
Hindi man lahat ay naipapakita sa social media, hindi ito sukatan ng aming trabaho. Ang mahalaga ay may malinaw na nagagawa, may naipapasa, at may serbisyong naibibigay.
Ang Sangguniang Kabataan ng Pugad ay patuloy na nagsisilbi para sa ating barangay. π©·