25/08/2026
PABATID AT PAUNAWA!
Sa lahat ng residente ng Bayang Hagonoy lalo't higit sa Barangay ng Palapat, San Juan, San Isidro, San Miguel, Tampok at Sta. Monica:
Dahil sa mataas na antas ng tubig-baha at upang maiwasan ang pagbabara ng mga kanal, pagkalat ng basura, at paglala ng pagbaha, mahigpit na ipinapaalala na HUWAG MUNA MAGLABAS NG BASURA sa labas ng inyong mga tahanan habang hindi pa angkop ang sitwasyon.
Hinihiling sa lahat na panatilihing maayos at nakatago ang basura sa loob ng bakuran at ilabas lamang ito kapag may abiso na mula sa kinauukulang tanggapan o kapag naipagpatuloy na ang regular na koleksyon ng basura.
Ang pakikiisa ng bawat isa ay mahalaga upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
Maging masinop, maging malinis.
Huwag munang maglabas ng basura habang mataas ang tubig-baha.