Sangguniang Bayan ng San Rafael

Sangguniang Bayan ng San Rafael To give updates to San RafaeleΓ±os about our approved Ordinances and Resolutions.

HAPPY BIRTHDAY SK JOSHUA!Warm greetings from your Sangguniang Bayan Family.
25/05/2026

HAPPY BIRTHDAY SK JOSHUA!

Warm greetings from your Sangguniang Bayan Family.

21/05/2026

Public Hearing (Pampublikong Pagdinig)

Para sa proposed Ordinance na:

1. An Ordinance adopting and Institutionalizing the Local Agriculture and Fisheries Modernization Plan (LAFMP) of the Municipality of San Rafael, Bulacan for CY 2027-2031, Providing for its implementation, Funding Monitoring and for other Purposes.

2. An Ordinance Instituting and Implementing the Registration of Ownership of Agricultural and Fisheries Machinery and Equipment within the Territorial Jurisdiction of the Municipality of San Rafael, Bulacan in Accordance with thr Joint Memorandum Circular No. 2018-02 of the Department of Agriculture and Department of Interior and Local Government.

Ang pagpupulong na ito ay pinangunahan ng Tagapangulo ng Committee on Agriculture, Food and Cooperative, Kgg. Nestor V. Vicho sa patnubay ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion kasama ang mga iginagalang na Kagawad ng Sanggunian.

20/05/2026

Ika dalawampung pangkaraniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion at mga iginagalang na Kagawad.

19/05/2026

Ikalawang Batch ng pamamahagi ng Bigas para sa ilang Senior Citizens, Persons with Disabilities (PWD), Solo Parents, Barangay Tanod, at Low-Income Earners dito sa ating bayan ng San Rafael.

Ang programang ito ay pinangunahan ng ating Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion at mga iginagalang na Kagawad ng Sangguniang Bayan, kasama ang ating Municipal Administrator, Dr. Marina R. Viente, MD.

18/05/2026

Ocular Inspection & Public Hearing sa Barangay Talacsan

Tinalakay dito ang kahilingan ni G. Zirvoe Abraham, na mabigyan ng Sangguniang Bayan Clearance ang kanilang ipinatatayong construction ng Replica Pro Commercial Building na may sukat na 500 sq. meters

18/05/2026

PAGTATAAS NG WATAWAT NG PILIPINAS
Mayo 18, 2026

Ngayong araw ginugunita ang World AIDS Day kung saan minarapat ng ating mga lingkod bayan na magsuot ng Pulang Damit na sumisimbolo ng pag-alala sa mga buhay na nawala dahil sa HIV/AIDS at bilang pakikiisa at pagsuporta sa International AIDS Candlelight Memorial 2026.

Ang palatuntunan na ito ay pinangunahan ng ating Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion at mga iginagalang na Kagawad ng Sanggunian.

Pinangasiwaan ng Tanggapan ng RHU 3 ang naturang programa.

17/05/2026

Blessing & Ribbon Cutting of Barangay Diliman II New Hall

Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan, Kgg. Copriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion at mga iginagalang na Kagawad ng Sanggunian. upang saksihan ang pagpapasinaya ng bagong gusali ng Pamahalaang Barangay ng Diliman II sa pamumuno ng kanilang Punong Barangay, Kgg. Celso Illiscupidez, Jr.

Ang bagong Barangay Hall na ito ay simbolo ng pagkakaisa, pag-asa, at serbisyong tunay na nagmamalasakit. Isang bagong tahanan ng serbisyo para sa mas maunlad at nagkakaisang komunidad ng Barangay Diliman II.

πŸ“£ππ€π€ππ˜π€π˜π€ 𝐒𝐀 ππ€πŒππ”ππ‹πˆπŠπŽππ† ππ€π†πƒπˆππˆπ† (ππ”ππ‹πˆπ‚ π‡π„π€π‘πˆππ†)Inaanyayahan po ang ating mga magsasaka, mangingisda, mga samahan, at...
17/05/2026

πŸ“£ππ€π€ππ˜π€π˜π€ 𝐒𝐀 ππ€πŒππ”ππ‹πˆπŠπŽππ† ππ€π†πƒπˆππˆπ† (ππ”ππ‹πˆπ‚ π‡π„π€π‘πˆππ†)

Inaanyayahan po ang ating mga magsasaka, mangingisda, mga samahan, at lahat ng mamamayan ng Bayan ng San Rafael na makiisa at dumalo sa gaganaping Pampublikong Pagdinig kaugnay ng mahahalagang panukala para sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa ating bayan.

πŸ“Œ Mga Tatalakayin:

βœ… Pagpapatibay at pagpapatupad ng Local Agriculture and Fisheries Modernization Plan (LAFMP) 2027–2031 ng Bayan ng San Rafael, Bulacan para sa implementasyon, pagpopondo, at pagsubaybay nito.

βœ… Pagpapatupad ng rehistrasyon ng pagmamay-ari ng mga agricultural at fisheries machinery at kagamitan sa loob ng nasasakupan ng Bayan ng San Rafael, alinsunod sa umiiral na patakaran ng Department of Agriculture at Department of Interior and Local Government.

Petsa: Mayo 18, 2026
Oras: 10:30 ng umaga
Venue: 3rd Floor RCS Building, Municipality of San Rafael, Bulacan

Ang inyong pakikilahok at mga mungkahi ay mahalaga upang makabuo ng mga programang tunay na makatutugon sa pangangailangan ng ating komunidad.

Pinangungunahan ni:
Kgg. Nestor V. Vicho
Chairman, Committee on Agriculture, Food and Cooperative

11/05/2026

Ocular Inspection, warehouse @ Brgy. Maronquillo, San Rafael, Bulacan.

11/05/2026

Ocular Inspection sa Barangay Maguinao, San Rafael Bulacan, para sa ipinatatayong apartment ni Gng. Alicia Eusebio.

11/05/2026

PAMPUBLIKONG PAGDINIG (PUBLIC HEARING)

Para sa mga Ordinansang ipapatupad sa ating bayan.

Mga paksa:

1. Kautusang bayan na nagtatakda ng Curfew para sa mga Menor De Edad sa bayan ng San Rafael, Bulacan upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa pamayanan.

2. Kautusang bayan na Nagbabawal sa Paglabas ng Walang Pang-itaas na Kasuotan (Topless o Half Naked) sa mga pampublikong lugar na nasasakupan ng Bayan ng San Rafael at nagtatakda ng kaukulang parusa sa nga lalabag dito.

3. Kautusang bayan na Nagbabawal sa Pag-inom ng Alak at iba pang Nakalalasing na inumin sa mga Pampublikong Lugar sa loob ng nasasakupan ng Bayan ng San Rafael, Bulacan at Nagtatakda ng mga kaukulang parusa sa paglabag dito.

May akda:
Kgg. Joel M. Veneracion

Mga ka-akda:
Lahat ng kasapi ng Sangguniang Bayan

Address

Municipality Of San Rafael Bulacan
Bulacan
3008

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan ng San Rafael posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Bayan ng San Rafael:

Share