28/05/2026
BULACANIANA PROGRAM-MOHON: Mga Bulakenyong Biyaya ng Kasaysayan Online Tampok
P
Principe, Domingo A.
Tampok sa araw na ito si Domingo A. Principe. Artista at direktor sa pelikula, radyo at entablado. Isinilang noong ika-03 ng Agosto 1912 sa Bocaue, Bulacan. Anak nina Jacinto Principe, isang musikero, at Ciriaca Alcaraz. Nagtapos ng hayskul sa Torres High School sa Tondo, Maynila at kursong abogasya sa Far Eastern University. Lumabas sa mga pelikulang Dalaga (1931), Satanas at Mang Tano Nuno ng mga Aswang (1932), Awit ng Pag-ibig (1935), Taong Demonyo, Sanga-sangang Dila at ang Nang Magulo ang Maynila (1937), Hatol ng Mataas na Langit at Kalapating Puti (1938), Inang Pulot (1939), Alaalang Banal, Maginoong Takas at Rosa Birhen (1940), Orasang Ginto, Aawitan Kita, Barong- barong at Tomadachi Zona (1946), Sekretang Hongkong (1947), Kung Sakali't Man Salat (1949), Huling Konsiyerto (1951), at ang Hindi Kami Laos (1962). Sumulat at nagdirek sa iba't ibang programang pangradyo noong dekada 50.
Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN na isinulat ni Jaime Salvador Corpuz ay naglalaman ng tala ng mga tubo ng Bulacan o di-kaya mga “angking anak o adopted son” tulad ni Heneral Emilio Aguinaldo. Kasama rin sa aklat ang mga indibidwal kung saan ang mga magulang ay tubo ng Bulacan at mga indibidwal na lumaki at nanirahan ng matagal sa Bulacan tulad ng Haponesang asawa ni Mariano Ponce na si Kiyo San o Okiyo Udangawa. Ang aklat ay isang magandang halimbawa ng tinatawag na biographical dictionary sa Ingles.
Ito ay mayroong mga apendiks, mga indeks at bibliograpiya at binubuo ng 207 na pahina.
Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN ONLINE TAMPOK isa sa mahalagang bahagi ng inobatibong programa ng Bulacan Provincial Library (BPL) na Bulacaniana Program sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo (PHACTO). Layunin nito na magmulat at magbigay kaalaman sa mga dakilang anak ng Bulacan bawat araw na nakapaloob sa aklat na ito sa pamamagitan ng online na pagtatampok.