05/06/2026
2026 KUMUSTAHAN: SBM and OPCRF Validation
Nagtipon-tipon ang mga School Heads at Education Leaders sa DepEd Tayo - San Rafael West District para sa 2026 Kumustahan: SBM and OPCRF Validation na ginanap noong Hunyo 4, 2026 sa San Rafael West District Conference Hall.
Naging pagkakataon ang aktibidad na ito upang maibahagi ng mga paaralan ang kanilang mga nagawa, matukoy ang mga dapat pang pagbutihin, at matiyak na naipatutupad nang maayos ang mga pamantayan sa School-Based Management (SBM) at Office Performance Commitment and Review Form (OPCRF).
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagbabahaginan ng karanasan, at bukas na talakayan, patuloy nating pinagtitibay ang ating mga paaralan para sa mas mahusay na serbisyo at mas dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral.
Taos-pusong pagbati sa ating mga School Heads , Validators, Tagamasid Pampurok at iba pang kawani na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng 2026 Kamustahan.
Sama-sama para sa dekalidad na edukasyon at mas mahusay na paglilingkod sa bawat mag-aaral!
Mabuhay kayong lahat at Congratulations!!!
Ma. Nina P. Avendano,PhD
Tagamasid Pampurok