08/02/2018
Matagal akong nananahimik kung ano ang tunay na katauhan ng kapwa ko public servant na si Board Member Romulo Solivio, ngunit sya ang nagpahakot sa mga bakwit na lumad mula sa aking AOR (Sitio Panamin, Bgy Sumilil, Bagumbayan, Sultan Kudarat) para gawing propaganda tools nina Joma Sison laban sa AFP at sa buong gobyerno.
Kahit walang ebidensya kundi panay imahinasyon, ipinipilit nina BM Solivio at ng kanyang kasapakat na front organization ng komunista na KALUHAMIN na minasaker namin ang tribo ni Datu Victor sa engkwentro noong December 3, 2017. Bakit di sila magsampa ng kaso sa korte? Bakit sa radyo at sa special report papuntang UN ang tirada? Ang sagot: Una, di nila maipaliwanag bakit masaker samantalang patay ang dalawang sundalo ng 27IB. Ikalawa, taktika sa revolutionary war ang psywar at black propaganda para sirain ang kredibilidad ng gobyerno at pwersa ng estado. Tulong-tulong ang CPP-NPA-NDF para sa propaganda war laban sa gobyerno gamit ang mga party members na nasa gobyerno at sa front organizations ng mga komunista.
Noong taong 2017, hindi ko agad inilunsad ang combat operations kontra sa Platoon Arabo dahil gusto kong pakinggan ang lumad na nalinlang na sumapi sa NPA. Negosasyon at ang pagdala ng serbisyo publiko sa kanayunan ang aming inatupag katuwang ang LGU. Dahil dito, libreng nakapag organisa sina Board Member Solivio ng Kilusang Rebolusyonaryong Baranggay sa Sitio Datal Bonglangon na kung saan ay baranggay captain ang bayaw ni Datu Victor na si Abelardo Wali. Si BM Solivio ang nagpadala sa kanyang mga partners sa KALUHAMIN gaya ni a.k.a. Nanay Tasing (CPP member) at mismong staff sa kanyang opisina para organisahin ang tribo ni Datu Victor. Dahil dito, nabuo ng GF 73 ang Platoon Cosmod ng NPA mula sa mga recruits sa naturang Sitio. Di kalaunan, inatake nila ang detachment ng SCAA sa Consunji gamit ang child warriors na inarmasan ng pana at sibat bilang taktika, habang nasa likuran ang Platoon Arabo ni Ka Yoyo. Tanong ko kay Solivio: KUNG GUSTO MONG TULUNGAN ANG LUMAD TUNGKOL SA ANCESTRAL DOMAIN CLAIMS KONTRA CONSUNJI, BAKIT ARMED VIOLENCE ANG IYONG SOLUTION? BAKIT DI KA NAKIPAG ARGUE SA DENR SA MAYNILA GAMIT ANG BATAS NA “IPRA LAW”?
Nang magsama na ang Platoon Myphone mula sa Daguma at ang Platoon Arabo para atakehin ang SCAA at civilian employees sa M&S Company, nagpasya kami ni Lt Col Benjamin Leander na hadlangan ang maitim na balak ng mga komunistang grupo. Inatake namin ang dalawang kampo ng teroristang NPA sa paligid lang ng Sitio Datal Bonglangon. Napatay si Datu Victor kasama nina Ka George ng Platoon My Phone dahil sumugod sya sa encounter site para mag reinforce sa kakamping teroristang NPA. May videos at photos kami na magpatunay sa kwentong ito.
Ganito ang ating laban kontra sa komunistang grupo. Habang nakikipagpatayan ang sundalo sa kapwa Pilipinong pulahang mandirigma (na karaniwan ay mangmang na miyembro ng tribo), may unarmed faction na nasa legal organizations ng komunista, at mismong opisyal ng gobyerno gaya ni Solivio, na naglulunsad ng propaganda war na parte sa tinagurian nilang “White Area Operations”. Hindi pwedeng pagbabarilin ang mga unarmed communists gamit ang pwersa militar. Pero, pwede nating gyerahin ang kanilang propaganda gamit ang KATOTOHANAN. Veritas Vincit. The truth conquers.
Suportahan nyo ang inyong sundalo at ang ating mahal na pangulong PRRD sa kampanya kontra teroristang komunista na hadlang sa kapayapaan at kaunlaran sa Pilipinas.
©Sir Harold Cabunoc