08/03/2026
πππππ π€π, π‘π’π§ππ’ πππππ π₯ππ§π .
Ikaw ang lakas sa likod ng bawat pagsubok, ang tinig ng karunungan sa gitna ng katahimikan, at ang puso ng pag-aaruga na patuloy na nagbibigay-buhay sa komunidad. Sa bawat larawang nagpapakita ng kabataang babae na may mga pangarap, ng mga gurong walang sawang humuhubog ng kinabukasan, ng mga kababaihang masipag sa kanilang gawain, at ng mga lolang tagapagdala ng karanasan at karunungan ay makikita ang tunay na diwa ng pagiging babae.
Ang babae ay hindi lamang katauhan; siya ay lakas, talino, sakripisyo, at inspirasyon. Siya ay tagapaglikha ng pag-asa at tagapagdala ng pagbabago.
Babae ka, hindi babae lang. Ikaw ang ilaw na nagbibigay-liwanag, ang tagapangalaga na may pusong nag-aaruga, at ang tagapagdala ng dangal at pag-asa sa bawat hamon ng buhay.
Happy international Womenβs month!π
|| Bliss Torregoza