Mayor Walter 'Bong' B. Marquez

Mayor Walter 'Bong' B. Marquez The official page of the Municipal Mayor of Sablayan Occidental Mindoro, Philippines BAWAT BARANGAY MATIBAY
(13)

EID AL-ADHA, IPINAGDIWANG SA SABLAYAN Kaisa si Mayor B**g B. Marquez at ang mamamayan ng Sablayan sa pandaigdigang pagdi...
27/05/2026

EID AL-ADHA, IPINAGDIWANG SA SABLAYAN

Kaisa si Mayor B**g B. Marquez at ang mamamayan ng Sablayan sa pandaigdigang pagdiriwang ng Eid al-Adha, o ang “Dakilang Pista ng Pag-aalay”.

Ang pagbati ay kanyang taos pusong ipinaaabot sa mga kapatid na Muslim ay maging sa mga Balik Islam, Masjid Agung Tuban, Mayo 27, 2026.

Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1264, ang Mayo 27, 2026 ay inilaan para sama-samang panalangin, pagninilay, at pasasalamat, bilang mabisang paraan upang mapanatiling payapa at nakapokus ang isip at puso.

Kaalinsabay nito ang pagtatapos ng Summer Class Program, Madrasatul Hidayah Al- Haddiyah, Level I, Tajweed, Figh and Adab.

Alinsunod ito sa DepEd Order No. 41, Serye 2017, ang Madrasah Education Program (MEP) ay isa sa mga ipinatutupad na kurikulum, at dito sa Sablayan, ito ay suportado ng Lokal na Pamahalaan.

Taqabbalallahu minna wa minkum. Nawa'y tanggapin ng Allah ang aming at ang inyong mga panalangin at sakripisyo.

HAWAK NA ANG BEADS, KULTURA AT KAUNLARAN“Handa na kami! Gusto naming magpatuloy ang programa.” Ito ang tugon ng 58 kabat...
24/05/2026

HAWAK NA ANG BEADS, KULTURA AT KAUNLARAN

“Handa na kami! Gusto naming magpatuloy ang programa.”

Ito ang tugon ng 58 kabataang mula sa Indigenous Cultural Communities ng Mayba at Pandurucan sa Barangay Pag-asa, Calamansian sa Barangay San Agustin at Culasisi sa Barangay Batongbuhay at kabahagi ng “Livelihood Skills Training on Beads Product Making for IP Youth and OSYs” na inilunsad ng Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Tourism Office at ng Technical Education and Skills Development Authority, LGU North Extension, Mayo 22, 2026.

Itinakda sa LGU North Extension sa Barangay Pag-asa ang pagsasanay na nagsimula ng Mayo 15, 2026 at Mayo 22, 2026.

Ayon kay Jessa Austria-Sendito, Youth Development Officer II, mahalagang mapalawak at mapalakas ang industriya ng “beads product making” dahil sa lumalaking pangangailangan nito, lalo na’t ang Sablayan ang sentro ng turismo sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

“Ang pagpapatampok sa kultura at galing ng mga katutubo ay simbolo ng likas kayang pag-unlad at sumasalamin sa diwa ng katatagan na siyang likas sa mga Mangyan,” bahagi ng mensahe ni Mayor B**g B. Marquez.

Hinimok din nito na gawing pulido at kaiga-igaya ang paggawad ng mga beads, lalo na’t may sigurado itong merkado sa mismong bayan ng Sablayan, mga karatig na lugar at maging ng banyagang bansa.

Positibo ang tugon dito ng mga samahan na pinamumunuan nina Lybelyn Dapito sa Calamansian, Diana Paigting sa Culasisi, Gambino Bunuang sa Pandurucan at Seth Segunda sa Mayba.

Tiniyak din ng Punongbayan ang tulong-puhunan para sa maramihang paggawa ng beads para sa iba't ibang gamit at pangangailangan.

Sinig**o naman ni Bhernel Jannine L. Salvio, Senior TESDA Specialist, ang mga kaugnay pang tulong. Anya, ito ang misyon ng TESDA, ang magkaroon ng magandang buhay ang bawat nakapagtapos ng pagsasanay dito.

LABAN KONTRA HIV AIDS, UMARANGKADA NA SA SABLAYAN Nakiisa ang bayan ng Sablayan, Local AIDS Council, Local Health Board,...
23/05/2026

LABAN KONTRA HIV AIDS, UMARANGKADA NA SA SABLAYAN

Nakiisa ang bayan ng Sablayan, Local AIDS Council, Local Health Board, Municipal Nutrition Council at Politiknikong Unibersidad ng Pilipinas - Sangay ng Sablayan sa pandaigdigang krusada laban sa paglaganap ng HIV (Human Immunodeficiency Virus) at AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome), PUP Sablayan Branch, Mayo 21, 2026.

Lubos ang pagkabahala ni Mayor B**g B. Marquez sa mga kaso ng HIV/AIDS sa Sablayan na halos nasa 50 na at bukod dito ang mga kaso ng pagkamatay dahil sa sakit.

Anya, maituturing na itong salot at dapat kumilos na ang buong bayan dito. Hindi ito matatawag na kaunlaran ng bayan.

Pangunahin ay ang pagsasagawa ng Municipal Health Office, Department of Health at PUP ng HIV AIDS Symposium na nakaugnay sa paksang “Light the Legacy: Remember. Advance. Act. Keeping the Light Alive”

Ibinahagi nina Nurse IV Ana Marie Sheryll R. Kenept, RN, at Nurse I Mark D. Lopez, RN, HIV/AIDS Focal Person, ang epekto ng HIV/AIDS sa tao at maging sa lipunang kanyang ginagalawan.

Pagpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos ang alok naman ni Pastora Adelaida D. Gobrin ng Sambahayang Kristiyano. Anya, ang mga nasa kawan ng Panginoon ay ligtas sa sakit dahil mas pipiliin nila ang mabuti at kalugod-lugod sa Panginoon.

Si Glenn Mark N. Dangeros, RMT, bilang kinatawan ng Department of Health, ay sumentro sa mga tamang gawi o ABCDE (A-bstinence), (Ayoko Muna), Delaying Sexual Debut (B-e Mutually Faithful), (Basta Ikaw lang at Ako), (C-orrect & Consistent Condom Use), D-on’t do drugs & Alcohol, (E-ducate) para maiwasan ang nakakahawa at nakakamatay na sakit na ito.

Kooperasyon sa programa ng Lokal na Pamahalaan ng Sablayan ang pagtiyak nina Erick Justine C. Vilbes, President, Central Student Council, Prof. Leine S. Alcaraz, MBA, Branch Director, Prof. Melinda S. Santos, MEM, Head, Academic Affairs.

Sumailalim din sa boluntaryong HIV-AIDS test ang mga Isko at Iska ng PUP bilang ambag sa krusada ng Lokal na Pamahalaan ng Sablayan.

Tampok din ang pakikiisa ng 500 PUPians sa International AIDS Candlelight Memorial alinsunod sa Advisory ng Department of the Interior and Local Government at Department of Health—Philippine National AIDS Council.

Bago pa ito ay ang Local AIDS Council, Local Health, Municipal Nutrition Council Joint Meeting na isinagawa rin sa PUP kung saan parte rin ng adyenda ay ang istratehiya upang masawata ang paglaganap ng sakit sa Sablayan.

22/05/2026

GOOD LUCK TEAM SABLAYAN SA PALARONG PAMBANSA

Muli na namang pinatunayan ang galing ng bayan ng Sablayan sa larangan ng palakasan, ito ay pagkaraang mapili ang labing apat (14) nitong manlalaro na kakatawan sa lalawigan ng Occidental Mindoro at MIMAROPA Region sa Palarong Pambansa na isasagawa sa Agusan del Sur, mula ika- 22-30, Mayo 2026.

Sila ay sina Zian Jay D. Dulueras (Arnis- Elem) Galleja, Nash Lorenz G. Galleja, (Arnis-Elem) Christian Adriel S. Magno, (Arnis- Elem), Krizza O. Sison, (Athletics-Elem), Divina Gracia Mopia- Mapili (Gymnastics-WAG), Xandie Gevonne P. Wayco, (Tennis-Elem) Gee-Boy T. Lojera, (Athletics-Sec), Mark Gemver B. Burgos,(Chess- Sec), Cyru T. Bulaag (Chess-Sec) , Angelo M. Daprosa, Cris Jr. C. Garcia, Lanz Elginburg F. Malupa, Jared Cale B. Sinsin, Brian C. Valeroso (Sepak-Takraw- Sec)

Nagkaloob ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Bayan ng Sablayan, para ganap na maging inspirado at gayundin, matugunan ang pangangailangan kaakibat ng kanilang laban.

Para kay Mayor B**g Marquez, “karangalang maituturing ang mapabilang sa mga manlalaro para sa Palarong Pambansa at itoy sumisimbolo sa tibay ng mga batang Sablayan”.

Maging si Vice- Mayor Edwin N. Mintu at Sangguniang Bayan ay gayundin ang pagbati at pagkilala.

Isa ang sports development program sa mga prayoridad ng bayan ng Sablayan.

17/05/2026
MULA SA SABLAYAN, MAG- KALAHI TAYO PILIPINAS Pormal nang binigyan huyad sa bayan ng Sablayan ang pagpapatupad ng mga pro...
17/05/2026

MULA SA SABLAYAN, MAG- KALAHI TAYO PILIPINAS

Pormal nang binigyan huyad sa bayan ng Sablayan ang pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim KALAHI-CIDSS o Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, Abril 21 sa Malisbong, Abril 22 ang Ibud, Abril 24 sa Victoria, samantalang sa Barangay Sto Niño ay Mayo 15, 2026.

Ito ay mga sumusunod na proyekto;
•Construction 1 Unit, 2 Classroom Senior High School Building, Barangay Malisbong.
•Concreting of Access Road, Barangay Victoria
•Construction Irrigation Canal, Barangay Ibud
•Concreting of Access Road, Poblete Street and Alipid Road, Barangay Sto. Nino.

Mula ito sa pagpupundo ng Department of Social Welfare and Development- MIMAROPA Region, ng mismong Lokal na Pamahalaang Bayan ng Sablayan at mga kaukulangang barangay nito.

Lubos na ipinagpapasalamat ito nina Punong Barangay Jimmy Q. Tan at BSMPC Chairperson Enelia S. Ynion kung saan hindi na pupunta pa sa ibang barangay ang mga mag-aaral ng Senior High School. Tiniyak din ni Engineer III Eric C. Tañeca at Head Teacher I Analyn S. Ibon ang pagtatalaga ng mga g**o.

Ang Irrigation Canal ay para sa mas maayos na daluyan ng patubig sa mga panakahan ng Ibud at ipinaglaban nina Punong Barangay Ededicacion P. Manalansang at BSPMC Chairperson Marife B. Sotto.

Concreting of Access Road sa Barangay Victoria ang misyon ni Punong Barangay Marvin P. Tadeo at BSMPC Chairperson, Kagawad Efraid M. Talaña. Dahil dito, ang kahabaan ng Victoria Road ay magiging ganap na kongkreto.

Sa Poblete Street at Alipid Road ng Barangay Sto. Niño, ibinahagi nina Konsehala Clarinda A. Lorenzo, DPA at Punong Barangay Elisa DJ. Obina ang karanasan ng komunidad sa pagkakataong ito'y maalikabok, maputik at malubak na daan, kaya naman magkatuwang itong isinulong ng pamunuan ng barangay at ni BSPMC Chairperson Ley Balsamo.

Ayon kay Grace Z. Lachica, DSWD-Project Development Officer III, layon ng programa na mabawasan ang kahirapan ng mga tao sa pagpapatupad ng proyekto at mahalagang salik dito ay ang pagkilos ng mismong mamamayan at ang makikinabang dito.

Kaisa dito ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Sablayan sa pamumuno nina Mayor B**g B. Marquez at Bise-Mayor Edwin N. Mintu, na bukod sa pagdalo sa mga groundbreaking activities ay nagkaloob ng kanilang bahagi.

Kasama dito ang pagtatalaga sa mga heavy equipment ng munisipyo at mismong nasa pamamahala ni Engr. Felipe L. Cadid, REE, Engineer III/ Motorpool Supervisor.

Maging ang pagtiyak sa pagpapatupad nito ay nasa patnubay ni MPDC Mayette Vanessa O. Sonio, EnP bilang Area Coordinator at Engr. Admer A. Trillana bilang Municipal Engineer.

Ang Technical Education and Skills Development Authority ay katuwang din. Kanilang titiyakin na makakapagtapos ang mga manggagawa ng natatanging kurso batay sa kanilang galing at husay sa ilalim ng Community-Based Training Program at mapagkakalooban ng kaakibat na National Certificate.

Matatandaan na ang bayan ng Sablayan ay ang pina-unang yumakap sa prinsipyo at lunggatiin nito sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Ordinansang lumilikha ng Municipal Community Driven Development Program kung saan ang may akda ang kasalukuyang Mayor BBM, sa panahong siya ay Sangguniang Bayan.

News5
16/05/2026

News5

16/05/2026
Salamat po! ABS-CBN News
16/05/2026

Salamat po! ABS-CBN News

KASALAN SA BALSA

Nagpalitan ng "I do" ang 11 magkasintahan sa Kasalan sa Balsa sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Kabilang ito sa ilang kakaibang mass wedding na isinagawa sa bayan katulad ng flood control wedding, river wedding, jungle wedding, waterfalls wedding, at iba pa. | via TV Patrol

Nasa comments section ang buong ulat.

REGIONAL HAVEN FOR WOMEN AND GIRLS, ITATAYO SA SABLAYANGanap ng nilagdaan nina Mayor B**g B. Marquez at Regional Directo...
16/05/2026

REGIONAL HAVEN FOR WOMEN AND GIRLS, ITATAYO SA SABLAYAN

Ganap ng nilagdaan nina Mayor B**g B. Marquez at Regional Director Benchie B. Gonzales ng Department of Social Welfare and Development ang paunang hakbang sa ganap na pagtatatag ng MIMAROPA Regional Haven for Women and Girls sa bayan ng Sablayan, Lungsod ng Maynila, Mayo 12, 2026.

Bahagi nito ay ang pagkakaloob ng Munisipyo ng Sablayan ng dalawang ektaryang lupa sa Sitio Agsuli, Barangay Sto. Niño sa bisa ng Resolution No. 2026-GGM261 ng Sangguniang Bayan ng Sablayan sa pamumuno ni Vice- Mayor Edwin N. Mintu, kung saan pinapayagang nitong gawin ito ng Punongbayan dahil sa kabutihang magiging hatid nito sa bayan nating mahal at maging sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ang Haven for Women and Girls ay isang pasilidad o institusyon sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng pansamantalang kanlungan at proteksyon. Layunin nito na makapagbigay ng ligtas na lugar (protective custody) at mga serbisyo para sa mga kababaihan at batang babae na nakaranas ng abuso, karahasan, o matinding kahirapan.

Karaniwang kinakalinga rito ang mga biktima ng involuntary o forced prostitution, human trafficking, illegal recruitment, at domestic violence.

Magsisilbi itong pansamantalang tirahan at ligtas na matutuluyan at bahagi din nito psychosocial care, counseling at therapy para sa mental at emosyonal na paggaling, medikal at legal na tulong, suporta sa pisikal na kalusugan at skills training, kasama ang programa para sa pag-unlad at kakayahan at kabuhayan.

Ang Haven for Women ay karaniwang tumatanggap ng mga edad 18-59 taong gulang, habang mayroon ding hiwalay na pasilidad para sa mga batang babae.

Inaasahan ding mapapatampok ng proyekto ang mga karapatan ng kababaihan at maging ng mga babae sa lipunan, kasama dito ang dignidad, dangal at pag-asa hanggang sa muling pagbangon at katatagan.

Dahil magsisilbing itong pasilidad panrehiyon MIMAROPA, inaasahan ang pagdami ng ang mga kailangang manggagawa dito at ang mga taga- Sablayan ang prayoridad.

Sumaksi at bahagi ng tagumpay nito sina Princess T. Vagilidad, Assistant Regional Director for Administration, Shiela S. Tapia, Assistant Regional Director for Operations ng DSWD MIMAROPA at gayundin sina Budget Officer Fe D. Santos, Treasurer Greg A. Sagana, Accountant Jayrome S. de la Cruz, CPA, MPDC Mayette Vanessa O. Sonio, EnP, Engr. Admer A. Trillana, CE, LEDIPO Erminda V. Candor, EnP, REA, REB, MDRRMO Arcris D. Canillo, EnP, EMT, Community Affairs Officer III Jasper H. Francisco, EA Algene Edward M. Francisco, PDO II John Paul G. Dantayana at PDO Sixto Agustin.

16/05/2026

HAPPY SABBATH DAY MGA KAPATID

Address

2nd Floor LGU Municipal Compound, Barangay Buenavista
Buenavista
5104

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Walter 'Bong' B. Marquez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mayor Walter 'Bong' B. Marquez:

Share