Congressman Sheen Gonzales

  • Home
  • Congressman Sheen Gonzales

Congressman Sheen Gonzales ๐‚๐จ๐ง๐ . ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ฉ๐ก๐ž๐ซ ๐’๐ก๐ž๐ž๐ง ๐†๐จ๐ง๐ณ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ
Representative, Lone District of Eastern Samar

Maupay nga patron, bungto hiton Llorente! ๐ŸŽ‰๐ŸŽŠ๐Ÿ‘Kaupod iton akon bug.os nga pamilya,  an amon kinasing kasing nga p**i duyo...
13/06/2026

Maupay nga patron, bungto hiton Llorente! ๐ŸŽ‰๐ŸŽŠ๐Ÿ‘

Kaupod iton akon bug.os nga pamilya, an amon kinasing kasing nga p**i duyog han iyo kafiestahan pinaagi han pagpasidungog kan San Antonio de Padua.

Hinaot kunta nga maging malipayon ug mahinungdanon an aton selebrasyon kaupod an aton pagpasalamat han aton makagagahom nga Diyos pinaagi kan San Antonio de Padua.

Ha luyo hiton karisyuhan, hingyap gihap naton an padayon naton nga pagka-urosa tipakadto hiton mas progresibo nga bungto han Llorente ug han bug.os nga Sinirangan Samar.

San Antonio de Padua, ig ampo mo po kami!

Maligayang bati sa isa sa ating 1st District Provincial Board Members, Atty. Byron Suyot.Hiling namin na maging masaya a...
12/06/2026

Maligayang bati sa isa sa ating 1st District Provincial Board Members, Atty. Byron Suyot.

Hiling namin na maging masaya at puno ng pagmamahal ang selebrasyon ng iyong kaarawan. Nawa'y makasama mo sa pagdiriwang na ito ang iyong pamilya at mga kaibigan at biyayaan ka pa ng ating Panginoong Diyos ng malusog na pangangatawan.

Maraming salamat sa iyong buong pusong pagsisilbi sa ating mga kapwa Estehanon.

Happy Birthday, BM Byron! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚๐Ÿฅณ

Maligayang paggunita sa ika-128 na taon ng araw ng Kalayaan ng ating bansa.Sa paggunita ng mahalagang araw na ito, inaal...
12/06/2026

Maligayang paggunita sa ika-128 na taon ng araw ng Kalayaan ng ating bansa.

Sa paggunita ng mahalagang araw na ito, inaalala rin natin ang kabayanihan at mga sakripisyo ng ating mga bayani na lumaban, nagsumikap at nagbuwis ng kanilang buhay upang makamit natin ang kalayaan.
Tulad rin sa ating pagbibigay pugay sa ating mga makabagong bayani. Mula sa lahat ng ama na nagsusumikap upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya at sa lahat ng ina na hindi napapagod na alagaan ang kaniyang mga anak.

Kasabay nito, nawa'y patuloy na magsilbi itong inspirasyon sa ating lahat na magkaisa at laging pahalagahan ang ating kasarinlan.

Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

06/06/2026

Sa huling araw ng 1st regular session ng 20th Congress, isinagawa ang hearing ng Committee on Legislative Franchises ukol sa pag renew ng 50-year franchise ng Cebu Pacific.

Bilang miyembro ng kumite, iminungkahi natin ang pagkakaroon ng direct flight na Guiuan - Manila and vice versa sa Cebu Pacific Executives na sina Mr. Michael Ivan Shau, President & CEO ng CebGo, at Atty. Maria Cecilia Natividad, Vice President for Corporate Affairs.

Naniniwala tayo na makakatulong ito sa pagpapalakas ng ating turismo at sa pagpapa-angat ng ekonomiya ng ating probinsya. Magdadala rin ito ng kaginhawaan para sa ating mga kababayan dahil mapapadali ang pagbiyahe ng mga papasok at palabas ng Eastern Samar.

Tayo ay nagagalak na positibo ang tugon ng Cebu Pacific at nangakong pupuntahan ang Guiuan upang tingnan ang runway at patuloy na makikipagpulong sa ating opisina kasama ang lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang malaking hakbang na ito para sa buong probinsya ng Eastern Samar.

Kasama ang ating House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative, CCong. Nonoy Libanan tututokan namin ito hanggang ito ay maisagawa at maipatupad. โœˆ๏ธ๐Ÿ›ซ

Sa pagtatapos ng Unang Regular na Sesyon ng Ika-20 Kongreso sa pamamagitan ng Sine Die Adjournment, atin pong pinagninil...
04/06/2026

Sa pagtatapos ng Unang Regular na Sesyon ng Ika-20 Kongreso sa pamamagitan ng Sine Die Adjournment, atin pong pinagninilayan ang mga nagawa at patuloy pang mga adhikain para sa lalawigan nga Eastern Samar.

Sa loob ng nakalipas na mga buwan, sama-sama nating isinulong ang mga panukala at programang naglalayong mapabuti ang buhay ng bawat Estehanon โ€” mula sa edukasyon, imprastraktura, kalusugan, transportasyon, hanggang sa iba pang serbisyong kinakailangan ng ating mga kababayan.

Bagamaโ€™t pansamantalang nagtatapos ang sesyon ng Kongreso, hindi natatapos ang ating tungkulin. Patuloy nating dadalhin ang boses ng bawat Eastern Samareรฑo at pagtitibayin ang ating mga hakbang upang maisakatuparan ang mga programang magbibigay ng mas maayos na kinabukasan para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat sa inyong patuloy na tiwala at suporta. Magpapatuloy tayong maglingkod nang may malasakit, katapatan, at dedikasyon para sa lalawigan ng Eastern Samar at sa sambayanang Pilipino.

Lubos nating ikinagagalak na aprubado na sa Ikatlo at Huling Pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 9464, na ...
04/06/2026

Lubos nating ikinagagalak na aprubado na sa Ikatlo at Huling Pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 9464, na naglalayong gawing regular campuses ang mga extension campuses ng Eastern Samar State University (ESSU) sa mga bayan ng Arteche at Balangiga.

Kasama natin sa pagsusulong ng mahalagang panukalang ito si House Minority Leader at 4Ps Partylisy Representative, Cong. Marcelino โ€œNonoyโ€ Libanan, at nagpapasalamat tayo sa suporta ng ating mga kapwa mambabatas na naging katuwang natin upang maisulong ito hanggang sa pag-apruba sa plenaryo.

Nawa'y maging inspirasyon rin ito sa ating mga kabataan upang magpursige sa kanilang pag-aaral upang makamit nila ang magandang kinabukasan para sa kanilang sarili at pamilya.

Maligayang kaarawan kay Mayor Godofredo Garado, former Mayor ng Maydolong, Eastern Samar. ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰Nawa'y mapuno ng kaligayan a...
03/06/2026

Maligayang kaarawan kay Mayor Godofredo Garado, former Mayor ng Maydolong, Eastern Samar. ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

Nawa'y mapuno ng kaligayan at pagmamahal ang paggunita ng iyong kaarawan kapiling ang iyong pamilya at mga kaibigan.
Hiling namin ang patuloy na mabuting kalusogan at nawa'y patuloy kang gabayan ng ating panginoon.

Muli, Happy Birthday, Mayor Goody!

Malugod nating tinanggap sa ating opisina sa Kongreso ang dating gobernador at ama ng kasalukuyang gobernador ng ating p...
02/06/2026

Malugod nating tinanggap sa ating opisina sa Kongreso ang dating gobernador at ama ng kasalukuyang gobernador ng ating probinsya, Gov. Ben Evardone.

Bumisita rin si Gov. Ben sa tanggapan ng ating House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative, Cong. Nonoy Libanan

Sa kanyang pagbisita, napag-usapan namin ang mga mahahalagang hakbang upang mas mapa-unlad pa ang lalawigan ng Eastern Samar.
Kasama rin dito ang patuloy na kolaborasyon at pagkakaisa tungo sa mga programang naglalayong mapabuti ang buhay ng bawat Estehanon.

Maraming salamat sa pagbisita at patuloy na paggabay, Gov. Ben!

๐€๐๐‘๐”๐๐€๐ƒ๐Ž ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐’๐„๐‚๐Ž๐๐ƒ ๐‘๐„๐€๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐š๐ง๐  ๐‡๐จ๐ฎ๐ฌ๐ž ๐๐ข๐ฅ๐ฅ ๐๐จ. ๐Ÿ—๐Ÿ’๐Ÿ”๐Ÿ’ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐œ๐จ๐ง๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐  ๐„๐’๐’๐” ๐๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ ๐š ๐š๐ญ ๐€๐ซ๐ญ๐ž๐œ๐ก๐ž ๐„๐ฑ๐ญ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐ž๐ฌ...
27/05/2026

๐€๐๐‘๐”๐๐€๐ƒ๐Ž ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐’๐„๐‚๐Ž๐๐ƒ ๐‘๐„๐€๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐š๐ง๐  ๐‡๐จ๐ฎ๐ฌ๐ž ๐๐ข๐ฅ๐ฅ ๐๐จ. ๐Ÿ—๐Ÿ’๐Ÿ”๐Ÿ’ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐œ๐จ๐ง๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐  ๐„๐’๐’๐” ๐๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ ๐š ๐š๐ญ ๐€๐ซ๐ญ๐ž๐œ๐ก๐ž ๐„๐ฑ๐ญ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ ๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐š ๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐ž๐ฌ.

Sa pangunguna ng ating House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative, Cong. Marcelino โ€œNonoyโ€ Libanan, isinulong naming muli ang panukalang batas na ito alang alang sa ating mga kabataang Estehanon.
Taus-puso po nating ipinagpapasalamat ang suporta ng ating mga kasamahan sa Committee on Higher Education sa pangunguna ni Cong. Jude Acidre at lahat ng ating mga kapwa mambabatas, sa isang panukalang magdadala ng mas malawak na oportunidad sa edukasyon para sa ating mga kababayan sa Eastern Samar.

Sa pag-convert ng mga extension campuses bilang regular campuses, mas mapapalawak ang mga kursong maaaring ialok, mas mapapalakas ang kalidad ng faculty at pasilidad, at mas maraming kabataan ang magkakaroon ng pagkakataong makapagtapos ng kolehiyo nang hindi kinakailangang lumayo pa sa kanilang pamilya.

Ang edukasyon ay isa sa pinakamabisang paraan upang maiangat ang buhay ng ating mga kababayan kung kaya't pinapatatag natin ang ating sektor ng edukasyon upang tuluyan nating makamit ang mas maliwanag na kinabukasan sa buong lalawigan ng Eastern Samar.

Malipayon nga patron, bungto han Maslog!Kaupod hiton akon bug.os nga pamilya, nakikiusa kami hiton ngatanan nga Maslogan...
27/05/2026

Malipayon nga patron, bungto han Maslog!

Kaupod hiton akon bug.os nga pamilya, nakikiusa kami hiton ngatanan nga Masloganon han pag selebrar han kapyistahan han Maslog pinaagi han pagpasidungog kan San Isidro Labrador.
Hingyap naton nga maging mahinungdanon ug mag sentro han aton pagtoo han aton Diyos an aton selebrasyon.
Hinaot kunta nga maging malipayon an ngatanan nga mga Masloganon kaupod an aton mga bisita han aton kapyistahan.

San Isidro Labrador, ig ampo mo kami. ๐Ÿ™

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Congressman Sheen Gonzales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Congressman Sheen Gonzales:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share