31/05/2026
DOMENG, ISA NANG GANAP NA BAGYO (TYPHOON)
QUICK WEATHER UPDATE | Mayo 30, 2026 | 5:00 PM
Patuloy na lumakas ang Bagyong at isa na itong Typhoon habang kumikilos sa karagatang silangan ng Northern Luzon ngayong Sabado ng hapon.
Sa kasalukuyan, hindi inaasahang magla-landfall o direktang tatama ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa. Gayunpaman, lalo nitong palalakasin ang Hanging Habagat (Southwest Monsoon) na magdudulot ng malawakang pag-ulan sa ilang bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas sa mga susunod na araw, partikular mula Linggo hanggang Martes (Mayo 31 โ Hunyo 2).
Dahil sa pinalakas na Habagat, asahan din ang paminsan-minsang malalakas na bugso ng hangin sa mga sumusunod na lugar:
๐ Kanlurang bahagi ng Luzon
๐ CALABARZON
๐ MIMAROPA
๐ Bicol Region
๐ Halos buong Visayas
๐ Zamboanga del Norte
๐ Misamis Oriental
๐ Camiguin
๐ Agusan del Norte
๐ Surigao del Norte
๐ Dinagat Islands
๐ Sarangani
๐ Davao Occidental
๐ Davao Oriental
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga opisyal na weather advisories, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng pagbaha, landslide, at masungit na kondisyon ng panahon.
Source: Philippine Emergency Alerts Monitoring Center