Angat Buhay - Bongabong

Angat Buhay - Bongabong ✨ Sa diwa ng bolunterismo, Angat Buhay Bongabong! ✨

MARAMING SALAMAT SA PAGTINDIG,   VOLUNTEERS!“Mayroong mas malalaki pang laban. ‘Yung laban natin, hindi naman natatapos ...
11/05/2022

MARAMING SALAMAT SA PAGTINDIG, VOLUNTEERS!

“Mayroong mas malalaki pang laban. ‘Yung laban natin, hindi naman natatapos sa halalang ito. Maraming matang namulat; maraming diwang nagising.” - VP Leni Robredo

Hindi dito natatapos ang ating mahusay na pamumuno at matibay na puso. Hindi dito natatapos ang serbisyo para sa taong bayan. Wala pa ring bibitaw. Sa huli, pagmamahal sa Pilipinas at sa mga Pilipino ang mananaig.

Ang Dapat Si Leni Oriental Mindoro ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong suporta – mula sa ating volunteers, mga estudyante, g**o, propesyunal, magulang, sa mga nagtiwala at sa lahat ng nakiisa sa ating makabuluhang pagbabayanihan!

Hindi madali ang lahat ng ito dahil sa naglipanang fake news, mga malisyosong mga pahayag, ganoon rin ang patuloy na paniniil sa mga taong patuloy na tumitindig. Ngunit gaya ng ating sinabi, hindi rito natatapos ang laban.

Maraming salamat sa pagsama at pagtindig sa labang ito. Mas marami pa tayong kakaharapin, at isa kami sa makakasama ninyo. Mayroon pang liwanag sa dilim. Oo, isa ka sa liwanag na ito.

Hindi kami magpapaalam, dahil patuloy kaming titindig kasama ninyo. 🌸💗🇵🇭

DSL HUSAY AT TIBAY PILIPINAS.

Kita-kits tayo sa Liwasang Aurora, Quezon  Memorial Circle sa Biyernes, May 13, 5pm para sa isang pasasalamat mula kay L...
11/05/2022

Kita-kits tayo sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle sa Biyernes, May 13, 5pm para sa isang pasasalamat mula kay Leni at Kiko.

Patuloy nating pag-alabin ang ating liwanag sa dilim!

The girls will finally have their mama back – all to themselves.Maraming salamat sa ibinahagi niyong pag-asa. Isang mala...
11/05/2022

The girls will finally have their mama back – all to themselves.

Maraming salamat sa ibinahagi niyong pag-asa. Isang malaking yakap to the best first family we never had. 🌸🇵🇭

!
💪🏻

10/05/2022

Pahayag ni VP Leni Robredo
10 Mayo 2022

Muli, nagpapasalamat ako sa sipag, pagkamalikhain, at pusong dinala ng ating hanay sa kampanya. Dahil sa inyo, nasilip natin ang uri ng lipunang kaya nating maabot.

Alam kong pinoproseso pa ninyo ang mga pangyayari kahapon. Mulat ako sa mga tanong na nananatiling nakalimbitin sa situwasyon. Sinisimulan na namin ang pagkausap sa mga eksperto upang maaral nang husto ang mga ulat at alegasyon na nababasa natin sa social media. Agad naming ibabahagi ang anumang resulta ng pag-aaral.

Mamayang alas singko-y-medya, magkakamisa sa Naga. Dadalo ako doon para magpasalamat sa aking mga kababayan natin dito.

Sa ika-13 ng Mayo, magkakaroon ng pagtitipon sa Maynila upang magpasalamat sa ating mga volunteers. Dadalo rin ako doon. Maglalabas kami ng mga detayle tungkol sa pagtitipon.

Dalangin ko ang kapanatagan ng loob at linaw ng kinabukasan para sa ating lahat.

ILANG MINUTO NA LANG PILIPINAS!Manindigan at manatili sa linya para makaboto!
09/05/2022

ILANG MINUTO NA LANG PILIPINAS!

Manindigan at manatili sa linya para makaboto!

LUMABAS AT BUMOTO NGAYON NA!* 7PM ang cut-off sa pila. Hangga't nakapila 30meters mula sa presinto, maaari pang makaboto...
09/05/2022

LUMABAS AT BUMOTO NGAYON NA!

* 7PM ang cut-off sa pila. Hangga't nakapila 30meters mula sa presinto, maaari pang makaboto.
* 'Wag aalis! Manatili sa pwesto. Sa mga umuwi, may oras pang bumalik at bumoto!
* Boto mo, bantayan mo. I-check ang resibo matapos ipasok ang balota sa machine.
* I-report ang mga anomalya sa ating hotline numbers.

Ipanalo na natin.

LUMABAS AT BUMOTO NGAYON NA!* 7PM ang cut-off sa pila. Hangga't nakapila 30meters mula sa presinto, maaari pang makaboto...
09/05/2022

LUMABAS AT BUMOTO NGAYON NA!

* 7PM ang cut-off sa pila. Hangga't nakapila 30meters mula sa presinto, maaari pang makaboto.
* 'Wag aalis! Manatili sa pwesto. Sa mga umuwi, may oras pang bumalik at bumoto!
* Boto mo, bantayan mo. I-check ang resibo matapos ipasok ang balota sa machine.
* I-report ang mga anomalya sa ating hotline numbers.

Ipanalo na natin.

09/05/2022
I-report ang mga anomalya!Narito ang hotline numbers na maaari ninyong i-text o tawagan.'Wag kalimutang isama ang detaly...
09/05/2022

I-report ang mga anomalya!

Narito ang hotline numbers na maaari ninyong i-text o tawagan.

'Wag kalimutang isama ang detalye ng presinto, lugar, at barangay para mas madaling maitala.

Address

Bongabong
5211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angat Buhay - Bongabong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share