12/05/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐จ๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐จ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฆ๐จ๐ฃ๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ง๐จ๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐ข๐๐๐ก๐๐ข
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong mga komento, mungkahi, at hinaing tungkol sa kasalukuyang suliranin sa suplay ng tubig sa ating bayan na inyong ipinapahayag sa pamamagitan ng social media at iba pang paraan. Sa ngalan ng Lokal na Pamahalaan ng Bolinao, kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa abala at negatibong epekto na dulot ng kakulangan at madalas na pagkaantala ng suplay ng tubig sa ating mga mamamayan.
Bilang tugon sa inyong mga hinaing ukol sa suplay ng tubig, nais po naming ipabatid na dulot ng matinding epekto ng El Niรฑo phenomenon ay lubhang bumaba ang lebel ng tubig sa ating mga pinagkukunan ng suplay, dahilan upang maapektuhan ang regular na distribusyon ng tubig sa ilang barangay.
Bagamaโt siyam (9) na buwan pa lamang na nanunungkulan ang kasalukuyang administrasyon, agad nang nagsagawa ang inyong lingkod ng mga konkretong hakbang upang mabigyan ng pangmatagalang solusyon ang matagal nang problemang ito. Kabilang dito ang programang ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐, ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ ๐ป๐ถ๐๐ผ, ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฒ๐ฒ๐ฝ ๐๐ฒ๐น๐น ๐๐ถ๐๐ต ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ๐ป๐ธ ๐๐๐๐๐ฒ๐บ. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng mas maayos, sapat, at mas madaling mapagkukunan ng tubig ang bawat komunidad, lalo na sa panahon ng matinding tagtuyot at kakulangan ng suplay.
Sa kasalukuyan, ang Barangay Dewey ang kauna-unahang nabigyan at nakabitan ng nasabing proyekto bilang bahagi ng pilot implementation ng programa Sa katunayan, bilang patunay ng taos-puso at dedikasyon ng Lokal na Pamahalaan na maisakatuparan ang programang ito, sinikap ng LGU Bolinao na tayo ay magkaroon ng ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐น๐น ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฟ๐ถ๐ด na gagamitin para sa implementasyon ng mga proyekto sa patubig sa ibaโt ibang barangay. Ito ay malinaw na patunay na ang programang ito ay hindi lamang isang pangarap o pangako, kundi isa nang konkretong hakbang na unti-unti nang isinasakatuparan.
Ang proyektong ito ay nangangailangan ng sapat na panahon, masusing pagpaplano, at patuloy na pagsisikap upang ganap na maipatupad sa bawat sulok ng ating bayan. Gayunpaman, nais naming tiyakin sa bawat mamamayan ng Bolinao na patuloy at walang humpay ang pagkilos ng Lokal na Pamahalaan upang mapabuti at mapalawak pa ang ating water system para sa kapakinabangan ng lahat. Kaugnay nito, hinihiling po namin ang inyong pang-unawa, kooperasyon, at suporta habang unti-unti nating isinasakatuparan ang mga hakbang tungo sa mas maayos na serbisyo ng patubig.
Makaaasa po kayo na ang Lokal na Pamahalaan ng Bolinao ay patuloy na kikilos nang maagap at responsable para sa pagpapalawak ng water system, pangangalaga sa ating mga pinagkukunan ng tubig, pagsisiguro ng sapat at dekalidad na suplay, at higit pang pagpapabuti ng serbisyo para sa bawat mamamayan ng Bolinao.
Lubos na gumagalang,
๐๐๐ฆ๐จ๐ฆ ๐. ๐๐๐๐๐ฆ๐ง๐
๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ