VICEfriend KUYA MARK SEÑO

VICEfriend KUYA MARK SEÑO Welcome to the Official page of Vice Mayor Mark Seño

07/09/2026

Kung ikaw ay 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗡𝗜 𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗞𝗨𝗬𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗘Ñ𝗢 sa 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟, 𝗕𝗜𝗡𝗬𝗔𝗚, o 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗟, inaanyayahan po kayong makibahagi at isumite ang inyong larawan at iba pang kinakailangang impormasyon gamit ang link na ito: https://forms.gle/M6MK46EB3fmV9jhw9

Para sa kumpletong requirements at iba pang kinakailangang impormasyon, mangyaring tingnan ang larawan na kalakip ng post na ito at sundin ang mga nakasaad na panuntunan at kinakailangang dokumento.

Para naman po sa mga nangangailangan 𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿𝗺, maaari kayong magtungo sa 𝗧𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, na matatagpuan sa 𝗜𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴. Handa po ang aming staff na magbigay ng gabay at tumulong sa maayos na pagsagot at pagsusumite ng kinakailangang impormasyon.

𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗸-𝗶𝗻 𝗰𝗹𝗶𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗽𝗼 𝗮𝘆 𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗶𝗻 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝟴:𝟬𝟬 𝗔𝗠 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠.

At kung may kakilala po kayong inaanak ni Vice Mayor Kuya Mark Seño, 𝗶-𝗺𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 lamang sila sa comment section o 𝗶-𝘀𝗵𝗮𝗿𝗲 ang post na ito upang makarating sa kanila ang mensaheng ito.

𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢, 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗢𝗔𝗞𝗘Ñ𝗢Magandang umaga po sa ating lahat! Tayo po ay muling nagsama-s...
07/09/2026

𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢, 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗢𝗔𝗞𝗘Ñ𝗢

Magandang umaga po sa ating lahat!

Tayo po ay muling nagsama-sama ngayong umaga upang isagawa ang lingguhang pagtataas ng ating Pambansang Watawat, na pinangunahan ngayong araw ng Municipal Slaughterhouse. Ang seremonyang ito ay hindi lamang bahagi ng ating regular na gawain bilang mga kawani ng pamahalaan, kundi nagsisilbi ring paalala ng ating tungkulin at pananagutan sa bayan at sa ating mga mamamayan. Kasama po natin ngayong umaga ang ating mapag-aruga at mapagkalingang Ina ng Bayan, Mayor Armi DC. Carrion, ang ating Municipal Administrator, Admin Carlo DC. Jacinto, at ang isa sa mga miyembro ng ika-12 Sangguniang Bayan, Konsehal Francis ISKO Jacinto.

Bilang inyong Pangalawang Punong Bayan, ikinagagalak ko na ang buwan ng Setyembre ay panahon ng pagkilala at pagbibigay-pugay sa ating mga Lingkod Bayani na araw-araw na nagsisikap at nagsasakripisyo upang maihatid ang serbisyong nararapat para sa bawat Boakeño. Sa likod ng bawat serbisyong naihahatid, programang naipatutupad, at pangangailangang natutugunan ay ang dedikasyon, kakayahan, at malasakit ng bawat kawani. Ang pagiging lingkod-bayan ay hindi lamang isang trabaho, kundi isang pananagutan at paninindigan na unahin ang kapakanan ng ating mga kababayan.

Sa pagsisimula ng panibagong linggo ng ating paglilingkod, nawa'y patuloy nating isabuhay ang diwa ng isang tunay na Lingkod Bayani: may puso sa paglilingkod, may dangal sa bawat gawain, at may galing sa pagtupad ng tungkulin. Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, sakripisyo, at patuloy na paglilingkod sa ating bayan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang tapat, mahusay, at makataong serbisyo para sa ating mga minamahal na Boakeño. Mabuhay po ang ating mga Lingkod Bayani, at magandang umaga po sa ating lahat!



𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗕𝗜𝗠𝗕𝗢: 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗟𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗬𝗟𝗔𝗬Ang inyong lingkod po, Vice Mayor Kuya Mark Seño...
03/09/2026

𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗕𝗜𝗠𝗕𝗢: 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗟𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗬𝗟𝗔𝗬

Ang inyong lingkod po, Vice Mayor Kuya Mark Seño, ay nakibahagi sa “Huling El Bimbo,” isang makabuluhang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan na pinangunahan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Laylay. Tampok sa nasabing programa ang Awarding Ceremony para sa mga kabataang aktibong lumahok sa iba’t ibang gawaing isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang, bilang pagkilala sa kanilang pakikiisa, talento, at dedikasyon.

Naging tampok din sa programa ang Gawad Parangal, isang pagkilala sa mga natatanging kabataan ng Barangay Laylay na nagpakita ng kahanga-hangang galing, talento, at kahusayan sa kani-kanilang larangan. Higit pa sa isang parangal, ang pagkilalang ito ay pagbibigay-halaga sa sipag, tiyaga, at potensiyal ng kabataan na siyang mahalagang katuwang sa patuloy na pag-unlad ng ating pamayanan.

Bilang Pangalawang Punong Bayan, taos-puso kong binabati ang lahat ng mga awardees, nagwagi, at kabataang nakiisa sa mga aktibidad ng Sangguniang Kabataan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong mga tagumpay upang higit ninyong pag-ibayuhin ang inyong mga kakayahan, pangalagaan ang mabubuting pagpapahalaga, at gamitin ang inyong mga talento para sa kapwa at sa komunidad. Ang aking mainit na pagbati at pagkilala rin sa Sangguniang Kabataan ng Laylay, sa pamumuno ni G. John Joseph Moncada, at sa Sangguniang Barangay ng Laylay, sa pangunguna ni G. Arnel W. Mabiog, sa matagumpay na pagdaraos ng isang pagdiriwang na nagbibigay-halaga at inspirasyon sa kabataan.



𝗙𝗨𝗡 𝗝𝗢𝗚 𝗛𝗘𝗥𝗜𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗥𝗨𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗜𝗖𝗞-𝗢𝗙𝗙 𝗡𝗚 𝟭𝟮𝟲𝗧𝗛 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗖𝗜𝗩𝗜𝗟 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬Sa pangunguna ng Lokal na Pamaha...
02/09/2026

𝗙𝗨𝗡 𝗝𝗢𝗚 𝗛𝗘𝗥𝗜𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗥𝗨𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗜𝗖𝗞-𝗢𝗙𝗙 𝗡𝗚 𝟭𝟮𝟲𝗧𝗛 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗖𝗜𝗩𝗜𝗟 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Boac, sa pamamagitan ng Human Resources and Management Office (HRMO) sa pamumuno ni Gng. Donnalyn Buenaventura, ating ipinagdiwang ang 126th Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.” Tampok sa pagdiriwang ang Fun Jog Heritage Run, na nilahukan ng ating mga kawani sa kani-kanilang natatanging kasuotan at props, na nagbigay ng masigla at makulay na katangian sa nasabing aktibidad. Nakiisa rin sa pagdiriwang ang ating mapag-aruga at mapagkalingang Ina ng Bayan, Mayor Armi DC. Carrion, Municipal Administrator G. Carlo Felizardo D. Jacinto, mga miyembro ng Ika-12 Sangguniang Bayan na sina Konsehal Francis “Isko” Jacinto at Konsehal Alejnic Solomon, mga Department Heads, mga kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang bayan, at ang ating mga JOCOS.

Bilang inyong Pangalawang Punong Bayan, ikinalulugod kong masaksihan ang pagkakaisa, pakikiisa, at pagtutulungan ng ating mga kawani sa ganitong uri ng gawain. Bagama’t naging tampok ang kanilang mga natatanging kasuotan at props, higit na mahalaga ang ipinamalas nilang diwa ng camaraderie at kolektibong pakikilahok. Ang ganitong mga aktibidad ay nagpapaalala sa atin na ang mahusay na paglilingkod-bayan ay higit na napagtitibay ng isang organisasyong may pagkakaisa, paggalang sa isa’t isa, at iisang layunin: 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆, 𝘁𝗮𝗽𝗮𝘁, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻.

Taos-puso kong ipinapaabot ang aking pagbati sa lahat ng nagkamit ng special awards bilang pagkilala sa kanilang natatanging pakikilahok at pagpapakita ng diwa ng pagdiriwang. Gayundin, ang aking taos-pusong pasasalamat at pagbati sa HRMO at sa lahat ng naging bahagi ng pagpaplano, paghahanda, at matagumpay na pagsasakatuparan ng programa. Nawa’y magsilbi ang pagdiriwang na ito bilang patuloy na inspirasyon sa bawat kawani upang gampanan ang kanilang tungkulin nang may puso, dangal, dedikasyon, at kahusayan, alinsunod sa tunay na diwa ng pagiging isang Lingkod Bayani.





01/09/2026

𝗣𝗦𝗦𝗦𝗧… 𝗚𝗨𝗦𝗧𝗢 𝗠𝗢 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗜 𝗞𝗨𝗬𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗞?

Baka…𝗶𝗸𝗮𝘄 𝗻𝗮 ’𝘆𝗼𝗻!

𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗗𝗘𝗢 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗟𝗢 dahil baka may clue na para sa’yo!
At kung feeling mo may kinalaman ka rito…𝗜-𝗖𝗟𝗜𝗖𝗞 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗚𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗠
gamit ang link na ito: https://forms.gle/M6MK46EB3fmV9jhw9

Huwag din kalimutang 𝗶-𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪 ang Official page ni 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗞𝘂𝘆𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗦𝗲ñ𝗼 at manatiling nakaabang sa mga susunod na detalye.

𝟭𝟮𝟲𝘁𝗵 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆: 𝗣𝘂𝘀𝗼, 𝗗𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹, 𝗮𝘁 𝗚𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻Sa lahat ng ating mga minamahal na kawa...
31/08/2026

𝟭𝟮𝟲𝘁𝗵 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆: 𝗣𝘂𝘀𝗼, 𝗗𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹, 𝗮𝘁 𝗚𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻

Sa lahat ng ating mga minamahal na kawani ng pamahalaan, isang mainit na pagbati sa inyong lahat ngayong 126th Philippine Civil Service Anniversary, na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.”

Bilang inyong Pangalawang Punong Bayan na inyong katuwang sa paglilingkod sa ating mga kababayang Boakeño at Marinduqueño, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa bawat isa sa inyo.

Ang pagiging kawani ng pamahalaan ay hindi lamang tungkol sa trabaho. Ito ay tungkol sa paglilingkod, malasakit, at pagiging handang tumulong, kahit minsan ay mahirap, nakakapagod, at hindi agad nakikita ang bunga ng inyong ginagawa.

Sa bawat dokumentong inaasikaso, serbisyong ibinibigay, problemang tinutugunan, at mamamayang inyong natutulungan, may isang buhay na maaaring gumaan dahil sa inyong serbisyo.

Kaya sa bawat kawani, huwag nating kalimutan: ang simpleng pagtupad natin sa ating tungkulin ay maaaring maging malaking bagay para sa isang kababayan.

Patuloy nating dalhin sa ating trabaho ang puso sa paglilingkod, dangal sa bawat gawain, at galing sa bawat serbisyong inihahatid.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon. Maraming salamat sa inyong sakripisyo. At higit sa lahat, maraming salamat dahil pinipili ninyong maglingkod sa bayan nang may malasakit.

Mabuhay ang ating mga Lingkod Bayani!

Happy 126th Philippine Civil Service Anniversary!

Patuloy tayong maglingkod nang may Malasakit, Aksyon, Respeto, at Kakayahan para sa ating mga kababayan.





𝗣𝘀𝘀𝘁… 𝗺𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗽 𝘀𝗶 𝗞𝘂𝘆𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗸.May mga taong gusto niyang makausap, mga taong gusto niyang makita at mga taong matagal...
31/08/2026

𝗣𝘀𝘀𝘁… 𝗺𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗽 𝘀𝗶 𝗞𝘂𝘆𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗸.

May mga taong gusto niyang makausap, mga taong gusto niyang makita at mga taong matagal na niyang gustong makasama.

𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗮𝘆𝗮? 𝗔𝗻𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗶𝘆𝗮? At higit sa lahat… 𝗦𝗶𝗻𝗼-𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗶𝗹𝗮?

𝗔𝗯𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭, 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝟭𝟮:𝟬𝟬 𝗣𝗠, 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸 𝗣𝗮𝗴𝗲, 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗲𝘀𝗽𝗲𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝘂𝗻𝘀𝘆𝗼.

Dahil hindi natin alam… 𝗯𝗮𝗸𝗮 𝗶𝗸𝗮𝘄 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗶𝘆𝗮. ❤️

𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻, 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀Sa paggunita natin sa National Heroes Day, buong puso nating inaalal...
30/08/2026

𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻, 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀

Sa paggunita natin sa National Heroes Day, buong puso nating inaalala at pinasasalamatan ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, tapang at paglilingkod para sa kalayaan at kinabukasang tinatamasa natin ngayon.

Ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa laki ng sakripisyo. Makikita rin ito sa bawat taong patuloy na gumagawa ng tama, tumutulong sa kapwa, nagmamalasakit sa komunidad at buong pusong naglilingkod sa bayan.

Bilang mga lingkod-bayan, tungkulin nating ipagpatuloy ang kanilang nasimulan. Sa bawat serbisyong tapat, bawat aksyong may malasakit at bawat desisyong inuuna ang kapakanan ng ating mga kababayan, naipapakita natin na buhay ang diwa ng kabayanihan.

Ngayong National Heroes Day, sama-sama nating bigyang-halaga hindi lamang ang mga bayani ng ating kasaysayan, kundi pati ang mga makabagong bayani na tahimik na nagsisilbi at nagsasakripisyo para sa pamilya, komunidad at bayan.

Saludo po tayo sa lahat ng ating mga bayani. 🇵🇭

Mabuhay ang diwa ng kabayanihan!
Mabuhay ang Pilipino!
Mabuhay ang ating Inang Bayan!




Address

2nd Flr. , New Municipal Building, Kasilag Street Isok 1
Boac
4900

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VICEfriend KUYA MARK SEÑO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to VICEfriend KUYA MARK SEÑO:

Shortcuts

Share