Konsi Gatas Mascareñas

Konsi Gatas Mascareñas ���

🇵🇭 128th Philippine Independence Day | June 12, 2026 🇵🇭Today, we proudly commemorate the 128th Anniversary of Philippine...
12/06/2026

🇵🇭 128th Philippine Independence Day | June 12, 2026 🇵🇭

Today, we proudly commemorate the 128th Anniversary of Philippine Independence, a significant milestone that honors the courage, patriotism, and sacrifices of our national heroes who fought for the freedom and sovereignty of our nation.

As we celebrate this historic occasion, let us reflect on the values of unity, resilience, and love of country that continue to guide us in building a stronger and more progressive Philippines. May this day serve as a reminder of our shared responsibility to uphold the ideals of democracy, preserve our hard-earned freedom, and contribute positively to our communities and our nation.

Together, let us continue to foster a spirit of patriotism and national pride as we work towards a brighter future for all Filipinos.

Maligayang ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas!





📋𝟐𝟎𝒕𝒉 𝑹𝒆𝒈𝒖𝒍𝒂𝒓 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝟏𝟐𝒕𝒉 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏📅𝑴𝒂𝒚𝒐 𝟐𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 📍𝟐𝒏𝒅 𝒇𝒍𝒐𝒐𝒓, 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝑯𝒂𝒍𝒍, 𝑴𝒖𝒏𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍 ...
28/05/2026

📋𝟐𝟎𝒕𝒉 𝑹𝒆𝒈𝒖𝒍𝒂𝒓 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝟏𝟐𝒕𝒉 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏
📅𝑴𝒂𝒚𝒐 𝟐𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔
📍𝟐𝒏𝒅 𝒇𝒍𝒐𝒐𝒓, 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝑯𝒂𝒍𝒍, 𝑴𝒖𝒏𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍 𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈

Naging produktibo ang pagkikiisa ni Konsehal Gatas Mascareñas sa naganap na sesyon. Aktibong nakibahagi sa mga talakayan upang masig**ong ang bawat polisiya ay nakabubuti sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Bilang Committee Chairperson ng Committee on Ways and Means, pormal niyang ini-ulat ang naging resulta ng deliberasyon noong Mayo 14 sa naganap na joint committee meeting kasama ang mga myembro ng Committee on Barangay Affairs at Sangguniang Barangay ng Barangay Sabong, Boac. Sa naging rekomendasyon nito, iminungkahi ng bawat kumite na ibalik ang ordinansa upang mas mapalawak pa ang sakop nito at masusing mapag-aralan ang mga probisyon nito upang matiyak na ito ay makabubuti sa mamamayan ng Barangay Sabong at naaayon sa mga batas sa ilalim ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991.

☑️BARANGAY ORDINANCE NO. 008 SERIES OF 2026, ISANG ORDINANSA SA TAMANG PAMAMAHALA, PAGGAMIT, AT PANGANGALAGA NG SISTEMA NG PATUBIG SA BARANGAY SABONG

Maligayang Kaarawan sa pangalawang pinuno ng Munisipalidad ng Bayan ng Boac, kagalang- galang Vice Mayor Mark Anthony E....
27/05/2026

Maligayang Kaarawan sa pangalawang pinuno ng Munisipalidad ng Bayan ng Boac, kagalang- galang Vice Mayor Mark Anthony E. Seño.

Saludo ako sa iyong tapat na pamumuno at pagmamahal sa ating bayan. Isang karangalan ang maging katuwang mo sa lehislatura at sa paglilingkod sa publiko. Nawa’y maging puno ng kagalakan at pagpapala ang iyong kaarawan kasama ang iyong pamilya. Happy Birthday, Vice! 🥂

15/05/2026

🌸🦋 𝗠𝗔𝗬 15-21, 2026 | 𝗕𝗜𝗟𝗔-𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 🦋🌸

Tingni ang Bila-Bila! Witness the week-long colorful celebration of 𝑩𝒊𝒍𝒂-𝑩𝒊𝒍𝒂 𝑭𝒆𝒔𝒕𝒊𝒗𝒂𝒍 this May 15-21, 2026.

Marinduque, dubbed as the "Butterfly Capital of the Philippines", this vibrant event serves as a platform to raise awareness for the preservation of butterflies in their natural habitats and to support the conservation of Marinduque's thriving butterfly farms.

💬𝑱𝒐𝒊𝒏𝒕 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒕𝒆𝒆 𝑴𝒆𝒆𝒕𝒊𝒏𝒈  📣𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒕𝒆𝒆 𝒐𝒏 𝑾𝒂𝒚𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑴𝒆𝒂𝒏𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒕𝒆𝒆 𝒐𝒏 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑨𝒇𝒇𝒂𝒊𝒓𝒔 📅𝑴𝒂𝒚 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔 📍𝟐𝒏𝒅 𝒇𝒍𝒐𝒐𝒓, 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈...
15/05/2026

💬𝑱𝒐𝒊𝒏𝒕 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒕𝒆𝒆 𝑴𝒆𝒆𝒕𝒊𝒏𝒈
📣𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒕𝒆𝒆 𝒐𝒏 𝑾𝒂𝒚𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑴𝒆𝒂𝒏𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒕𝒆𝒆 𝒐𝒏 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑨𝒇𝒇𝒂𝒊𝒓𝒔
📅𝑴𝒂𝒚 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔
📍𝟐𝒏𝒅 𝒇𝒍𝒐𝒐𝒓, 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝑯𝒂𝒍𝒍, 𝑴𝒖𝒏𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍 𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈

Nagkaroon ng masusing talakayan ang Joint Committee ng Committee on Ways and Means at Committee on Barangay Affairs hinggil sa iminungkahing Barangay Ordinance ng Barangay Sabong, Boac, Marinduque na may titulong:

Barangay Ordinance Blg. 008 serye ng 2026, "ISANG ORDINANSA SA TAMANG PAMAMAHALA, PAGGAMIT, AT PANGANGALAGA NG SISTEMA NG PATUBIG SA BARANGAY SABONG"

Pinangunahan ni Konsehal Gatas Mascareñas, bilang lead committee at Chairperson ng Committee on Ways and Means ang deliberasyon. Nagpahayag ng layunin tungkol sa Ordinansang ito ang Punong Barangay ng Brgy. Sabong at ilang mga paglilinaw sa sitwasyon at isyu ng tubig sa barangay.

Nagbigay ng kanilang mga puna at kumento ang mga miyembro ng Committee on Ways and Means at Committee on Barangay Affairs hinggil sa iminungkahing Barangay Ordinance ng Barangay Sabong, Boac, Marinduque.

Bilang pagsunod sa Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, ninais ng bawat myembro ng kumite na ibalik ang ordinansa sa Sangguniang Barangay ng Sabong upang muling mapag-aralan, marebisa ang ilang seksyon, at mapalawak pa ang sakop nito. Layunin ng hakbang na ito na higit pang matiyak ang malinaw at makatarungang mga panukala na tunay na makatutulong at magpapaunlad sa bawat mamamayan ng Barangay Sabong.

Bago matapos ang Committee Meeting, naghandog ng ipinangakong regalo si Konsehal Chief Manguera para sa Sangguniang Barangay ng Sabong. Buong kagalakan itong tinanggap ng Punong Barangay, Kgg. Loreta Abang, bilang tanda ng pagkilala at suporta sa kanilang patuloy na paglilingkod sa komunidad.

Ang ganitong deliberasyon ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang bawat panukala ay naaayon sa kapakanan ng mamamayan at sa tamang pamamahala ng ating barangay.

📝𝑰𝒌𝒂-𝟏8 𝑹𝒆𝒈𝒖𝒍𝒂𝒓 𝒏𝒂 𝑺𝒆𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒊𝒌𝒂-𝟏𝟐 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑩𝒐𝒂𝒄 📆𝑴𝒂𝒚𝒐 12, 𝟐𝟎𝟐𝟔 📍𝟐𝒏𝒅 𝒇𝒍𝒐𝒐𝒓, 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝑯𝒂𝒍𝒍,...
14/05/2026

📝𝑰𝒌𝒂-𝟏8 𝑹𝒆𝒈𝒖𝒍𝒂𝒓 𝒏𝒂 𝑺𝒆𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒊𝒌𝒂-𝟏𝟐 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑩𝒐𝒂𝒄
📆𝑴𝒂𝒚𝒐 12, 𝟐𝟎𝟐𝟔
📍𝟐𝒏𝒅 𝒇𝒍𝒐𝒐𝒓, 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝑯𝒂𝒍𝒍, 𝑴𝒖𝒏𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍 𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈

Aktibong naki-isa sa mga talakayan si Konsehal Gelacio Raphael "Gatas" Mascareñas sa naganap na Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Boac. Layunin nating palawakin ang mga programa at talakayin ang mga usaping direktang makakatulong sa ating komunidad. Ang bawat desisyon ay para sa mas maunlad at mas matatag na Bayan ng Boac.

Bilang Chairperson ng Committee on Ways and Means, iniulat ni Konsehal Gatas Mascareñas ang Barangay Ordinance na iminungkahi ng Sangguniang Barangay ng Buliasnin, Boac, Marinduque na natalakay at tuluyang naaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Boac:

✅Barangay Ordinance No. 2026- 001 of Brgy. Buliasnin, Boac Marinduque, titled "AN ORDINANCE PRESCRIBING REGULATIONS FOR THE OPERATION OF BULIASNIN WATERWORKS SYSTEM IMPOSING ADMINISTRATIVE SANCTIONS FINES AND PENALTIES FOR VIOLATIONS THEREOF AND FOR OTHER PURPOSES".

📝𝑰𝒌𝒂-𝟏𝟕 𝑹𝒆𝒈𝒖𝒍𝒂𝒓 𝒏𝒂 𝑺𝒆𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒊𝒌𝒂-𝟏𝟐 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑩𝒐𝒂𝒄 📆𝑴𝒂𝒚𝒐 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 📍𝟐𝒏𝒅 𝒇𝒍𝒐𝒐𝒓, 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝑯𝒂𝒍𝒍, ...
06/05/2026

📝𝑰𝒌𝒂-𝟏𝟕 𝑹𝒆𝒈𝒖𝒍𝒂𝒓 𝒏𝒂 𝑺𝒆𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒊𝒌𝒂-𝟏𝟐 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑩𝒐𝒂𝒄
📆𝑴𝒂𝒚𝒐 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔
📍𝟐𝒏𝒅 𝒇𝒍𝒐𝒐𝒓, 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝑯𝒂𝒍𝒍, 𝑴𝒖𝒏𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍 𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈

Aktibong nakibahagi si Konsehal Gelacio Raphael “GATAS” Mascareñas sa mga diskusyon at paglilinaw na tinalakay sa naganap na Regular na Sesyon, patunay ng kanyang tuloy-tuloy na dedikasyon sa paglilingkod.

Sa bawat talakayan at pag-aaral ng mga panukala, higit nating pinatitibay ang pundasyon ng mabuting pamamahala—nakabatay sa integridad at malasakit.

Pagpupugay sa Araw ng Paggawa 🇵🇭Ngayong Mayo 1, ating ginugunita ang Labor Day bilang pagkilala sa walang kapantay na sa...
01/05/2026

Pagpupugay sa Araw ng Paggawa 🇵🇭

Ngayong Mayo 1, ating ginugunita ang Labor Day bilang pagkilala sa walang kapantay na sakripisyo at dedikasyon ng bawat manggagawang Pilipino—mula sa mga g**o, doktor, kawani ng pamahalaan, inhinyero, pulis, bumbero, tsuper, magsasaka, mangingisda, tindero, at lahat ng sektor na nagsisilbing haligi ng ating lipunan.

Ang kanilang sipag at tiyaga ang patuloy na nagbibigay-buhay sa ating bayan at nagsisilbing inspirasyon sa mas makabuluhang paglilingkod.

Nawa’y maging gabay ang Araw ng Paggawa sa patuloy na pagsusulong ng karapatan, kapakanan, at dignidad ng bawat manggagawa tungo sa mas maunlad at makatarungang lipunan.

Long Weekend Advisory!Pagpupugay sa mga manggagawa, kasabay ng tamang pahinga at saya.
30/04/2026

Long Weekend Advisory!
Pagpupugay sa mga manggagawa, kasabay ng tamang pahinga at saya.

Address

Boac
4900

Telephone

+639285124352

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsi Gatas Mascareñas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Konsi Gatas Mascareñas:

Share

Category