Gintong Palayok

Gintong Palayok Ang Opisyal na Pahayagan Sa Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Parayao

Buwan ng Wika 2023,matagumpay na naidaos          Matagumpay na naidaos ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Parayao sa p...
01/09/2023

Buwan ng Wika 2023,matagumpay na naidaos

Matagumpay na naidaos ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Parayao sa pangunguna ni Dr. Menaliza T. Cortes,ulungg**o ng Ingles at Filipino kasama ang kanyang mga g**o sa Filipino at ni Dr. Rolando C. Diaz,punungg**o ng paaralan ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 mula noong unang araw ng buwan ng Agosto hanggang huling araw nito na ginanap sa loob ng klasrum at ang iba'y ginawa ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan at ipinasa onlayn.
Ilan sa mga patimpalak na naging bahagi ng taunang selebrasyon ay ang paggawa ng poster, pagbigkas ng tula, paglikha ng islogan, pagsulat ng sanaysay at ang Natatanging Kasuotang Filipino.
Layunin ng mga nasabing patimpalak ang pagpapaunlad,pagpapayaman at pagpapalaganap ng Wikang Filipino at ng mga Katutubong Wika na nakapag-aambag sa higit na kagalingan at kalinangang pambansa ng mga Filipino.



🥰

30/08/2023
Oryentasyon ng mga Mag-aaral ng Baitang 8,isinakatuparan Pinangunahan nina Dr. Rolando C. Diaz,punungg**o ng Pambansang ...
30/08/2023

Oryentasyon ng mga Mag-aaral ng Baitang 8,isinakatuparan

Pinangunahan nina Dr. Rolando C. Diaz,punungg**o ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Parayao at ni Dr. Lawrence V. Ferrer,pinunong tagapangasiwa ng Baitang 8 ang pagsasakatuparan ng oryentasyon ng mga mag-aaral bago umpisahan ang kani-kanilang klase ngayong araw,Agosto 30.
Masayang tinanggap ni Dr. Diaz ang mga dati at bagong mag-aaral ng PMPP,kalakip ang biling igalang nila ang kanilang mga magulang- ang mga taong nagsasakripisyo para maibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan at ang magiging kakampi at kasangga nila sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Samantala, ibinahagi naman ni Dr. Ferrer ang kanyang “word for the day”-Panangaro. Sa kanyang mensahe binigyan diin niya na mahalagang mahalin ng mga mag-aaral ang kanilang mga magulang,eskwelahan,mga g**o’t empleyado ng paaralan at ang kanilang mga kapwa kamag-aral.
Bukod sa mga pangaral na naibahagi para sa mga mag-aaral, ibinahagi din ni G. Jonald S. Fabia , dating SDRRM koordineytor ng paaralan ang mga panuntunan para sa kaligtasan at pangkalusugang pag-iingat ng mga mag-aaral.

Aksyon Agad!          Matapos ang naging pagdalaw at pagsubaybay sa pag-uumpisa ng klase ng paaralan na pinangunahan nin...
30/08/2023

Aksyon Agad!
Matapos ang naging pagdalaw at pagsubaybay sa pag-uumpisa ng klase ng paaralan na pinangunahan nina Dr. Raymund R. Molano ,DepEd Region I EPS at Dr. Dinah C. Bonao-HRDD Chief ,nagpatawag agad ng pagpupulong ang punungg**o ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Parayao na si Dr. Rolando C. Diaz upang matugunan ang mga naging suhestyon at mungkahi ng mga nasabing mga opisyal para sa ikagaganda at ikaaayos ng pamamalakad ng paaralan.
Sinundan ito ng pagpupulong ng ulungg**o ng iba't ibang departamento ng paaralan.

Pagtatapos ng NLC ng PMPP,isinagawa        Isinagawa noong ika-25 ng Agosto 2023 ang pangwakas na aktibidad para sa mga ...
29/08/2023

Pagtatapos ng NLC ng PMPP,isinagawa

Isinagawa noong ika-25 ng Agosto 2023 ang pangwakas na aktibidad para sa mga mag-aaral at mga g**o na lumahok sa National Learning Camp (NLC) na nag-umpisa noong Hulyo 24 hanggang Agosto 25 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Parayao.
Ang NLC ay isang voluntary learning recovery program ng DepEd na may pangunahing layunin na mapaunlad ang performance ng mga mag-aaral at mapalakas ang kapasidad ng mga g**o.
Nakatuon para sa Grade 7 at Grade 8 ang NLC ngayong taon, kung saan mas higit na matututo ang mga mag-aaral sa English, Science, at Mathematics.
Ito ay sa pamamagitan ng iba’t ibang camp kabilang ang Enhancement, Consolidation, at Interventions camps na tutuon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Kauna-unahang pagpupulong ng JHS,dinagsa ng mga magulang        Pinangunahan ni Dr. Rolando C. Diaz,punungg**o ng Pamban...
29/08/2023

Kauna-unahang pagpupulong ng JHS,dinagsa ng mga magulang

Pinangunahan ni Dr. Rolando C. Diaz,punungg**o ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Parayao ang kauna-unahang pagpupulong ng mga magulang at g**o ng Junior High School na ginanap sa bulwagan ng paaralan noong ika -25 ng Agosto ,2023.
Sa umaga ginanap ang pagpupulong para sa mga g**o at magulang ng Batiang 7 at 8 ,samantalang ginanap naman ang para sa Baitang 9 at 10 kinahapunan.
Ipinangako ni Dr.Diaz na magiging kaisa ng mga magulang ang buong pamunuan ng paaralan sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga estudyante.
“ Makakasig**o po kayo na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang mapaglingkuran namin ng maayos at nang may pagmamahal at pagmamalasakit ang lahat ng mag-aaral na nasa ilalim ng aming kalinga”,dagdag pa niya.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa naging paksa sa ginawang pagpupulong:
• Modalidad ng Pag-aaral at Iskedyul ng Klase
• Kalendaryo ng Aktibidadis ng Taong Pampanuruan
• Proseso ng Pagtatasa at Pagbibigay Grado
• Pangkaligtasan at Pag-iingat na Pangkalusugan
• Kaalaman tungkol sa Resulta ng Pagsusuring Panliterasi at Numirasi
• NLC,SSLG at SPTA Apdeyt
• Apdeyt sa mga Patimpalak sa Buwan ng Wika 2023
• Pangkagawarang Kautusan sa Pagbibigay ng Parangal
• Presentasyon ng mga Programang Pagkurikulum
• Presentaston ng mga Tagapayo at mga g**o ng Bawat Asignatura

Resulta ng Brigada Pagbasa,IkinaalarmaPagpapaigting ng Programa sa Pagbasa,Ikakasa Lumabas sa nakaraang tatlong araw ng ...
29/08/2023

Resulta ng Brigada Pagbasa,Ikinaalarma
Pagpapaigting ng Programa sa Pagbasa,Ikakasa

Lumabas sa nakaraang tatlong araw ng Brigada Pagbasa na isinagawa noong ika-22 hanggang ika 24 ng Agosto na 68.70% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral ng baitang 7 na sinuri ay nakaiintindi ng kanilang binabasang teksto na nasa wikang Ingles,samantalang 31.30% naman ang bumagsak sa naturang pagsusulit.
Sa pagbasa naman , 60.30% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral na nasuri ay kabilang sa mabilis at katamtamang bilis ng pagbasa,39.69% naman ay nabibilang sa mabagal hanggang sa papantig na pagbasa.Napag-alaman din na may apat na bata na hindi nakakabasa.
Sa pagbasa naman sa Filipino,89.31% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral na sinuri ay may kakayahang sagutan ng wasto ang mga katanungan tungkol sa binabasang teksto, samantalang 10.69% lamang ang bumagsak sa naturang pagsusulit.Samantala, sa pagbasa 78.63 % ay kabilang sa mabilis at katamtaman , 21.37% naman ay nabibilang sa mabagal hanggang papantig.
“Ang naturang resulta ay nakaaalarma ibig sabihin nito kailangan nating muling paigtingin ang ating programa sa pagbasa para matulungan ang mga batang nabibilang sa mga hindi pumasa sa pagsusulit sa pagbasa lalung-lalo na sa Ingles” ani Dr. Menaliza T. Cortes,ulungg**o ng Ingles at Filipino.

Unang komperensya ng SHS-PTA, ginanap          Ginanap ang unang komperensya ng mga g**o at ,magulang ng mga estudyante ...
24/08/2023

Unang komperensya ng SHS-PTA, ginanap

Ginanap ang unang komperensya ng mga g**o at ,magulang ng mga estudyante sa Senior High School sa bulwagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ngayong araw-Agosto 24, 2023 ala-una ng hapon.
Kasama sa mga napag-usapan sa nasabing pagpupulong ay ang mga iniaalok na asignatura sa SHS, iskedyul ng mga mag-aaral,sistema ng pagbibigay grado, mga pangangailangan ng mga mag-aaral ,panuntuhan at pag-iingat na pangkalusugan. Inilahad din sa naturang pagtitipon ang mga programang pangkurikulum ng SHS.

Pangalawang araw ng Brigada Pagbasa ,dinagsa         Dinagsa ng mga estudyante mula sa Barangay Pallas, Papagueyan at Ba...
24/08/2023

Pangalawang araw ng Brigada Pagbasa ,dinagsa

Dinagsa ng mga estudyante mula sa Barangay Pallas, Papagueyan at Balagan ang pangalawang araw ng Brigada Pagbasa noong ika -23 ng Agosto 2023 sa bagong bulwagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Parayao.
Kasama sa nanguna sa pagpapabasa ay sina Bb. Camille S. Carani at G. Ernie A. Sanchez.Kasabay din ng pagpapabasa ay ang pagsusulit para sa pagtukoy ng lebel pan-numirasi ng mga mag-aaral na pinangunahan nina Dr. Vincent V. Baniqued,ulungg**o ng Departamento ng MAPEH at Matematika at Gng. Madilyn S. Lumiguen, dalubg**o sa Matematika.
Hindi lamang mga mag-aaral sa Junior Hign School ng paaralan ng PMPP ang sumasailalim sa pagsusuring panliterasi at pannumirasi kundi pati mga mag-aaral sa Senior High School.

Programang panliterasi at numirasi,ikinasa ng PMPP         Bunsod ng magandang ibinunga ng pagtataguyod ng Brigada Pagba...
22/08/2023

Programang panliterasi at numirasi,ikinasa ng PMPP

Bunsod ng magandang ibinunga ng pagtataguyod ng Brigada Pagbasa noong mga nakaraan taon,muling itinaguyod ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Parayao sa pangunguna ni Dr. Rolando C. Diaz at ng buong kaguruan ng Departamento ng Komunikasyon at Matematika ang inisyal na implementasyon ng mga programang panliterasi at pan-numirasi ng paaralan na inumpisahan ngayong araw-ika 22 ng Agosto 2023.
. Pinangunahan nina Dr. Menaliza T. Cortes , Dr. Vincent V. Baniqued at Dr. Jenelle M. De Vera ang kani-kanilang mga g**o sa departamento sa pagsasagawa ng pagpapabasa at pagtiyak sa lebel na pan-numirasi ng mga batang nasa Baitang 7, 11 at 12. Ang naturang inisyal na pagsusulit ang siyang magiging batayan sa pagpili ng mga mag-aaral na sasailalim sa programang panliterasi at pannumirasi ng paaralan.
Sa loob ng isang linggo ay sasalain ang mga mag-aaral ng mga g**ong nakatalaga sa bawat araw. Sila ay sasailalim sa pagsusuring panliterasi at pan-numirasi upang sila ay mai-grupo ayon sa kanilang kakayahan bilang paghahanda sa pag-uumpisa ng klase ngayong taong pampanuruan.

Diaz, bagong Ulungg**o ng Camaley NHS         Ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala  si Gng. Marites C. Diaz ng Pambansang...
22/08/2023

Diaz, bagong Ulungg**o ng Camaley NHS

Ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala si Gng. Marites C. Diaz ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Parayao (PMPP) sa pangunguna ni Dr. Rolando C. Diaz, punungg**o at mga ulungg**o ng PMPP na sina Dr. Menaliza T. Cortes, Gng. Marina S. Caburnay, Dr. Lawrence V. Ferrer at Dr. Vincent V. Baniqued noong ika-18 ng Agosto 2023 .
Ito ay bilang pagsaludo sa mahigit na tatlumpo’t isang taon ng tapat at hindi matatawarang paglilingkod na kanyang ipinamalas sa buong pamunuan ng paaralan at sa kanyang mga naging estudyante sa loob ng tatlong dekada.
Kasabay nito ay ang paghahandog ng maikli ngunit makabuluhang programa ng pasasalamat para sa kanya at ang pakikisaya ng buong pamunuan ng PMPP sa kanyang tagumpay at natanggap na promosyon bilang bagong Ulungg**o III ng Camaley National High School na mag-uumpisa ngayong taong pampanuruan 2023-2024.Naungusan ni Diaz ang apat pa niyang naging katunggali sa dating posisyon ni Dr.Renante De Guzman ng Camaley National High School.

22/08/2023

📣📣📣PABATID📣📣📣

Inaanyayahan ang lahat ng magulang at guardian ng mga mag-aaral sa Parayao National High School na dumalo sa gaganaping Parents'/Guardians' Orientation para sa darating na School Year 2023-2024. Narito ang mga iskedyul ng pagpunta para sa orientation:

⏰ August 24 | 1:00PM Mga magulang/guardian ng Senior High School Learners
⏰ August 25 | 8:00AM Mga magulang/guardian ng Grade 7 at 8 Learners
⏰ August 25 | 1:00PM Mga magulang/guardian ng Grade 9 at 10 Learners

Inaasahan po namin ang inyong pagdalo. Magkita-kita po tayo!

Address

Papagueyan
Binmaley
2417

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gintong Palayok posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Gintong Palayok:

Share