01/06/2026
Bilang pagsisimula ng LGBTQIA+ Pride Month, nakiisa ang City Building and Parks Administrative Office(CBPAO) sa paghahanda at paglalagay ng makulay at makahulugang bandila ng LGBTQIA+ Pride bilang simbolo ng pagkakapantay-pantay, paggalang, pagtanggap, at pagkakaisa sa ating komunidad.
Sa pamamagitan ng simpleng gawaing ito, ipinapakita natin ang suporta sa pagsusulong ng isang lipunang bukas at may malasakit sa bawat isa, anuman ang kanilang kasarian, pagkakakilanla.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa patnubay ng ating kagalang-galang na Mayor, Angelo Gel Alonte, at sa pakikipagtulungan ng GAD Office sa pangunguna ni Dra. Arlene A. Alonte.
Sa Biñan, ipinagdiriwang natin ang pagkakaiba-iba at isinusulong ang pagkakapantay-pantay para sa lahat.
Sama-sama nating ipagdiwang ang pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at pagmamahalan ngayong Pride Month 2026.