DepEd Tayo Besao NHS

  • Home
  • DepEd Tayo Besao NHS

DepEd Tayo Besao NHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Besao NHS, Government Organization, Padangaan, .

Besao National High School invites you to its 25th Commencement Exercises and 11th Moving- Up Ceremony with Mr. Tan Cawe...
29/03/2026

Besao National High School invites you to its 25th Commencement Exercises and 11th Moving- Up Ceremony with Mr. Tan Caweng Isa- is (Administrative Officer III, Office of the General Services, PLGU- Mountain Province) as the Inspirational Speaker.

Come one, come all!

A total of 22 students from Besao National High School successfully passed the National Certificate II (NC II) Assessmen...
19/03/2026

A total of 22 students from Besao National High School successfully passed the National Certificate II (NC II) Assessment in Bread and Pastry Production held from March 16 to 18, 2026, at the Salt and Pepper Agricultural Learning Center Inc.

The group comprised 19 Grade 12 students from the Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track specializing in Home Economics, along with three Grade 11 Technical Professional students. The assessment was conducted by TESDA-accredited assessor Ms. Bernice Coteng, in the presence of TESDA representative, Mr. Allen Foningor.

The NC II assessment evaluated the students’ competencies in bread and pastry production, including preparation, baking techniques, and adherence to food safety standards. Demonstrating their skills and knowledge, all 22 candidates met the required standards and earned a 100% passing rate.

This remarkable achievement highlights the school’s commitment to providing quality technical-vocational education and equipping learners with industry-relevant skills. It also reflects the dedication of both students and teachers in preparing for the rigorous national certification process under the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

School personnel expressed their pride in the students’ accomplishment, noting that the certification will open greater opportunities for employment and entrepreneurship in the field of bread and pastry production.
With this success, Besao National High School continues to strengthen its reputation in delivering effective and competency-based education to its learners.

✍️Jenny Grace A. & Gracel Ann B.

17/02/2026
BeNHS, nag-uwi ng GINTONG MEDALYA sa DFOTTUpang ipamalas ang kanilang husay at talento, walong mag-aaral mula sa Besao N...
16/02/2026

BeNHS, nag-uwi ng GINTONG MEDALYA sa DFOTT

Upang ipamalas ang kanilang husay at talento, walong mag-aaral mula sa Besao National High School ang aktibong lumahok sa idinaos na Division Festival of Talents Technolympics (DFOTT) na may temang “Empowering Skills, Shaping the Future” na ginanap sa Barlig, Mountain Province noong Pebrero 11–13, 2026.

Namukod-tangi at tunay na ibinida nina John Actdole Dalingay at Henrich Palangeo ang kanilang kahusayan matapos nilang masungkit ang Gintong Medalya sa kategoryang Cookery.

Samantala, nakamit naman nina Carl Andrae Beyden at Fred Balangyao Jr. ang Pilak na Medalya sa Technical Drafting at Cabin Craft, kung saan ipinamalas nila ang galing sa paggawa ng mga plano at disenyo.

Naitala naman sa ikaapat na puwesto sa Bread and Pastry Production sina Wesley Palangeo at Geyanda Isa-is, matapos nilang ipakita ang kanilang kakayahan sa paggawa at pagdidisenyo ng keyk.

Ani Heinrich Palangeo, kalahok mula sa Cookery, “Always be humble but confident, teamwork, and always respect each other. Bilang isang TVL student, ang pagiging gold medalist ay nagbigay sa akin ng labis na saya at pasasalamat. Lahat ng aking pagsusumikap, pag-eensayo, at sakripisyo ay nagbunga. May mga hamon sa aking pinagdaanan, ngunit hindi ako sumuko. Nang marinig ko ang aking pangalan na inanunsyo, nakaramdam ako ng halo-halong saya, pagmamalaki, at pasasalamat. Lahat ng puyat, hirap, at pagsubok na aking hinarap ay naging sulit.``

Bukod dito, lumahok at nakakuha ng ika-apat na pwesto sa Food Processing sina Gillian Pearl Busacay at Renza Fe Balangyao, na nagpamalas ng kanilang kaalaman sa pagproseso at wastong paghahanda ng pagkain.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon, sipag, at determinasyon ng mga mag-aaral, gayundin ng patuloy na suporta ng paaralan sa paghubog ng kanilang kasanayan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. Tunay ngang ibinida ng Besao National High School ang kanilang galing sa larangan ng teknikal at bokasyonal na edukasyon.

✍️Gracel Bitol & Jenny Grace Alacyang




📢EARLY REGISTRATION IS NOW OPEN!School Year 2026-2027Besao National High School is encouraging all parents and guardians...
16/02/2026

📢EARLY REGISTRATION IS NOW OPEN!
School Year 2026-2027

Besao National High School is encouraging all parents and guardians to participate in the Early Registration of incoming learners to help the school prepare better for the upcoming school year. BESAO NHS WELCOMES YOU!

👉EARLY REGISTRATION PERIOD IS FROM JANUARY 31- FEBRUARY 27, 2026

👥Who are encouraged to register early?
Grade 7, Grade 11, Transferees and Balik- Aral

📄REQUIREMENTS: Photocopy of PSA Birth Certificate Accomplished Basic Education Early Registration Form

👉 For further information and updates, kindly visit the school or follow our page.

Namayagpag at nagwagi ng mga  parangal ang mga mag-aaral ng Besao National High School sa District Schools Press Confere...
11/01/2026

Namayagpag at nagwagi ng mga parangal ang mga mag-aaral ng Besao National High School sa District Schools Press Conference, na may temang "Responsible Journalism in the Digital Age: Upholding Truth, Ethics, and Media Literacy in an AI-driven World," sa Saint James High School of Mountain Province Inc. noong Enero 10, 2026.

Sinalihan ito ng mga paaralan mula sa elementarya at sekundarya ng Besao.

Sa indibidwal na kategorya, ang mga sumusunod na mag-aaral ang nakapasok at magrerepresenta sa Distrito ng Besao sa susunod na Division Schools Press Conference (DSPC):
Jenny Grace Alacyang – Unang Pwesto, News Writing (English)
Gracel Ann Bitol – Unang Pwesto, News Writing (Filipino)
Lovely Canilao – Ikatlong Pwesto, Feature Writing (English)
Ayessha Guisaed – Unang Pwesto, Feature Writing (Filipino)
Adriel Feliciano – Unang Pwesto, Editorial Writing (English)
Aldriche Longay – Unang Pwesto, Editorial Writing (Filipino)
Kyan Dacanay – Unang Pwesto, Sports Writing (English)
Rubilyn Palangeo – Unang Pwesto, Sports Writing (Filipino)
Jones Songuitan – Unang Pwesto, Science and Technology Writing (English)
Althea Gumaya – Unang Pwesto, Copyreading and Headline Writing (English)
Marcia Mangallay – Unang Pwesto, Copyreading and Headline Writing (Filipino)
Keith Otinguey – Ikalawang Pwesto, Cartooning (English)
Keoden Alwod – Unang Pwesto, Cartooning (Filipino)
Aliyah Ibayan – Ikalawang Pwesto, Photojournalism (English)
Shelanie Coc-opi – Ikalawang Pwesto, Photojournalism (Filipino)
Nethaniah Malinias – Unang Pwesto, Mobile Journalism (Filipino)

Samantala, nagpakitang-gilas din ang grupo ng Radio Broadcasting (Filipino) na binubuo nina :
Brigido D. Loyaona
Arleen P. Victor
Maui Kalingan I. Yangyang
Racquel P. Batnag
Threcye I. Killip
Mark B. Contic
Denmark N. Bing-iyan

Hindi rin naman nagpahuli sina:
Lyka Agpawan – Ika-apat na Pwesto, Column Writing (English)
Qwyncy Myrrh Padalla – Ikalimang Pwesto, Column Writing (Filipino)
Euline Bless Beyden – Ika-apat na Pwesto, Science & Technology Writing (Filipino)

Ang nasabing tagumpay ay patunay sa patuloy na paglinang ng Besao National High School sa kakayahan ng mga mag-aaral sa responsable at makabuluhang pamamahayag.

✍🏽Jenny Grace Alacyang
✍🏽Gracel Ann Bitol



Upang matulungan ang mga mag-aaral ng Grade 12 na magkaroon ng malinaw na direksiyon sa kanilang tatahaking propesyon, m...
07/01/2026

Upang matulungan ang mga mag-aaral ng Grade 12 na magkaroon ng malinaw na direksiyon sa kanilang tatahaking propesyon, matagumpay na isinagawa ang Career Guidance Program sa pangunguna nina Brendon Loyaona at Dervin Ambasing, mga estudyante mula sa MOL Magsaysay Maritime Academy (HMMA) sa Besao National High School (BeNHS) noong Enero 6, 2025.

Layunin ng aktibidad na gabayan ang mga estudyante sa pagpili ng angkop na landas para sa kanilang kinabukasan at ipakilala ang iba’t ibang oportunidad na maaari nilang pasukin pagkatapos ng Senior High School.

Sa kanilang talakayan, ipinakilala nila ang mga kursong Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) at Bachelor of Science in Marine Engineering (BSMarE), gayundin ang mga pagsasanay at oportunidad sa trabaho sa loob at labas ng bansa sa larangan ng maritime industry. Ibinahagi rin ng mga tagapagsalita ang kanilang personal na karanasan bilang mga kadete, kabilang ang mga hamon at sakripisyong kaakibat ng napiling propesyon.

Binigyang-diin ni Dervin Ambasing ang kahalagahan ng tamang pagpapasya sa buhay sa pamamagitan ng pahayag na, “career before passion,” na nagbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral na unahin ang matatag na kinabukasan habang hinahasa ang kanilang mga interes.

Ipinakilala rin ang motto ng MMMA na, “We train our Cadets for life, not just for a job,” na nagpapakita ng layunin ng akademya na hubugin ang mga mag-aaral hindi lamang para sa trabaho kundi para sa buhay.

Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral ng Grade 12 at mga g**o ng Besao National High School sa isinagawang Career Guidance Program. Ayon sa kanila, malaking tulong ang ganitong gawain upang mabuksan ang isipan ng mga kabataan sa iba’t ibang posibilidad at maging handa sa mga desisyong haharapin nila sa hinaharap.
✍🏽GRACEL ANN BITOL



𝗕𝗲𝘀𝗮𝗼 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹,  𝗡𝗮𝗴-𝘂𝘄𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 Ipinagmamalaki ng Besao NHS ang pagsali at pagkapanalo ng mga ilang...
20/12/2025

𝗕𝗲𝘀𝗮𝗼 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗡𝗮𝗴-𝘂𝘄𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹

Ipinagmamalaki ng Besao NHS ang pagsali at pagkapanalo ng mga ilang mag-aaral sa 2025 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵’𝘀 𝗖𝗵𝗼𝗶𝗰𝗲: 𝗔 𝗗𝗿𝘂𝗴-𝗙𝗿𝗲𝗲 𝗟𝗶𝗳𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝘁𝗶𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝗗𝗶𝗴𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗣𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗦𝗵𝗼𝗿𝘁 𝗙𝗶𝗹𝗺 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴, 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝘁𝗲𝗺𝗮𝗻𝗴 “𝗦𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀, 𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗵𝗮𝗻: 𝗗𝗿𝗼𝗴𝗮 𝗮𝘆 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘆𝗮𝘄𝗮𝗻!".

Sa Digital Poster Making Contest, iniuwi ni Keoden Alwod ang ikalawang gantimpala, at si Ashley Pacyaya naman ay nakakuha ng isa sa sampung consolation prizes mula sa 39 na kalahok galing sa iba’t ibang mga paaralan ng Cordillera.

Samantala, sa Short Film Making Contest, napabilang sa tatlong ginawaran ng consolation prizes mula sa 20 na kalahok mula sa rehiyon ang Team Suntok. Ang Team Suntok ay binubuo nina Thomas Carl Cogasi, Matt Theo Orijenes, Jones Songguitan III, Aliyah Ibayan, Keith Otinguey, Axle Brix Garcia, John Lee Royo, Mark Contic, Nethaniah Malinias, at Jenny Grace Alcyang.

Bilang pagkilala sa kanilang mga tagumpay, tumanggap si Keoden Alwod ng plaka ng pagkilala at cash prize, habang sina Ashley Pacyaya at ang Team Suntok ay ginawaran ng mga sertipiko at cash prize.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng programang Youth’s Choice: A Drug-Free Life ng Department of the Interior and Local Government (DILG)–Cordillera Administrative Region (CAR) na naglalayong palakasin ang kamalayan at aktibong partisipasyon ng kabataan sa kampanya laban sa ilegal na droga.





Address

Padangaan

2618

Telephone

+639481499177

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Besao NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo Besao NHS:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share