11/01/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ก๐จ๐ ๐๐ฅ๐ข ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐:๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฟ๐ผ ๐ป๐ถ ๐๐ป๐ด. ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ ๐๐๐๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ผ
Sa bawat silid-aralan may isang liwanag na tila alingawngaw ng karunungan, isang pigura na animoโy balot ng mga numero. Sa bawat yapak ng kaniyang paa, sulat sa pisara, lumilitaw ang mga pormula na parang lihim na susi ng sansinukob. Siya ang aninong naging ilaw ng lahat, ma pa problema man sa totoong buhay o problem solving sa sipnayan.
๐๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐จ๐
Kabado,Umaasa at Puno ng adhika, ganyan mailalarawan ni Gng. Regina C. Estacio ang pagtahak niya sa landas noong 1988 patungo sa kaniyang Ikalawang tahanan, ang Don Eulogio de Guzman Memorial National Highschool. Dito sumibol ang isang binhi ng kaalaman sa lupang tigang ng kawalang-alam.
Siya ang g**ong tatlong dekadaโt pitong taong naging ilaw sa landas,gabay sa mga estudyanteng naghahanap ng direksiyon, at motibasyon na may pag-asa. Ang kaniyang tinig ay naging tulay ng binhi ng kinabukasan upang magpatuloy sa buhay at huwag iiwan ang mga pangarap.
๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ
Saksi ang dagat na bilang ng mga estudyante, bughaw na dami ng plano ng aralin, tintang hindi nauubos sa dami ng mga sinusuring papel, gabing walang pahinga at bulong na mga dasal bago harapin ang isang klase kung gaano niya sinakripisyo ang animnapung porsiyento ng kanyang buhay upang maghatid ng karunungan, hindi lamang numero,pormula at problema sa matematika ang kanyang ikrinus sa noo sa isipan ng bawat mag-aaral, bagkus, itinatak niya na magkaroon ng mahabang pasensiya, disiplina, pagtitiyaga at paniniwala.
๐๐๐ง๐๐๐ช๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐-๐๐๐๐
Mata ang bawat sulok ng paaralan kung paano nahanap ni Gng. Regina ang kaniyang kabiyak at kanlugan ng puso. Siya ay mula sa hilaga samantala, ang kaniyang kabiyak ay mula naman sa timog,pinatunayan nila na totoo ang katagang โTwo opposite poles,attractsโ at sa simpleng kataga, dumatal ang isang pag-ibig na tila magnetong humatak sa isaโt isa. Ang kanilang pagsasama ang gayagay na hihigit pa sa milyo-milyong numero.
๐๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ก ๐จ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ง๐ค
Noong Enero 9, 2025, galimgim ang pasasalamat sa g**o sa kaniyang paglalakbay. Sa kaloob-looban ng kaniyang diwa, unti-unting nabuo ang katagang โOnce a teacher, always a teacherโ. Phonemang bulong ng kaniyang puso. Nagpasalamat siya sa kaitaas-taasan, mga aninong sumporta sakaniya at higit sa lahat sa kaniyang kabiyak at pamilya. Sa kanila siya humugot ng lakas na nagpatibay na magpatuloy sa kabila ng sigwa ng panahon.
โG na ba kayo? Gina!โ Isang sigaw ng sigla, paalala ng kaniyang presensiya at iniukit na pasasalamat ng kaniyang ikalawang pamilya, isang banaag at lumbay na alaalang mananatili sa bawat puso ng kaniyang math faculty. Siya nagsilbing ina at taliba ng marami.
Hindi Paghumilpil sa Pagdilig.
Hindi lang ito kuwento ng pagbibigay aral, itoโy bukang-liwayway. Bawat parangal, kinaadmang ibinigay, at tinig na hindi nawawala, mas marami pang estranghero ang matututo. Hindi ito pahimakas kundi, umpisa ng bagong bulaos. At sa bawat pagyapak, isang bagay ang hindi maaninag, hindi maglalaho ang ang kaniyang paninindigan sa pagtuturo.