Cong. Horacio "Toto" Suansing, Jr.

Cong. Horacio "Toto" Suansing, Jr. Official page of Congressman Horacio "Toto" P. Suansing, Jr. (2nd District, Sultan Kudarat)

Sa aking mga kababayan sa Ikalawang Distrito ng Sultan Kudarat, maraming, maraming salamat po sa dakilang karangalan na ...
30/06/2025

Sa aking mga kababayan sa Ikalawang Distrito ng Sultan Kudarat, maraming, maraming salamat po sa dakilang karangalan na maglingkod bilang inyong Kinatawan sa Kongreso.

Sa bagong yugto na ito, asahan niyo po: tuloy pa rin ang TOTOong Serbisyo!

CONGRESSMAN HORACIO "TOTO" PALMA SUANSING. JR
-District Representative, 2nd District of Sultan Kudarat (2016-2025)
-Senior Vice Chairperson, House Committee on Legislative Franchises
-Vice Chairperson, House Committee on Appropriations (Department of Finance, Department of National Defense)
-Vice Chairperson, House Committee on Economic Affairs
-Vice Chairperson, House Committee on Public Order and Safety

To God be the glory!

ESTABLISHMENT NG LTO DISTRICT OFFICE SA KALAMANSIG, BATAS NA!Good news po sa ating mga kababayan sa Kalamansig, Lebak, P...
07/05/2025

ESTABLISHMENT NG LTO DISTRICT OFFICE SA KALAMANSIG, BATAS NA!

Good news po sa ating mga kababayan sa Kalamansig, Lebak, Palimbang at Senator Ninoy Aquino! Nalagdaan na po bilang batas ni Pangulong Marcos ang ating panukalang pagkakatatag ng isang LTO District Office sa Bayan ng Kalamansig!

Sa paglalagda ng Republic Act No. 12165 (dating House Bill No. 9654 at House Bill No. 7238), matatatag na ang isang LTO District Office sa Kalamansig, kung saan maaari nang magparehistro at magpa-renew ng mga lisensya, magparehistro ng mga sasakyan at PUV at mag-apply ng permit at prangkisa ng PUV, at iba pang mga serbisyo ng LTO.

Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng naging parte ng tagumpay na ito: sa ating mga kasama sa Kongreso, sa Senado, kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa mga local leaders natin sa distrito at sa Bayan ng Kalamansig na sumuporta sa ating panukalang ito.

Mabuhay ang Kalamansig! Mabuhay ang Ikalawang Distrito ng Sultan Kudarat!

Muli po tayong pinagkatiwalaan ng liderato ng Kongreso at ng Department of National Defense (DND) para maging Sponsor ng...
14/09/2024

Muli po tayong pinagkatiwalaan ng liderato ng Kongreso at ng Department of National Defense (DND) para maging Sponsor ng DND Fiscal Year 2025 National Budget.

Dumalo tayo sa Fiscal Year 2025 Pre-Plenary Budget Briefings ng Department of National Defense, Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy, Office of Strategic Assessment and Planning (OUSSAP), Office of Capability Assessment and Development (OUSCAD), Office of Acquisition and Resource Management (OUSARM) and Organizational Planning and Institutional Resource Management (OPIRM).

Ating nakasama sa briefings ang mga opisyal ng Department of National Defense sa pangunguna ni Sec. Gilberto "Gibo" C. Teodoro Jr. , Undersecretary of National Defense Irineo C. Espino, AFP Vice Chief of Staff Lt Gen Arthur M. Cordura (PAF), Commanding General of Philippine Army Lt Gen Roy M. Galido (PA), Commanding General of Philippine Airforce Lt Gen Stephen P. ParreƱo (PAF), Flag Officer-in-Command VADM Toribio D. Adaci Jr, (PN), Undersecretary for Civil Veteran and Reserve Affairs Pablo M. Lorenzo, Assistant Secretary for Financial Management, Mr. Gavin D. Edjawan, at iba pang senior officials ng DND.

Nagpapasalamat tayo sa tiwala ng DND at ng Kongreso sa atin bilang Sponsor ng 2025 National Budget. Ating sisiguraduhin ang mabilisang pagpasa ng budget para sa pagpopondo ng mga programa, proyekto at operasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas para sa susunod na taon.

Sa ikaanim na kasunod na taon, tayo ay muling pinagkatiwalaan ng liderato ng Kongreso at ng Department of Finance (DOF) ...
05/09/2024

Sa ikaanim na kasunod na taon, tayo ay muling pinagkatiwalaan ng liderato ng Kongreso at ng Department of Finance (DOF) para maging Principal Sponsor ng Fiscal Year 2025 National Budget ng DOF, Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs, Bureau of Treasury at iba pang attached agencies ng DOF.

Pinangunahan natin ngayong linggo ang Fiscal Year 2025 Pre-Plenary Budget Briefings ng Department of Finance, BIR, Bureau of Customs, Bureau of Treasury, Bureau of Local Government Finance, Privatization and Management Office, Securities and Exchange Commission (SEC), Insurance Commission (IC), Philippine Tax Academy, National Tax Research Center, Central Board of Assessment Appeals (CBAA), Development Bank of the Philippines (DBP), at Land Bank of the Philippines (LBP), at ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Bilang Principal Sponsor ng DOF, kasalukuyan nating sinisiyasat at sinusuri ang ating national tax revenue collections, implementasyon ng revenue collection programs, pagpapatupad ng enforcement programs laban sa tax evasion, illicit trade at smuggling, at mga kasalukuyang loan agreements ng ating gobyerno sa domestic at international creditors.

Ating nakasama sa briefings ang mga opisyal ng Department of Finance sa pangunguna ni Sec. Ralph Recto, ang mga opisyal ng BIR sa pangunguna ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang mga opisyal ng Bureau of Customs sa pangunguna ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, at iba pang mga opisyal ng attached agencies ng DOF.

Nagpapasalamat tayo sa tiwala ng DOF at ng Kongreso sa atin bilang Principal Sponsor ng 2025 National Budget ng Department of Finance. Ating sisiguraduhin ang malapitang pagsusuri ng mga proyekto at programa para sa taong 2025 para sa mas epektibong pagpopondo ng mga programang pangkaunlaran ng ating bansa

Opisyal nating naiturnover ang ating bagong 2-Storey Multi-Purpose Building (MPB) sa Barangay Kangkong sa Bayan ng Esper...
30/08/2024

Opisyal nating naiturnover ang ating bagong 2-Storey Multi-Purpose Building (MPB) sa Barangay Kangkong sa Bayan ng Esperanza.

Pinangunahan ng ating Chief of Staff, Ma'am Bella Suansing, ang turnover ng ating bagong MPB na dinaluhan ng mga opisyal at empleyado ng Kangkong BLGU, sa pamumuno ni Hon. Melchor Tagle.

Congratulations, Brgy. Kangkong! Asahan po natin ang patuloy ng mga proyekto at programa para sa ating mga kababayan sa Esperanza.

Pormal nating naiturnover ang ating bagong mga Multi-Purpose Buildings (MPBs) sa ating mga paaralan sa Bayan ng Esperanz...
28/08/2024

Pormal nating naiturnover ang ating bagong mga Multi-Purpose Buildings (MPBs) sa ating mga paaralan sa Bayan ng Esperanza at sa Bayan ng Senator Ninoy Aquino.

Pinangunahan ng ating Chief of Staff, Ma'am Bella Suansing, ang turnover ng ating bagong MPBs sa mga paaralan ng Esperanza at Senator Ninoy Aquino: sa New Panay Elementary School sa Brgy. New Panay, sa Malok Integrated School sa Brgy. Daladap, sa Numo Integrated School sa Brgy. Numo, at sa Kulaman Central Elementary School sa Brgy. Kulaman.

Asahan ng ating mga mag-aaral na patuloy ang ating pagpundar sa mga proyekto at programa para sa paglinang ng kanilang husay at kakayahan.


Opisyal nating naipamahagi ang toolkits para sa ating mga bagong TESDA scholars mula sa Bayan ng Lebak at Bayan ng Kalam...
24/08/2024

Opisyal nating naipamahagi ang toolkits para sa ating mga bagong TESDA scholars mula sa Bayan ng Lebak at Bayan ng Kalamansig.

Natanggap ng ating bagong scholars sa Cookery NC II, Driving NC II, Carpentry NC II at Plant Crops TESDA programs ang kanilang mga toolkits sa isang maikling pagtitipon sa Kalamansig LGU Complex noong nakaraang linggo.

Maraming salamat sa TESDA Sultan Kudarat Provincial Office, sa pangunguna ni Provincial Director Dr. Amor B. Pendaliday, at sa Kalamansig Local Government Unit, sa pangunguna ni Mayor Joaquin Co**ha at Vice Mayor Leslie Caberte, na kasama natin sa ating turnover ceremony.

Congratulations sa ating bagong scholars!


Opisyal nating naibigay ang isang set ng hand tractor at trailer sa mga miyembro ng Obial Farmers Irrigators Association...
09/07/2024

Opisyal nating naibigay ang isang set ng hand tractor at trailer sa mga miyembro ng Obial Farmers Irrigators Association, Inc. mula sa Bayan ng Kalamansig.

Bahagi po ito ng ating pangkabuhayan program para sa mga farmers' associations (FAs) sa ating distrito sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Ang ating pasasalamat sa DOLE Regional Office XII, sa pangunguna ni Regional Director Joel Gonzales, na ating kaakibat sa pagbibigay ng karagdagang programa para sa ating mga magsasaka sa Ikalawang Distrito ng Sultan Kudarat

Nakapagbigay po tayo ng mga gamot (vitamins, antihistamine, supplements, cold at cough medicines, atbp.) at medical equi...
05/07/2024

Nakapagbigay po tayo ng mga gamot (vitamins, antihistamine, supplements, cold at cough medicines, atbp.) at medical equipment sa ating mga barangay sa Bayan ng Lebak.

Opisyal nating naiturnover ang ating mga gamot at medical equipment sa mga barangay council at mga barangay health worker (BHW) ng 9 barangay sa Lebak: sa Keytodac, Nuling, Pansud, Poblacion 2 (Aurelio F. Freires, Sr.), Poblacion 3, Salangsang, Taguisa, Tibpuan, at Villamonte.

Ang ating pamimigay ng mga gamot at medical equipment ay parte ng ating adbokasiyang gawing abot-kamay ang serbisyo medikal sa ating mga barangay, lalong-lalo sa ating mga komunidad sa upper valley

Isang karangalan po ang pag-imbita sa atin bilang Commencement Speaker ng 33rd Commencement Exercises ng Sultan Kudarat ...
02/07/2024

Isang karangalan po ang pag-imbita sa atin bilang Commencement Speaker ng 33rd Commencement Exercises ng Sultan Kudarat State University - Kalamansig Campus.

Ang ating pasasalamat kay SKSU President (OIC) Jesusa D. Ortuoste, Ph.D, at kay SKSU Kalamansig Campus Director Geraldine P. Quillo, Ph.D, sa oportunidad na maging kasapi sa okasyon na ito.

Congratulations sa ating bagong graduates! Laging tatandaan: always persist, always persevere, always look forward to what you will achieve next. Be hungry for knowledge: wake up wanting to learn. Keep your family in your heart, and keep the commandments of the LORD in all that you do. Padayon!

Naibigay na natin sa ating bagong batch ng beneficiaries mula sa Bagumbayan ang ating mga Kabuhayan Starter Kits noong n...
02/05/2024

Naibigay na natin sa ating bagong batch ng beneficiaries mula sa Bagumbayan ang ating mga Kabuhayan Starter Kits noong nakaraang Lunes.

Sa ilalim ng ating pondo sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), nakatanggap ang mga maliliit na negosyante at freelance workers ng Bagumbayan ng mga livelihood kit para sa iba't ibang mga negosyo, tulad ng alamang production, banana cue vending, bakery, barbecue vending, batchoyan, kakanin production, bigasan, carinderia, snack house, vulcanizing services and welding services.

Nagpapasalamat tayo sa mga kawani ng DOLE Sultan Kudarat Provincial Field Office, sa pangunguna ni DOLE SK Provincial Officer Mary Jane C. Hoksuan, sa BLGU South Sepaka, ang ating Accredited Co-Partner, sa pangunguna ni Kap. Audy Gancho, sa mga barangay officials ng Bagumbayan, at sa mga miyembro ng ating congressional district office, sa pangunguna ng Chief of Staff ng Congressional Office ng Ikalawang Distrito ng Sultan Kudarat, Ms. Bella Suansing, na siyang nagpaposible ng ating pamimigay ng livelihood kits sa ating mga kababayan sa Bagumbayan.

Congratulations po sa lahat ng beneficiaries! Hangad po natin na makatulong ang karagdagang puhunang ito para sa pagpapaunlad ng inyong mga negosyo.

Address

House Of Representatives, Room 418, South Wing, HOR Complex
Batasan Hills
1126

Opening Hours

Monday 10am - 6pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cong. Horacio "Toto" Suansing, Jr. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Cong. Horacio "Toto" Suansing, Jr.:

Share