29/08/2026
NATATANGING LOCAL YOUTH DEVELOPMENT OFFICER - 2ND PLACE๐๐
Taos-pusong pagbati kay Ms. Genise Ellen N. Monter, Chief of Municipal Youth Development Office (MYDO) ng Bataraza, sa kanyang natatanging pagkilala bilang Natatanging Local Youth Development Officer โ 2nd Place, mula sa kabuuang 23 munisipalidad sa Lalawigan ng Palawan.
Ang parangal ay iginawad sa ginanap na Gawad Parangal noong Agosto 26, 2026, sa VJR Hall, Provincial Capitol, Puerto Princesa City.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanyang mahusay at tapat na paglilingkod, matatag na pamumuno, at walang sawang dedikasyon sa pagtataguyod ng kapakanan, partisipasyon, at pag-unlad ng kabataang Batarazeรฑo.
Ang iyong tagumpay ay hindi lamang karangalan ng Municipality of Bataraza at ng Municipal Youth Development Office, kundi isang inspirasyon din sa lahat ng mga kabataan at mga naglilingkod para sa sektor ng kabataan.
Maraming salamat at congratulations, Ms. Genise! ๐ฅณ๐
Patuloy mong ipinapakita na sa pamamagitan ng dedikasyon, malasakit, at mahusay na paglilingkod, tunay na makakamit ang pagkilala at mas maraming tagumpay para sa kabataan.๐