Office of the City Market Administrator - City of Calaca

Office of the City Market Administrator - City of Calaca Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of the City Market Administrator - City of Calaca, Government Organization, Poblacion 4, City of Calaca, Batangas.

Isinagawa po ang pagsasaayos at paglilinis ng garbage pick-up point sa ating pamilihan. Ang hakbang na ito ay naglalayon...
10/06/2026

Isinagawa po ang pagsasaayos at paglilinis ng garbage pick-up point sa ating pamilihan. Ang hakbang na ito ay naglalayong masiguro ang wastong pagbubukod (waste segregation) ng mga basura at mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran.

Patuloy po kaming nananawagan at nakikiusap sa lahat ng ating mga vendor na ugaliin ang tamang pagtatapon at pagbubukod ng mga basura. Ang kalinisan ng ating pamilihan ay repleksyon ng ating pagkakaisa at disiplina. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!


Happy Birthday! Mr. Marcelino B. De Roxas, thank you for your commitment and service. Wishing you a wonderful year ahead...
02/06/2026

Happy Birthday! Mr. Marcelino B. De Roxas, thank you for your commitment and service. Wishing you a wonderful year ahead 🎂🎈🧡

Happy Birthday, Ms. Angela Ramos Delos Reyes ! Wishing you good health, happiness, and continued success in your meaning...
31/05/2026

Happy Birthday, Ms. Angela Ramos Delos Reyes ! Wishing you good health, happiness, and continued success in your meaningful service and achievements.🎂🎈🧡

From: Market Office Family 🧡

Ang Fish Section ay kasalukuyan pong isinasaayos at sinisemento ng ating masisipag na market sweepers! Ang gawaing ito a...
26/05/2026

Ang Fish Section ay kasalukuyan pong isinasaayos at sinisemento ng ating masisipag na market sweepers! Ang gawaing ito ay para matiyak na maayos ang daloy ng tubig sa drainage, maiwasan ang pagbaha, at higit sa lahat, masiguro na ligtas ang lalakaran ng ating mga mamimili.
Mukha man silang walang kapaguran, sa gabi po ito ginagawa ng ating mga sweepers pagkatapos ng maghapong paglilinis para hindi maapektuhan ang pangkabuhayan ng ating mga vendors at ang komportableng pamimili ng publiko.
Kaya naman, patuloy po kaming nakikiusap sa ating mga minamahal na vendor: makiisa po tayo. Ang malinis at ligtas na pamilihan ay tagumpay nating lahat!

Isang taos-pusong pagpupugay at pagkilala ang ipinapaabot kay G. Alejandro Arenas, isang masipag na empleyado ng Calaca ...
21/05/2026

Isang taos-pusong pagpupugay at pagkilala ang ipinapaabot kay G. Alejandro Arenas, isang masipag na empleyado ng Calaca City Public Market Office.

Ipinamalas ni G. Arenas ang isang kahanga-hangang katapatan nang muli niyang isauli ang isang unit ng Samsung A12 cellphone na kanyang natagpuan sa kahabaan ng National Highway, City of Calaca, Batangas.

Maraming salamat G. Arenas, sa iyong katapatan na nagpapatunay ng tunay na karakter ng isang tapat na lingkod-bayan. Nawa'y ang iyong mabuting gawa ay magsilbing inspirasyon at tularan ng bawat Calacazen!

14/05/2026
Happy Mother’s Day to our amazing Dra. Sharon Ona 🧡  — a devoted mother and a true inspiration to our community. May you...
10/05/2026

Happy Mother’s Day to our amazing Dra. Sharon Ona 🧡 — a devoted mother and a true inspiration to our community. May you always be blessed with good health, happiness, strength, and endless love in return for all the care and kindness you share with others. 💐🧡

Sa patuloy na paglalayon na mapanatili ang kalinisan, magkatuwang ang Market Office at Provincial Veterinary Office na n...
09/05/2026

Sa patuloy na paglalayon na mapanatili ang kalinisan, magkatuwang ang Market Office at Provincial Veterinary Office na nagsagawa ng isang komprehensibong microbial swabbing sa local na slaughterhouse at meat market stalls. Ang microbial swabbing ay isang siyentipikong paraan upang masuri ang presensya ng mga mapanganib na bacteria na maaaring magdulot ng food poisoning.

Binigyang-diin sa operasyong ito ang pagsusuri sa mga high-touch surfaces o ang mga kagamitang madalas hawakan at direktang nadidikit sa karne, kabilang ang lamesang pangkatay at tadtaran, mga kutsilyo at gamit sa panghiwa at mga meat hooks. Ang resulta ng pagsusuring ito ay magsisilbing basehan para sa lalo pang pagpapahusay ng ating mga sanitation protocols.

Bilang bahagi ng ating komitment sa mataas na antas ng serbisyo, ang Calaca City Public Market ay rmasusing isinailalim ...
08/05/2026

Bilang bahagi ng ating komitment sa mataas na antas ng serbisyo, ang Calaca City Public Market ay rmasusing isinailalim sa deep cleaning at flushing operations, partikular na sa wet section. Ang hakbang na ito ay hindi lamang isang simpleng paglilinis, kundi isang estratehikong paraan upang matiyak ang food safety, mapuksa ang mga mikrobyo, at mapanatili ang kaayusan ng pasilidad. Sa pamamagitan ng pagpapanatiling higit na malinis at ligtas ang paligid, binibigyan natin ng kapanatagan ang bawat magtitinda sa kanilang hanapbuhay at tinitiyak ang proteksyon sa kalusugan ng bawat mamimiling Calacazen."



Address

Poblacion 4, City Of Calaca
Batangas
4212

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the City Market Administrator - City of Calaca posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share