Brgy Trese

Brgy Trese Official FB page of Brgy. 13, Poblacion 1, Tingloy, Batangas

A community page for Trese residents

BARANGAY 13, POBLACION I, TINGLOY, BATANGASFLAG CEREMONY πŸ‡΅πŸ‡­ | FIRST REGULAR SESSIONJune 01, 2026 ☝🩡 Sa Trese May Puso An...
01/06/2026

BARANGAY 13, POBLACION I, TINGLOY, BATANGAS
FLAG CEREMONY πŸ‡΅πŸ‡­ | FIRST REGULAR SESSION
June 01, 2026

☝

🩡 Sa Trese May Puso Ang Serbisyo 🩡

πŸ“’ PAANYAYA PARA SA ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS)Magandang araw po sa ating mga kabarangay!Inaanyayahan po ang mga na...
01/06/2026

πŸ“’ PAANYAYA PARA SA ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS)

Magandang araw po sa ating mga kabarangay!

Inaanyayahan po ang mga nagnanais na ipagpatuloy at makumpleto ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).

βœ… Para sa mga hindi nakatapos ng Elementarya- 13 years old pataas

βœ… Para sa mga nakatapos ng Elementarya ngunit hindi nakapag-Junior High School (High School) – 16 taong gulang pataas

βœ… Para sa mga nagtapos ng Junior High School ngunit hindi nakapag-Senior High School – 19 taong gulang pataas

Ang ALS ay isang programang pang-edukasyon na nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan at matatanda na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang mga mithiin.

πŸ“Œ Para sa mga interesadong magpalista o magtanong, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng Barangay.

Edukasyon ay para sa lahat. Huwag palampasin ang pagkakataong makapag-aral at makapagtapos.

✨ Magandang gabi po! SA ATING MGA KABARANGAY TRESE . πŸ“Œ Deadline ng palista: May 27 hanggang 12NoonπŸ“‹Date and Time of Dist...
26/05/2026

✨ Magandang gabi po! SA ATING MGA KABARANGAY TRESE .

πŸ“Œ Deadline ng palista: May 27 hanggang 12Noon

πŸ“‹Date and Time of Distribution: May 29 @ 7:00AM

πŸ“ Place of Distribution: Barangay 14 Covered Court

πŸ“£ REMINDERS FOR CLAIMANT/REPRESENTATIVE:

βœ… ONE per family
βœ… Must be 18yrs old and above
βœ… Must be a registered voter OF OUR BARANGAY
βœ… PERSONAL APPEARANCE IS A MUST on May 29,2026 | 7:00AM

πŸ™ Maraming salamat po.

BARANGAY 13, POBLACION I, TINGLOY, BATANGASFLAG CEREMONY πŸ‡΅πŸ‡­ | FIRST REGULAR SESSIONMAY 04, 2026Isinagawa nang maayos at ...
04/05/2026

BARANGAY 13, POBLACION I, TINGLOY, BATANGAS
FLAG CEREMONY πŸ‡΅πŸ‡­ | FIRST REGULAR SESSION
MAY 04, 2026

Isinagawa nang maayos at matagumpay ang Flag Ceremony kasabay ng Unang Regular na Sesyon ng Sangguniang Barangay ng Barangay 13, Poblacion I, Tingloy, Batangas nitong ika-04 ng Mayo, 2026. Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng buong Sangguniang Barangay, katuwang ang mga masisipag at aktibong Volunteers ng barangay.

Sa pangunguna ng masipag at dedicated na Punong Barangay, Kgg. Andival Mandanas , naging maayos ang daloy ng programa na naglalayong patatagin ang pagkakaisa, disiplina, at patuloy na paglilingkod sa mamamayan. Tinalakay rin sa isinagawang sesyon ang mahahalagang usapin, programa, at mga hakbangin na nakatuon sa kaayusan, kaunlaran, at kapakanan ng buong barangay.

Nagkaroon din ng pormal na pagtanggap at pagbati kay Konsehal Gregorio D. De Leon bilang bagong talagang Barangay Kagawad, gayundin kay Gng Maricris D. Petilo bilang bagong BHW ng Barangay 13, Poblacion 1. Sila ay malugod na tinanggap ng buong Sangguniang Barangay at iba pang dumalo sa sesyon, bilang pagkilala sa kanilang panunungkulan at magiging ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng barangay.

☝

🩡 Sa Trese May Puso Ang Serbisyo 🩡

Kanina  ginanap Ang "Buntis Congress" sa Barangay San Juan Tingloy Batangas.  Taos-pusong nagpapasalamat sa ating Punong...
02/05/2026

Kanina ginanap Ang "Buntis Congress" sa Barangay San Juan Tingloy Batangas.

Taos-pusong nagpapasalamat sa ating Punong Barangay ,Kgg. Andival Mandanas sa lahat ng masisipag na Barangay Health Workers (BHW) ng Barangay Trese dahil sa aktijong ninyonh pakikiisa sa lahat Ng aktibidad Hindi lamang dito sa ating barangay kundu pati na Rin sa buong bayan Ng TINGLOY. Ang inyong walang sawang paglilingkod, sipag, at malasakit sa ating komunidad ay tunay na kahanga-hanga.

Taos-pusong din pasasalamat din Ang ipinapaabot Ng Buong Sangguiang Barangay and Volunteers Kay Gng.Jessa De Chavez bilang representative ng Barangay 13 sa kanyang aktibong pakikiisa at dedikasyon sa nasabing aktibidad (Buntis Congress).

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programang pangkalusugan at iba pang aktibidad ng barangay.

Mabuhay ang lahat ng volunteers ng Barangay Trese! πŸ’™

πŸ’™Sa Trese May Puso Ang Serbisyo πŸ’™

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating masisipag na Barangay Officials at mga Volunteers sa pangunguna  ng Masipag na Pu...
02/05/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating masisipag na Barangay Officials at mga Volunteers sa pangunguna ng Masipag na Punong Barangay na si Kgg. Andival Mandanas , na walang sawang naglaan ng oras, lakas, at pagtutulungan upang maisakatuparan ang pansamantalang daanan sa Purok Jade.

Sa kabila ng init at hirap ng trabaho, pinatunayan ninyo na ang tunay na malasakit at bayanihan ay nananatiling buhay sa ating komunidad. Dahil sa inyong sipag at tiyaga, mas naging maayos at ligtas ang pagdaan ng ating mga kabarangay, at ito ay makatutulong lalo na sa pagdating ng tag-ulan upang hindi na mahirapan ang pagdaan ng mga tao, mga motor, at mga tricycle.

Ang proyektong ito ay hindi lamang isang simpleng daanan, kundi isang malinaw na simbolo ng pagkakaisa at malasakit ng bawat isa para sa kapakanan ng buong barangay.

Maraming salamat po at mabuhay ang ating barangay! ,πŸ’™πŸ‘

πŸ’™Sa Trese May Puso Nag Serbisyo πŸ’™

🚫 BAWAL INUMAN SA KALSADA, BAWAL TOPLESS SA KALYE  Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ...
09/04/2026

🚫 BAWAL INUMAN SA KALSADA, BAWAL TOPLESS SA KALYE

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin sa ilalim ng β€œSafer Cities Initiative” ay unang ipatutupad sa Metro Manila.

Kabilang sa mga tututukan:
βœ”οΈ Pagbabawal ng inuman at sugal sa pampublikong lugar
βœ”οΈ Disiplina sa kalye at pampublikong kaayusan
βœ”οΈ Mas ligtas at maayos na kapaligiran

πŸ“Œ Layunin nito na gawing mas ligtas at disiplinado ang mga lungsod, at maaaring magsilbing gabay sa iba pang lugar sa bansa.

πŸ”— Basahin ang buong detalye:
https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/982744/dilg-alcohol-gambling-ban-other-measures-to-be-strictly-implemented/story/

BARANGAY 13, POBLACION I, TINGLOY, BATANGASFLAG CEREMONY πŸ‡΅πŸ‡­ | FIRST REGULAR SESSIONAbril 06, 2026Isinagawa nang maayos a...
07/04/2026

BARANGAY 13, POBLACION I, TINGLOY, BATANGAS
FLAG CEREMONY πŸ‡΅πŸ‡­ | FIRST REGULAR SESSION
Abril 06, 2026

Isinagawa nang maayos at matagumpay ang Flag Ceremony kasabay ng Unang Regular na Sesyon ng Sangguniang Barangay ng Barangay 13, Poblacion I, Tingloy, Batangas nitong ika-06 ng Abril 2026. Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng buong Sangguniang Barangay, katuwang ang mga masisipag at aktibong Volunteers ng barangay.

Sa pangunguna ng masipag at dedicated na Punong Barangay, Kgg. Andival Mandanas , naging maayos ang daloy ng programa na naglalayong patatagin ang pagkakaisa, disiplina, at patuloy na paglilingkod sa mamamayan. Tinalakay rin sa isinagawang sesyon ang mahahalagang usapin, programa, at mga hakbangin na nakatuon sa kaayusan, kaunlaran, at kapakanan ng buong barangay.

☝

🩡 Sa Trese May Puso Ang Serbisyo 🩡

BARANGAY ASSEMBLY DAY!  1ST SEMESTER CY.2026MARCH 21,2026Lubos po ang pasasalamat ng buong pamunuan ng Barangay 13, Pobl...
22/03/2026

BARANGAY ASSEMBLY DAY!
1ST SEMESTER CY.2026
MARCH 21,2026

Lubos po ang pasasalamat ng buong pamunuan ng Barangay 13, Poblacion 1, Tingloy, Batangas sa pamumuno ng ating Masipag at dedicated na Punong Barangay, Kgg. Andival Mandanas , kasama ang mga Barangay Officials at Volunteers, sa lahat ng dumalo at naging bahagi ng ating Barangay Assembly para sa unang semestre ng taong 2026.

Taos-puso rin po ang aming pasasalamat Punong bayan Ng TINGLOY Ang ating Mayor Hon. Larry Alvarez, Gayundin sa ating Vice Mayor Dra. Mikee Alvarez at Kay ABC President Hon. Amy Alvarez, at sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan kila
Hon. Danny Datingaling
Hon. Ryan Navarro
Hon. Victoria Martinez at
Hon. Alex Magsino
MLGOO/DILG OFFICER SIR PEDRYAN CRIS M. MENDOZA

Gayundin po ang aming pasasalamat kay PMAJ Richard De Guzman
Municipal Agriculture Officer Sir Moris Ramos, at sa
Philippine Coast Guard Tingloy sa pamumuno ni Substation Commander Sir Gary Famenia kasama si Sir Zayco.

Higit sa lahat, maraming salamat po sa ating mga residente sa patuloy ninyong suporta at pakikiisa sa ating barangay.

Maraming maraming salamat po at mabuhay po tayong lahat!

πŸ’™ Sa Trese May Puso Ang Serbisyo πŸ’™

Magandang buhay po mga ka-barangay...Malugod po namin kayo inaanyayahan, sa gaganaping Barangay Assembly bukas March 21,...
20/03/2026

Magandang buhay po mga ka-barangay...
Malugod po namin kayo inaanyayahan, sa gaganaping Barangay Assembly bukas March 21, 2026 sa oras na 7:30 ng umaga....

Inaasahan po namin ang inyong pagdalo maraming salamat po 😊😊

🩡 Sa Trese May Puso Ang Serbisyo 🩡

Address

Brgy. 13, Poblacion 1, Tingloy
Batangas
4203

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Trese posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share