27/05/2026
PAUNAWA PAMPUBLIKONG ANUNSYO
Ipinababatid sa lahat na magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng daan sa mga sumusunod na bahagi ng Barangay dahil sa isinasagawang paglalatag ng aspalto:
• Bahagi ng daan sa Purok 5 mula sa area ni Konsehal Agbing hanggang sa manggahan;
• Bahagi ng daan sa tapat nina Virgilio Banaag patungo sa Rosales Bakery; at
• Bahagi ng daan sa tapat ng tahanan ni Gng. Ana De Castro.
Ang mga nasabing daan ay pansamantalang isasara hanggang sa susunod na abiso (until further notice).
Pinapayuhan ang lahat na gumamit ng alternatibong ruta at makiisa upang mapanatili ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko habang isinasagawa ang proyekto.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.