Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes

Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes House of Representatives, 3rd District of Batangas

29/05/2026
29/05/2026

Kasama ang ating mga kapwa mambabatas, kaisa tayo sa panawagang ! 🇵🇭

Kamakailan lamang, mga kababayan, nagkaroon ng aerial inspection at site visit sa Northern Sierra Madre kaugnay ng isinusulong na panukalang batas na House Bill No. 3538 ni House Speaker Faustino "Bojie" Dy III.

Layunin nitong bumuo ng Sierra Madre Conservation and Development Authority (SMCDA) na mangunguna at mangangasiwa sa proteksyon ng mga bulubundukin.

Batid naming madalas nating nababasa na ito ang backbone ng Luzon, sa katunayan nagsisilbi itong panangga sa mga bagyong tumatama sa bansa—napahina nito ang ilan sa mga strongest typhoons in history tulad ng Super Typhoon Lawin noong 2016 at ang hangin ng Typhoon Ompong noong 2018.

Gayunpaman, nahaharap ang Sierra Madre sa banta ng deforestation at illegal logging.

Bilang miyembro ng Committee on Government Enterprises and Privatization, we humbly support the establishment ng SMCDA, not just in these present times, but also for the generations to come.

Para sa mga kababayan ko sa Ikatlong Distrito, para sa bawat Pilipino.

29/05/2026

Mga kababayan, noong May 13, opisyal nating inihain ang mga House Bill para sa ecotourism sites sa Bayan ng Cuenca at Lungsod ng Tanauan! 🇵🇭

Isa sa mga tungkulin natin bilang representante ay bumuo ng mga panukalang batas na benepisyal para sa ating mga ka-distrito—ito'y hindi lamang para sa turismo, ito ay para pangalagaan ang likas na yaman na nagbibigay ng hanapbuhay at nagpapatatag ng ekonomiya sa mga lugar sa Ikatlong Distrito.

Ating panawagan ang suporta ng ating mga kababayan para rito, tulad ng natanggap nating tiwala nang isulong natin ang Taal Volcano Protected Landscape Authority (TVPLA) at Taal Lake Development Authority (TLDA).

Mabuhay ang Ikatlong Distrito ng Batangas! Mabuhay ang Inang Bayang Pilipinas!


26/05/2026
Sa aking pinakamamahal na kabiyak, katuwang sa buhay at sa serbisyong-publiko, maligayang kaarawan, Sonny!Sa mahigit lim...
04/05/2026

Sa aking pinakamamahal na kabiyak, katuwang sa buhay at sa serbisyong-publiko, maligayang kaarawan, Sonny!

Sa mahigit limang dekada na tayo’y magkasama, at sa bawat taong lumipas, lalo kong napatunayan ang lalim ng iyong pagmamahal hindi lang sa ating pamilya, kundi sa bayan at mg mamamayang buong puso mong pinaglilingkuran. Saksi ako sa kabutihan ng iyong puso, sa iyong walang kapagurang pag-aaruga, at sa dedikasyong hindi kailanman natitinag, anumang oras o sitwasyon.

Hindi sapat ang salitang “salamat” upang masuklian ang lahat ng iyong sakripisyo at pagmamahal. Para sa akin, sa ating pamilya, at sa napakaraming taong iyong natutulungan, ikaw ay tunay na biyaya, at ika nga nila’y aking “lucky charm” at pinakamahalagang handog sa buhay na ito.

Sa espesyal na araw na ito, ang aking taos-pusong dasal ay ang iyong patuloy na kalakasan at kalusugan. Nawa’y patuloy kang gabayan ng Maykapal at manatiling inspirasyon sa nakararami.

Happy Birthday to the greatest man that I know, Mayor Sonny Perez Collantes! We love you❤️

Address

J. Gonzales Street, Barangay 4, Tanauan City
Batangas
4232

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share