Atty. King Collantes

Website

Atty. King Collantes 3rd Legislative District of Batangas Representative

Kaisa ang ating mga kababayan, ating binibigyang pugay ang ika-161 kaarawan ni Heneral Miguel Malvar—isang Batangueñong ...
27/09/2026

Kaisa ang ating mga kababayan, ating binibigyang pugay ang ika-161 kaarawan ni Heneral Miguel Malvar—isang Batangueñong nag-alay ng kanyang tapang para sa bayan.

Ang araw na ito ay isang paalala sa marka niya sa ating kasaysayan higit lalo ang esensya ng pagmamahal sa Inang Bayang Pilipinas.

Nawa’y manatiling buhay ang kanyang legasiya. Muli, maligayang ika-161 anibersaryo ng kapanganakan, Heneral Malvar! 🇵🇭

Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II katuwang ang TESDA para sa ating mga ka-distrito!
26/09/2026

Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II katuwang ang TESDA para sa ating mga ka-distrito!

Attendance check—tayo’y narito po sa House of Representatives ngayon.Kasalukuyang gumugulong ang pagdinig sa budget ng b...
25/09/2026

Attendance check—tayo’y narito po sa House of Representatives ngayon.

Kasalukuyang gumugulong ang pagdinig sa budget ng bawat departamento at ahensya ng pamahalaan.

Parte ng ating tungkulin ay siguruhing mailalaan ang bawat sentimo sa mga bagay na kapaki-pakinabang para sa ating mga kababayan.

Maaari niyo pong mapanood ang nangyayari ngayon sa loob ng plenaryo rito: https://www.facebook.com/share/v/1KdBqmysaQ/?mibextid=wwXIfr

Habang tayo’y abala sa mga gawain sa House, sinisigurado ng ating tanggapan na hindi maaantala ang paghahatid ng mga pro...
25/09/2026

Habang tayo’y abala sa mga gawain sa House, sinisigurado ng ating tanggapan na hindi maaantala ang paghahatid ng mga programa ng Pamahalaang Nasyunal.

Katuwang ang mga Local Government Unit (LGU) at mga kawani ng Department of Social Welfare and Development - DSWD, inihatid sa mga benepisyaryo ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Maraming salamat po sa mga kaagapay natin sa araw nito tulad nina Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes at former Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes.

Madalas, sinusukat natin ang 'success' sa buhay kung gaano kataas ang ating marka sa eskwela, kung tayo ay may medalya o...
25/09/2026

Madalas, sinusukat natin ang 'success' sa buhay kung gaano kataas ang ating marka sa eskwela, kung tayo ay may medalya o pagkilala, o kung ano pang materyal na bagay.

Pero, PUP Sto.Tomas Class of 2026 at para na rin sa bawat isang makakabasa nito, ang tunay na tagumpay ay nasusukat sa mga taong naisama natin sa pag-angat—mga taong tinulungan natin, mga taong nilingon natin kahit malayo na ang ating narating.

Sapagkat hindi natin maaabot ang wakas o finish line na inaasam, kung wala sila sa simula, sa gitna, at sa bawat yapak ng ating mga paa.

𝘉𝘦 𝘴𝘶𝘤𝘤𝘦𝘴𝘴𝘧𝘶𝘭, 𝘣𝘶𝘵 𝘳𝘦𝘮𝘢𝘪𝘯 𝘶𝘴𝘦𝘧𝘶𝘭.

Class of 2026, 𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘵𝘢𝘬𝘦𝘴 𝘺𝘰𝘶, 𝘥𝘰 𝘯𝘰𝘵 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘦𝘵 𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵𝘦𝘥 🎓Kanina habang nakatayo ako sa entablado at tini...
24/09/2026

Class of 2026, 𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘵𝘢𝘬𝘦𝘴 𝘺𝘰𝘶, 𝘥𝘰 𝘯𝘰𝘵 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘦𝘵 𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵𝘦𝘥 🎓

Kanina habang nakatayo ako sa entablado at tinitingnan kayo, hindi lamang mga iskolar ng bayan ang nakikita ko—nakikita ko rin ang k’wento sa likod ng bawat nagsipagtapos.

Nariyan ang mga minsa’y nangarap makapasok sa PUP, nariyan din ang mga tumigil ngunit muling nakahanap ng pagkakataon para magpatuloy, ang mga inaakalang huli na sila sa karera ng buhay ngunit narito na sa finish line, mga pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral, mga breadwinner ng pamilya, at s’yempre hindi mawawala ang istorya ng inyong pamilya, higit ang inyong mga magulang.

Ang inyong sintang paaralan ay hindi lang state university gaya ng tingin ng karamihan, iyan ang isa sa mga tahanan ng pinakamahuhusay na mag-aaral. Indeed, this is a university of the people.

Sana lagi ninyong tandaan ang tatlong bagay na iniwan ko sa inyo:

Una, remember where your education came from.
Ikalawa, do not be afraid of a difficult beginning.
Huli, wherever you go, leave something better than you found it.

Saan man kayo dalhin pagkatapos nito, nawa’y alalahanin niyo ang diplomang hawak niyo ay hindi lang papel, k’wento ‘yan ng tagumpay mo, ninyo, at ng mga taong minsang nangarap kasama ninyo.

Congratulations, graduates! Mabuhay ang PUP Sto. Tomas! Mabuhay ang Class of 2026!

THE 2ND INTERNATIONAL SHRINE IN THE PHILIPPINES! 🇵🇭Kasabay ng Feast Day ni San Pio ng Pietrelcina, idineklara na bilang ...
24/09/2026

THE 2ND INTERNATIONAL SHRINE IN THE PHILIPPINES! 🇵🇭

Kasabay ng Feast Day ni San Pio ng Pietrelcina, idineklara na bilang ikalawang international shrine sa bansa ang Shrine of St. Padre Pio na matatagpuan sa Sto. Tomas City, Batangas.

Sa mismong araw ng deklarasyon ay direkta nating nasaksihan ang pagtitipon ang mga deboto para maging bahagi ng kasaysayang ito ng dambana.

Muli, Happy Fiesta, Padre Pio!
Viva Padre Pio!


Tuluy-tuloy ang progreso sa Ikatlong Distrito! ☝🏻Muli, binabati natin ang JTI at bawat Batangueñong bahagi at magiging b...
24/09/2026

Tuluy-tuloy ang progreso sa Ikatlong Distrito! ☝🏻

Muli, binabati natin ang JTI at bawat Batangueñong bahagi at magiging bahagi ng panibagong planta sa Bayan ng Malvar.

Sa likod ng tumataas na antas ng ekonomiya ay ang pagsibol ng mga bagong oportunidad para sa ating mga kababayan, lalo’t higit sa usapin ng kabuhayan.

Again, to the leadership of JT International and JTI Asia Manufacturing Corporation, General Manager Alan Jackson, JTI-AMC Head Amir Vajdi, and your colleagues who have travelled from JTI’s offices around the world, maraming salamat!


Congratulations, JTI sa bagong Dry Ice Expanded To***co (DIET) Plant sa Malvar! 🇵🇭Patunay ito sa lumalagong kumpiyansa s...
24/09/2026

Congratulations, JTI sa bagong Dry Ice Expanded To***co (DIET) Plant sa Malvar! 🇵🇭

Patunay ito sa lumalagong kumpiyansa sa ating distrito at lalawigan, higit lalo sa mga manggagawang Batangueño.

Hindi lamang kayo basta kumpanya, alam ko mismo at nakita ko kung paano kayo naging katuwang noong mga panahong lubos na apektado ang mga bayan dahil sa mga bagyong nagdaan. Again, our people remember that and I remember that.

Natutuwa ako at ipinagpapasalamat kong magiging instrumento muli ang plantang ito para mabigyan ng hanapbuhay ang ating mga kababayan.

Asahan ninyong magiging katuwang ninyo ako, kami, para sa tuluy-tuloy na pagsusulong ng mga polisiyang magpapatatag sa ating ekonomiya.

You have invested in us, so we will keep investing in you. Mabuhay ang JTI! Mabuhay ang Malvar! Mabuhay ang Lalawigan ng Batangas!


International Shrine na ang Shrine of St. Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas!Higit sa pagiging dambana, bilang isang Kato...
23/09/2026

International Shrine na ang Shrine of St. Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas!

Higit sa pagiging dambana, bilang isang Katoliko, tahanan ito ng iba’t ibang panalangin natin—may pinagdaraanan man tayo o simpleng pasasalamat sa Panginoon.

Naalala ko noong nakaraang taon, isa ito sa mga una kong iniakdang batas, hindi dahil gusto lang nating maging bahagi ito ng turismo, ngunit kinikilala natin ang napakalaking halaga ng shrine para sa mga mamamayan ng Batangas at mga lumuluwas para kay San Padre Pio.

Kasabay ng Feast Day, opisyal nang idineklarang ikalawang international shrine ito sa Pilipinas, isang simbolo ng pananampalataya.

Address

Tanauan
Batangas

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. King Collantes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share