30/03/2026
Taunang Pagtatapos at Pag lilipat Antas 2026
Marso 30, 2026
Isang panibagong yugto na naman ang nagsara ngunit panibagong pag-asa ang magbubukas. Ang aming taos pusong pagbati sa lahat ng mga mag-aaral ng Arumahan ES na kasiya-siyang nakapagtapos at nagsilipat Antas ngayong araw na ito, ganun din ang pasasalamat sa kanilang mga magulang sa walang hanggang suporta at pagmamahal.
Hindi magiging matagumpay ang pagdiriwang na ito kung wala ang mga taong naging bahagi upang maisakatuparan ang pagtatapos na ito sa ating mga minamahal na g**o sa pamumuno ni Gng. Marilyn Mulingtapang, Punongg**o I na syang gumabay, pumanday at humubog di lamang sa kanilang isipan Pati na rin sa kanilang karakter at pagkatao, sa ating masisipag na SPTA Officers sa pamumuno ng napakasigasig at napakasipag na pangulo, G. Richard Bendaña, sa ating Opisyales ng barangay napinangungunahan ni Kgg. Criselda Magnaye Calingasan, sa ating mga barangay tanod sa pangunguna ni Hepe Elizabeth Jobeth Robles, sa ating naging panauhin Gng. Loreta Ilao, EPS sa Filipino, Gng. Avelino Mortel, pampurok na tagamasid sa kanyang walang sawang gabay at suporta sa mga paaralan, sa ating dalawang Panauhing Tagapagsalita G. Rigo Bendaña at Bb. Tessa Joy Noche sa pagbabahagi ng kanilang buhay, karanasan at tagumpay kayo ang patunay na ang Arumahan ES ay Paaralang humuhubog Di lamang ng isipan kundi karakter, ikinararangal po namin kayo.
At sa huli ang papuri at pasasalamat sa ating Amang lumikha sa pagkakaloob ng makasaysayang araw na ito para sa ating mga nagsipagtapos.