11/06/2023
𝟏𝟐𝟓𝐭𝐡 𝐀𝐍𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄 𝐈𝐍𝐃𝐄𝐏𝐄𝐍𝐃𝐄𝐍𝐂𝐄
Ang Doña Maria Laurel Platon School of Agriculture ay nakikiisa sa ating sambayanan sa pagdiriwang ng ika-125 taon ng kasarinlan ngayong araw na may temang: 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧, 𝐊𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧. Ang tema ay para sa pagdiriwang mula ngayong 2023 hanggang 2026. Ang tatlong taong pag-alala sa ating kalayaan ay magbibigay pansin sa mga pangyayaring naging dahilan ng kapanganakan at pagpoproklama ng ating kalayaan nuong ika-12 ng Hunyo, 1898. Ito ay upang lalong mapag-alab ng mga Pilipino ang pagmamahal sa ating inang bayan, paggalang at paggunita sa mga bayaning nagbuwis ng buhay at maging sa mga taong iwinagayway ang ating watawat at dinala ang pangalan ng bansa sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Ang patuloy na pagtuturo sa mga kabataan ng ating kasaysayan ang magiging paraan upang mapreserba ang ating nakaraan at hindi makalimutan ang kanilang mga ipinaglaban na ating tinatamasa sa makabagong henerasyon ngayon. Nawa ang ganitong mga pagdiriwang ay magdulot ng pag-angat ng kamalayan nating mga Pilipino pagdating sa mga isyung panlipunan.
𝐓𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐨𝐨 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐧𝐨, 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐲 𝐭𝐚𝐲𝐨!
Para sa iba pang mga kaganapan, maaaring bisitahin ang page ng paaralan: https://www.facebook.com/DepEdTayoDMLPSA307727
𝟏𝟐𝟓𝐭𝐡 𝐀𝐍𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄 𝐈𝐍𝐃𝐄𝐏𝐄𝐍𝐃𝐄𝐍𝐂𝐄
Ang Doña Maria Laurel Platon School of Agriculture ay nakikiisa sa ating sambayanan sa pagdiriwang ng ika-125 taon ng kasarinlan ng Pilipinas ngayong araw na may temang: 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧, 𝐊𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧. Ang tema ay para sa pagdiriwang mula ngayong 2023 hanggang 2026. Ang tatlong taong pag-alala sa ating kalayaan ay magbibigay pansin sa mga pangyayaring naging dahilan ng kapanganakan at pagpoproklama ng ating kalayaan nuong ika-12 ng Hunyo, 1898. Ito ay upang lalong mapag-alab ng mga Pilipino ang pagmamahal sa ating inang bayan, paggalang at paggunita sa mga bayaning nagbuwis ng buhay at maging sa mga taong iwinagayway ang ating watawat at dinala ang pangalan ng bansa sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Ang patuloy na pagtuturo sa mga kabataan ng ating kasaysayan ang magiging paraan upang mapreserba ang ating nakaraan at hindi makalimutan ang kanilang mga ipinaglaban na ating tinatamasa sa makabagong henerasyon ngayon. Nawa ang ganitong mga pagdiriwang ay magdulot ng pag-angat ng kamalayan nating mga Pilipino pagdating sa mga isyung panlipunan.
𝐓𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐨𝐨 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐧𝐨, 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐲 𝐭𝐚𝐲𝐨!
Para sa iba pang mga kaganapan, maaaring bisitahin ang page ng paaralan: https://www.facebook.com/DepEdTayoDMLPSA307727