05/06/2026
PAGTIYAK SA SEGURIDAD SA PAGKAIN: NFA ADMINISTRATOR LARRY R. LACSON , NAG INSPEKSYON NG MGA BODEGA SA INFANTA AT POLILIO, QUEZON
Patuloy ang ginagawang inspeksyon ni Administrator Larry R. Lacson sa mga bodega at pasilidad ng NFA upang matiyak na nasa mabuting kondisyon ang mga ito. Sa loob ng dalawang araw, mula June 3-4, 2026 binisita ni Administrator Lacson ang GID Warehouse sa Infanta at FLGC Warehouse sa isla ng Polillo, sa Quezon.
Layunin ng kanyang pagbisita na personal na masuri ang mga opisina, mga bodega at iba pang pasilidad, masiguro ang mataas na kalidad ng mga palay at bigas, at direktang makausap ang mga empleyado upang alamin ang mga pangangailangan ng branch office.
Bahagi ito ng kanyang dedikasyon na mas higit pang mapahusay ang mga programa ng ahensya at itaguyod ang katapatan at pananagutan sa serbisyo publiko.