15/05/2026
Bayanihan sa Paaralan: BRIGADA ESKWELA 2026!
Hunyo 1–5, 2026
Sinisian Elementary School – Calaca City, Batangas
Sa temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman!” sama-sama nating pagandahin, ayusin, at ihanda ang ating paaralan para sa bagong taon ng pag-aaral!
Inaanyayahan ang lahat ng magulang, alumni, at kaibigan ng paaralan na makiisa sa ating bayanihan. Magbahagi ng tulong sa pamamagitan ng donasyon, kagamitan, o serbisyo upang mas mapaganda ang ating paaralan para sa darating na pasukan.
Dalhin ang inyong mga pintura, martilyo, lagari, at ngiti — dahil sa Sinisian, ang bawat tulong ay may malaking ambag sa kaalaman!
Tara Na! Kita Kits sa Brigada!