Sakto Barangay Sampaga, Batangas City

Sakto Barangay Sampaga, Batangas City SAKTO SAMPAGA 2024

๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ"๐™‡๐™š๐™œ๐™–๐™˜๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ: ๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ ๐™€๐™ญ๐™˜๐™š๐™ก๐™ก๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š, ๐™ƒ๐™ค๐™ฃ๐™ค๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™„๐™ข๐™ฅ๐™–๐™˜๐™ฉ, ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™„๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™‰๐™š๐™ญ...
05/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
"๐™‡๐™š๐™œ๐™–๐™˜๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ: ๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ ๐™€๐™ญ๐™˜๐™š๐™ก๐™ก๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š, ๐™ƒ๐™ค๐™ฃ๐™ค๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™„๐™ข๐™ฅ๐™–๐™˜๐™ฉ, ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™„๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™‰๐™š๐™ญ๐™ฉ ๐™‚๐™š๐™ฃ๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ."

Isang makabuluhang paglalakbay ang muling magbubuklod sa bawat Kabataang Sampagueรฑo, kung saan ang diwa ng paglilingkod, pagkakaisa, kahusayan, at pamumuno ang magsisilbing pundasyon sa pagbuo ng isang mas matatag na kinabukasan.

Mula ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, sama-sama nating ipagdiriwang ang Linggo ng Kabataan 2026 sa pamamagitan ng iba't ibang programa at gawaing magpapakita ng tunay na kakayahan ng kabataan

Mula sa Opening Ceremony, Summer Youth Camp (Palaro ng Lahi), Chess at Dama Tournament, Billiards at Dart Tournament, Mobile Legends Tournament, hanggang sa Katipunan ng Kabataan Assembly.

Ngunit higit pa sa mga paligsahan at aktibidad, ito ay isang pagdiriwang ng mga kabataang patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa ating komunidad. Sa ating KK Night: Gabi ng Pagpaparangal, kikilalanin natin ang mga Natatanging Kabataang Sampagueรฑo na nagpamalas ng kahusayan sa iba't ibang larangan at nagsilbing huwaran ng dedikasyon, sipag, at malasakit habang dala nila sa pangalan nila ang Barangay Sampaga bilang isang Kabataang Sampagueรฑo. Kasabay rin nito ang 2nd Batch Distribution of Educational Assistance, bilang patunay na ang edukasyon ay nananatiling pangunahing puhunan para sa kinabukasan ng ating kabataan.

Sa bawat hakbang, bawat pangarap, at bawat tagumpay, sama-sama nating patutunayan na ang tunay na legacy ay hindi lamang nasusukat sa mga naabot na tagumpay, kundi sa positibong impluwensyang naiiwan para sa susunod na henerasyon.

Tara na, Kabataang Sampagueรฑo! Makiisa, makilahok, at maging bahagi ng isang pagdiriwang na mag-iiwan ng inspirasyon, pag-asa, at pamana ng kabutihan para sa ating komunidad.







๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ก๐—”๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ"๐™‡๐™š๐™œ๐™–๐™˜๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ: ๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ ๐™€๐™ญ๐™˜๐™š๐™ก๐™ก๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š, ๐™ƒ๐™ค๐™ฃ๐™ค๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™„๐™ข๐™ฅ๐™–๐™˜๐™ฉ, ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™„๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™ž๐™ง...
05/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ก๐—”๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ

"๐™‡๐™š๐™œ๐™–๐™˜๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ: ๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ ๐™€๐™ญ๐™˜๐™š๐™ก๐™ก๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š, ๐™ƒ๐™ค๐™ฃ๐™ค๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™„๐™ข๐™ฅ๐™–๐™˜๐™ฉ, ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™„๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™‰๐™š๐™ญ๐™ฉ ๐™‚๐™š๐™ฃ๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ."

๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป, ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฒรฑ๐—ผ!

Handa na ba kayong ipakita ang inyong husay, estratehiya, at sportsmanship?

Bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026, ihahanda natin ang iba't ibang paligsahan na magpapakita ng talento, disiplina, at pagkakaisa ng ating kabataan.

Mga Paligsahan at gforms link para maka sali sa mga paligsahan
โ™Ÿ๏ธ Chess and Dama Tournament - https://forms.gle/gx6UrURbVUEYyNFD6
๐Ÿ“… August 15, 2026 | ๐Ÿ•˜ 9:00 AM

๐ŸŽฑ Billiards and Dart Tournament - https://forms.gle/V6oNTh5hMV3qNagr7
๐Ÿ“… August 15, 2026 | ๐Ÿ• 1:00 PM

๐ŸŽฎ Mobile Legends Tournament - https://forms.gle/T2ffPiyWZUKRVRbu6
๐Ÿ“… August 16, 2026 | ๐Ÿ•— 8:00 AM

Hindi lamang ito laban para sa tagumpay ito ay pagkakataong maipakita ang disiplina, respeto, teamwork, strategic thinking, at sportsmanship na siyang tunay na diwa ng kompetisyon.

Samahan ninyo kami sa huling pagkakataon sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sampaga habang sama-sama nating ipinagdiriwang ang husay, talento, at pagkakaisa ng Kabataang Sampagueรฑo.

Handa ka na ba? Tipunin ang iyong koponan, ihanda ang iyong estratehiya, at ipakita ang galing ng Kabataang Sampagueรฑo!

KK ASSEMBLY AND KK NIGHT PROGRAM FLOW, LIST OF BENEFICIARIES AND REGISTRATION LINKThe Katipunan ng Kabataang Sampagueรฑo ...
05/08/2026

KK ASSEMBLY AND KK NIGHT

PROGRAM FLOW, LIST OF BENEFICIARIES AND REGISTRATION LINK

The Katipunan ng Kabataang Sampagueรฑo is inviting you to join the Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly 2026 and KK Night: Night of Recognition for Outstanding Sampagueรฑo Youth, one of the highlights of the 2026 Youth Week.

The KK Assembly is not just a gathering, but an important opportunity to learn about the programs, projects, and achievements of your Sangguniang Kabataan. It will feature the State of the Youth Address (SOYA), the SK Accomplishment Report, Financial Report, upcoming programs and projects, and an Open Forum and Youth Consultation, where you can share your ideas, opinions, and issues for the benefit of the youth of Barangay Sampaga.

Following the KK Assembly, the KK Night will be held, a night of recognition and gratitude for the outstanding youth who have excelled in various fields. The event will feature the Distribution of Educational Assistance, as a continuation of our support for the education of Sampagueรฑo youth.

The following documents will be accepted for pre-registration for the KK Assembly and KK Night:
1. Board Examination Passers Recognition (Dec. 7-July 2026)
2. Outstanding Sampagueรฑo in the Arts
3. Outstanding Sampagueรฑo in the Arts and Sports
4. Outstanding Sampagueรฑo in the Sports
5. Outstanding Sampagueรฑo in the Basketball

All applicants who wish to be recognized at the KK Night are requested to submit the following documents to validate their achievements from 2023 to 2026:

1. Certificate
2. Medal, Trope, or Plaque
3. Official Recognition
4. License
5. Photos
6. Competition Results
7. Other related documents that prove your achievements.

Reminder:
1. Only the achievements and successes from 2023โ€“2026 will be considered.
2. The Youth beneficiaries of Educational Assistance must attend the KK Assembly

Join us for the last opportunity under the current leadership of the Barangay Sampaga Youth Council as we celebrate together the achievements, dreams, and inspirations of our youth. Be part of our legacy, an active generation with a voice, and ready to serve for a more prosperous Barangay Sampaga.

๐—ฆ๐—จ๐— ๐— ๐—˜๐—ฅ ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง๐—› ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ(๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ต๐—ถ)"๐™๐™ง๐™–๐™™๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ, ๐™‡๐™–๐™ ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ! ๐™Ž๐™–๐™ข๐™–-๐™จ๐™–๐™ข๐™–, ๐™Ž๐™–๐™ฎ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™–!"๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ...
05/08/2026

๐—ฆ๐—จ๐— ๐— ๐—˜๐—ฅ ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง๐—› ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
(๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ต๐—ถ)

"๐™๐™ง๐™–๐™™๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ, ๐™‡๐™–๐™ ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ! ๐™Ž๐™–๐™ข๐™–-๐™จ๐™–๐™ข๐™–, ๐™Ž๐™–๐™ฎ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™–!"

๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฒรฑ๐—ผ?

Bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026, inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan na makiisa sa Summer Youth Camp (Palaro ng Lahi) isang hapon ng kasiyahan, tawanan, at pagbabalik sa mga tradisyunal na larong Pilipino na minsang naging bahagi ng ating pagkabata.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, muli nating buhayin ang diwa ng Palarong Lahi at ipakita na ang tunay na saya ay matatagpuan sa pakikipagkaibigan, pagtutulungan, at pagkakaisa.

Mga Larong Tampok at paraan para maka sali sa mga aktibidad. Mag rehistro lamang sa mga gforms link na nasa baba.

1. 1,2,3! Go! Kanya-Kanya Na (Habulan ng Biik) - https://forms.gle/PzvTjazdVrKAWGvk6

2. Yoohoo! Dito ang Tingin! (Hampasan ng Palayok) - https://forms.gle/WovvSyrwo7P5gQEQ7

3. Oops Oops Oops! Bamboo Throwing - https://forms.gle/JU3JLSrRt5KYj5g58

Higit pa sa kompetisyon, layunin ng Summer Youth Camp na maitaguyod ang:

1. Paggalang sa Kapwa
2. Pagkakaisa
3. Pagmamalasakit
4. Pagpapahalaga sa Tradisyon

August 14, 2026 3:30 PM

Samahan ninyo kami sa huling pagkakataon sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sampaga habang sama-sama nating ipinagdiriwang ang ating kultura, pinatitibay ang samahan, at lumilikha ng mga alaalang mananatili sa ating mga puso.

Tara na! Iwan muna ang gadgets at balikan ang saya ng mga larong kinalakihan natin. Makiisa, makipaglaro, at maging bahagi ng isang hapon na puno ng tawanan, sigawan, at pagkakaibigan!

Address

Batangas City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sakto Barangay Sampaga, Batangas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share