05/04/2026
Cuaresma 2026
Noong 2024, nakapaglabas tayo ng santo at naging camarero sa imahe ni Sta. Maria de Betania. Ito ang paunang pagkakataon na maipakilala at maisama siya sa Holy Week, bilang isang mahalagang bahagi ng buhay ni Sta. Maria de Betania, ang babae na nagpunas ng pabango kay Kristo. Ang kanyang kwento ay isang simbolo ng debosyon at pagmamahal sa Panginoon.
Ngayon, sa taong 2026, ipinakikilala o La Primera Salida para sa Los Hermanos de Betania, na nagtatampok sa magkakapatid na sina Sta. Marta, San Lazaro, at Sta. Maria ng Betania. Ang mga ito ay mga mahalagang tauhan sa ating pananampalataya, na nagbibigay inspirasyon sa ating mga debosyon.
Sta. Marta: Kilala bilang tagapag-alaga ng tahanan at kapatid ni Sta. Maria de Betania. Siya ay simbolo ng serbisyo at pagtulong sa kanyang pamilya at komunidad.
San Lazaro: Ang kapatid na muling binuhay ni Kristo. Siya ay simbolo ng pag-asa at muling pagkabuhay, na nagbibigay inspirasyon sa mga tao na maniwala sa mga himala ng Diyos.
Sta. Maria de Betania: Isang masugid na tagasunod ni Kristo, siya ang nagpunas ng pabango sa mga paa ni Jesus, na nagpapakita ng kanyang pagmamahal at debosyon. Siya ay itinuturing na patron ng mga tao na may mga pasakit at humihingi ng tulong.
Noong 2024 at 2025, sa kagustuhan nating makapag-alaga ng imahe, tayo’y nanghihiram ng karosa. Ngunit sa taong 2026, sa tulong ng mga donasyon, tayo’y nakapaglabas ng sariling karosa na ginawa kasama ang aking mga kapatid. Ang proyektong ito ay isinabuhay ang magkakapatid na taga-Betania, na nagpapakita ng ating pagkakaisa at dedikasyon sa ating pananampalataya.