30/12/2025
๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐ข๐ฆ๐ ๐ฅ๐๐ญ๐๐, ๐ ๐จ๐๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐จ๐ก๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐ข
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa Pambansang Monumento ni Jose Rizal ngayong umaga ng 30 Disyembre 2025 sa Lungsod ng Maynila. Kasama niya ang kanyang pamilya, mga opisyal mula sa ibaโt ibang ahensya ng pambansa at lokal na pamahalaan, mga pangkat sibiko, mga unipormadong kawal, mga kinatawan mula sa ibaโt ibang bansa, mga kaanak ng Pamilya Rizal, at mga karaniwang Pilipino sa tradisyunal na paggunita sa kabayanihan ni Jose Rizal.
Isang daan at dalawamputโ siyam na taon na ang nakalipas nang bitayin ang kilalang manunulat, g**o, doktor, at aktibistang si Jose Rizal ng pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas nang siyaโy mahatulan bilang isa sa mga pinuno ng Himagsikang Pilipino. Ito ay sa kabila ng kawalan ng malalim na patunay sa mga paratang sa kanya. Sa kanyang pagkamartir, naging sagisag si Jose Rizal at ang kanyang mga akdaโt mga aral para sa mga Pilipino na tahakin ang landas tungo sa Kalayaan. Ang araw ng kanyang kabayanihan ay isa sa pinakamatandang araw ng paggunita na kinikilala ng bayang Pilipino nang una itong gunitahin noong 1898 sa utos ni Pangulong Emilio Aguinaldo.