13/05/2026
𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐅𝐚𝐭𝐢𝐦𝐚
Sa pagdiriwang ng kapistahan ng Reyna ng Santo Rosaryo at Ina ng Kapayapaan ngayong ika-13 ng Mayo, buong pusong nagpupugay ang Diocesan Youth Ministry in Campus sa aming mapagkalingang ina na patuloy na umaakay sa kabataan palapit kay Kristo.
Sa Kanyang panawagan ng panalangin, pagsisisi, at pagbabalik-loob, muli Niya tayong inaanyayahang dasalin ang Santo Rosaryo araw-araw para sa ikapagtatamo ng kapayapaan sa daigdig. Sa gitna ng kaguluhan at paghihirap ng mundo, nawa’y manaig ang kapayapaan sa pamamagitan ng sama-samang pananalangin at pagtitiwala sa Diyos.
O Mahal na Birhen ng Fatima, ipanalangin mo kami at akayin mo ang kabataan tungo sa puso ng iyong Anak.